Chapter 6 [Three Words]

8 1 0
                                    

[Three Words]

-

"Naaalala mo pa ba nung graduation natin nung elementary?"

Kumunot naman ang noo ko. "Ang alin?" napaisip naman ako sa nangyari nung graduation namin pero wala akong masyadong naalala kundi yung time na nag-speech ako at yung mga picture-an.

"Yung nag-picture tayo tapos nanginginig ako. Tinanong mo pa nga kung okay lang ba ako," sabi nito kasabay ng pamumula ng pisngi niya.

Natawa naman ako. "Omg! Oo, naalala ko na. Sabi mo okay ka lang pero pagkatapos natin mag-picture, tumakbo ka naman palayo sa akin. Nag-alala pa nga ako nun eh," naiiling kong sabi.

Tumawa rin siya sa alaala. "Yun yung araw na naamin ko sa sarili kong gusto kita," halos pabulong nang sabi niya.

Nanlaki naman ang mata ko. "Seryoso? That was like six years and few months ago, right?" Kailan ba kami grumaduate? April 2008. September 2014 na.

"Yep. Nawalan na nga ako ng pag-asa eh. Kasi kahit schoolmates pa rin tayo nung high school, hindi naman na tayo magkaklase at hindi na rin nga masyadong nag-usap," paliwanag nito. "Ang busy mo kasi," reklamo niya pa saka pinisil ang pisngi ko.

"Pero ngayong college..." dugtong ko.

Tumango siya. "Ngayong college, hindi ko na pinalagpas. I mean, I've been a dork long enough. And look where my courage brought me."

Tumaas naman ang kilay ko. "Where?"

"To your heart!" tatawa-tawang sabi niya.

Hindi ko rin napigilang matawa. "Yeah, right into it. But to be honest, hindi pa rin ako makapaniwala."

"Kahit one month na?"

I nodded. "Kahit one month na." Uh-huh. Nung Tuesday, one month na kaming in a relationship ni Rafael. Totoo talagang mabilis yung panahon lalo na kapag masaya ka. Hindi ako nag-expect ng kahit ano pero itong si Raf, may surprise pala sa akin. Doon kami nag-celebrate sa bakuran nila at nagmistulang may birthday party. Kasama namin si Ysa, si Jen, at ang ilan sa mga kaibigan ni Raf, including Jeff na ex na ni Ysa. Three weeks ang tinagal nila, by the way. At hindi sila awkward, civil lang.

Isa pa sa pinaka nakakatuwang bagay nung araw na 'yon ay yung regalo ni Raf. Yung limited edition na sapatos ng Nique & U. Ni hindi ko nga alam na nilabas na pala yun. Ang nakakatuwa pa, hindi ko naman sinabi kay Rafael na paborito ko yun. Na-observe niya lang kaya tuwang-tuwa talaga ako.

"Masasanay ka rin," bulong niya. 

Ngumiti lang ako. "Sa bahay daw tayo magdi-dinner diba?" tanong ko.

"Oo daw sabi ni tita," sambit nito at ilang minuto ang lumipas, pinatayo niya ako mula sa pagkakaupo sa bleachers ng park na hindi kalayuan sa bahay namin.

"Bakit?" kunot noo kong tanong. "Uuwi na tayo? Halos kakarating lang natin ah," sabi ko. Sabay kasi yung uwian namin tuwing Thursday at dito kami dumiretso.

Nakatayo na siya at nakalahad ang isang kamay. "Hindi pa tayo uuwi. Aakyat tayo dun," sagot naman niya sabay turo sa pinakamalaking puno na nakatayo sa may gilid.

"Huh? Ang hirap kayang umakyat sa puno. Baka mapahamak pa tayo."

Umiling naman siya. "Hindi, promise. Trust me. Kailangan na nating magmadali."

Wala akong nagawa kundi ang abutin ang kamay niya at maglakad papunta doon sa puno. Nalaman kong meron palang ladder na nakatali sa kanya na halos kasing taas ng puno. Unang umakyat si Raf at nakasunod naman ako. Umalis siya sa ladder at dahan-dahang lumipat dun sa pangatlong branch na isa sa pinakamakapal. Inilahad niyang muli yung kamay niya saka sinabing, "Here. Dahan-dahan."

Dreamers and ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon