Chapter 21 [Change]

12 1 1
                                    

[Change]

November 17, 2014

Maaga akong nagising kaya naghanda na agad ako ng breakfast.

Kanina, paggising ko, nakayakap na naman sa akin si Kent. Ewan ko ba dun. Akala niya ata, unan ako.

"Good morning, Wifey!" masayang bati nito.

Agad akong napaiwas ng tingin. Naalala ko na naman yung pinagkuwentuhan namin kagabi. Nakakainis talaga. Last week, siya 'tong umamin sa akin na nagselos siya dahil kay Rafael tapos ngayon, siya pala 'tong may ibang gusto. Pinaglololoko lang ata talaga ako nitong lalaking 'to.

"Uy, wifey!"

Napalingon ako sa kanya. "Ha?" nagtataka kong tanong.

"Okay ka lang ba? Sabi ko, good morning."

"Ah, oo. Good morning din. Kain na," sabi ko saka tinuro ang mesa. Pag-upo niya, umupo na rin ako. "Kent."

"Hmm?"

Tinignan ko siya nang seryoso. "Gusto ko sanang magtrabaho. Kahit ano."

"Bakit? Hindi mo naman na kailangang-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Kent, please. Gusto ko lang makatulong. Ayoko na puro pasarap lang ako. Kahit ano. Kahit home-based lang," pakiusap ko.

Seryoso itong nag-isip tapos mayamaya ay ngumiti na. "Sige. Magtatanong ako kay mommy."

"Thank you, Kent," nakangiting sabi ko.

-

Kinagabihan pag-uwi nito, masigla niya kong binati.

"Wifey! Marami akong ikukwento sayo," sabi nito.

Bahagya akong ngumiti. "Makikinig ako."

"Pinili ako ni mommy na mag-present sa clients. Nagulat nga ako eh. Mukhang sinusubukan nila ako. Ang sabi niya pa, meron daw siyang io-offer sayo. Bukas, sasama ka sa akin for interview."

"Talaga? So, magkakatrabaho na ako?"

"Pag pumasa ka sa interview. Pero wifey, alam ko namang kaya mo," nakangiting sabi nito.

Napangiti ulit ako. "Salamat, Kent," sambit ko at nag-isip ng mga posibleng itatanong sa akin sa interview.

"Wifey," tawag ni Kent. 

Napatingin naman ako sa kanya. "Bakit?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan."

"Huh?" nagtataka kong tanong.

Sumimangot ito. "Bakit Kent ang tawag mo sakin?"

"Ha? Ah, akala ko naman kung ano," tumawa ako nang pilit. "Tara na, kain na tayo."

Hindi na siya ulit nagtanong at kumain na kami. Nagkuwento pa ulit siya habang kumakain kami.

Nang matutulog na kami, pagpasok ko sa kwarto niya, nakatitig siya sa ceiling pero agad ding lumingon sa akin. Paghiga ko, humarap ito sa akin. "Wifey," tawag nito.

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Yakapin mo ko."

"Ha?" gulat na tanong ko.

Ngumiti ito. "Please," sambit niya pa.

Kinailangan ko pang lumunok bago ko nagawang ipatong ang braso ko sa katawan niya.

Dreamers and ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon