Chapter 20 [Truce]

9 1 0
                                    

[Truce]

Paggising ko, ang sakit ng katawan ko. Parang ang bigat. Magkakasakit siguro ako. Dahil ba 'to sa sobrang pag-iisip? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano bang nangyari kay Kent. Sana lang ngayon okay na siya.

"Mmmm..." Napaangat ang ulo ko.

Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Kaya pala! Wala pala akong sakit. Sadyang mabigat lang ang kamay ng taong 'to. Feeling ko, pulang-pula na ako. Parang meron ding gumagalaw sa tiyan ko. Kailan pa naging butterfly garden ang tummy ko?

"I love you..." narinig kong sabi niya. Nanlaking muli ang mata ko at napatingin na naman sa kanya. Tulog pa rin siya.

Dahil gising naman na ako, naisip kong maghanda na ng breakfast para sa amin. Dahan-dahan kong inalis yung kamay niya at nagpunta na ako kusina. Nang matapos na ako, pumunta naman ako sa sala para hintayin siya. Pag labas niya, agad na nagtama ang mata namin. Hindi niya sana ako papansinin pero nagsalita ako.

"Kent, aalis nalang ako," seryoso kong sabi.

Natigilan naman siya. "Ano?" gulat na tanong nito.

"Aalis nalang ako. Ayoko na nahihirapan ka. Bahay mo 'to kaya wala akong karapatan na mag-stay pa dito."

"Vanessa," sambit nito at mabilis na naglakad papunta sa akin. Nanlaki ang mata ko nang bigla ako nitong niyakap. "Wag, please. Sorry. Sorry sa mga nasabi ko."

"Ayaw mo kong umalis?" nagtataka kong tanong matapos bumitiw sa yakap.

Umiling ito. "Ayoko. Wag kang umalis."

"Tapos ano? Hindi ako aalis tapos sasaktan mo rin ako?" sigaw ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mata niya. "Ha?"

Natawa na ako. "Joke lang! Tara na, naghanda na ko ng breakfast natin."

Napanganga naman siya. "Joke lang na aalis ka?"

"Uh-huh. Well, kanina seryoso pero sabi mo naman na ayaw mo edi hindi na. Bakit, gusto mo ba totohanin ko?" nakasimangot kong tanong.

"HINDI!" mariin nitong sagot.

"Kent, sabihin mo lang ah. Okay lang naman sakin eh. Promise. Kung ayaw mong nalulungkot ako, ayoko ring nalulungkot ka."

Mariin itong umiling at niyakap akong muli. "Hindi nga, Vans. Kalimutan mo na yun. Ayokong umalis ka."

Napangiti naman ako. Niyakap ko siya pabalik at tinapik ang likod niya. "I'm glad to hear that," bulong ko sa tenga niya saka siya mabilis na hinalikan sa pisngi. Matapos iyon, tumakbo na ko sa dining area kasi naramdaman ko nang nagliliyab na naman yung pisngi ko.

Nilagyan ko na ng kanin yung mga plato natin. Nilgyan ko na rin ng mainit na tubig yung mga inumin namin saka ako umupo.

"Magnanakaw talaga," narinig kong bulong nito bago tuluyang umupo. 

Sinulyapan ko naman ito pero napatingin ulit ako sa kanya nang mapansin yung mukha niya. "Namumulat ka, Kent. Masama ba yung pakiramdam mo?" tanong ko at lumapit sa kanya para hipuin yung noo niya.

"Okay lang ako, wifey," sabi nito kaya napatigil ako.

"Ano?"

"Okay lang ako," ulit nito.

"Hindi yan. Ano yung tinawag mo sa akin?" nakangiti kong tanong. Namula ang tenga nito. Kinikilig ba siya kaya siya namumula? Omg.

Umiling ito. "Wala."

Dreamers and ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon