Chapter 8 [Date? Last Date?]

8 1 0
                                    

[Date? Last Date?]

-

"Ysa! Ysa, gumising ka na!" sabi ko at inalog siya.

Nagsalubong naman ang kilay niya pero nanatili siyang nakapikit. "Puyat ako," sabi nito at tinalikuran ako.

Alam ko 'yon. Alam kong nagpuyat siya kagabi para tapusin lahat ng schoolwork na meron kami. Yep, nakakapanibago pero isa lang iyon sa nagagawa ng pag-ibig kay Ysa.

"Bakit ginagawa mo na agad?" gulat na tanong ko kagabi. Pagkatapos kasi naming kumain ng dinner ay dumiretso na siya sa kwarto niya at nadatnan ko nalang siya doon na nagpapaka-busy sa mga assignments.

Sinagot niya ako nang hindi man lang lumilingon. "Para wala na akong gagawin bukas at sa Sunday. Para marami kaming oras ni Steven." Oo nga naman. First weekend kasi nila 'to ni Steven.

Tumango nalang ako at naisipang sumabay sa kanya. Minsan lang kami sabay mag-aral dahil madalas, late na siyang gumagawa at ako naman ay nauuna. Pumayag naman siyang sumabay ako pero ilan palang ang natatapos ko ay inantok na ako.

"Matutulog na ako. Bukas ko na 'to itutuloy," paalam ko sa kanya. 11 pm na rin pala.

Tumango siya saka tumingin sa akin. "Sige. Good night. Tatapusin ko 'to eh," sabi niya at bumalik na doon sa ginagawa. 

Kung tatapusin niya talaga, ang dami niya pang gagawin pero alam kong hindi ko na siya mapipigilan at isa pa, ngayon lang siya naging ganito kaya panget naman kung pipigilan ko. Tumango nalang din ako.  Umalis na ako sa kwarto niya at pumunta na sa sarili kong kwarto. Natulog na ako nun at siya, hindi ko alam kung anong oras na natulog pero alam kong late na.

Kaya ngayon, ayaw niya pang bumangon. "Ysa, 10 am na. Kailangan mo nang kumain tapos maghahanda pa tayo," paalala ko sa kanya.

Napagkasunduan kasi naming apat na mag-double date at pumunta doon sa amusement park na pinuntahan namin ni Rafael noon.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Ysa pero imbis na sagutin iyon ay nagtakip lang siya ng unan. Kinuha ko iyon at nakitang si Steven ang tumatawag. Sinagot ko ito at sinadyang laksan ang boses ko para malaman ni Ysa na nobyo niya ang kausap ko.

"Hello, Steven?" sambit ko at lumapit kay Ysa para mas marinig niya.

"Vans? Si Ysa?" takang tanong niya.

"Tulog pa eh. Napuyat kagabi. Gumawa kasi siya ng schoolwork,"paliwanag ko naman.

Narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya. "Nagsisipag na pala ang girlfriend ko. Sige, kung may gagawin pa kayo, pwede namang bukas eh. O di kaya next week."

Hindi pa man ako nakakasagot ay may humablot na ng cellphone ni Ysabel. Sino pa ba, kundi siya?

"No! Hindi pwede. Gising na ako at wala na akong gagawin! Si Vans meron pa, pero kaya naman niya yung tapusin. Saka bukas may pasok ka na rin at magkaiba naman tayo ng course tapos ang layo pa ng schedule mo kumpara sa akin kaya mamimiss kita kaya aalis tayo ngayon," tuloy-tuloy nitong sabi.

"Okay, okay," tatawa-tawang sabi ni Steven at nag-usap na silang dalawa.

As expected, naipasa ni Steven yung admission exam ng school namin. Ang down side lang ay malayo yung schedule namin sa kanya. 

Dahil blockmate ko si Ysa, pareho kami ng schedule. Si Rafael naman, kahit magkakaiba kami ng klase at madalas ay mas maaga ang pasok ko, at kahit may pasok siya ng Sabado ng umaga, pareho kami ng oras ng uwian bukod sa Wednesday. Pareho rin ng oras ng lunch break kaya pwedeng pwede kaming magkita sa cafateria, o pwedeng ihatid niya ako sa condo, o sabay kaming umuwi. Pwede nga rin kaming sabay pumasok tuwing Friday dahil yun ang tanging araw na sabay ang pasok namin. Sa Wednesday lang talaga kami malayo kasi magaan ang load niya. Samantalang ako, maaga na nga ang pasok, late pa ang uwi.

Dreamers and ThievesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon