Chapter 09

9 2 0
                                    

9 years ago.

"Shit ka naman, eh ang arte mo!" Napaatras ako nang marahas akong itulak ng batang lalaki na kasing edad ko lang din. 

Nagtawanan ang kaniyang dalawang kaibigan na nasa kaniyang likuran. Puro malolobo ang kanilang mga pisngi at may dumi pa ang kanilang mga damit at ang isa naman na nasa harapan ko ay hindi man lang nakaplantsa ang kaniyang damit na pinakaayaw ko sa lahat. 

Kung nais niya akong pahangain ay kahit man lang sa simpleng pag plantsa ng damit niya ay ginawa niya. Pwede niya naman utusan ang nanay niya na gawin ito, o hindi kaya wala siyang nanay kaya napakadungis niya tignan?

Napailing-iling ako sa ginawa niya sa kaniyang pagtulak at tinignan ang lima kong kaibigan na naghihintay lamang sa gagawin ko.

Maglalaro sana kami ngayon nang habul-habolan dito mismo sa playground na ito ngunit bigla na lang dumating ang tatlong lalaking ito na nagpakilalang school mates daw namin. Hindi ko naman sila kilala at hindi ako interesado sa kanila dahil sa paraan pa lang nang pananamit nila ay parang wala silang pakialam sa sarili nila.

Nakaka-turn off.

"Ano ba kasing ayaw mo sa akin." Kahit nagmamakaawa ang tono ng batang ito sa akin ay hindi pa rin naaalis ang pagkainis sa mukha niya. 

Lumapit ako sa kaniya at medyo napalitan ng pagkabigla ang mga mata niya. "Wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay na iyan. At saka sino ka ba bakit parang kilalang-kilala mo ako?"

Nawala ang naiinis niyang awra at may naglalarong ngiti mula sa kaniyang mga labi. Akala niya ata gwapo siya o nakakatawa itong ginagawa niya, eh nagsasayang lang naman siya ng oras. Tumakas lang kaya ako sa bahay para makapaglaro kasama ang mga kaklase kong pumilit sa akin. 

Nasa kwarto sana ako ngayon at nag-aaral. Paniguradong hinahanap na ako ni Mama ngayon.

"Ikaw lang naman si Aaubrhys Rodriguez ang pinakamaganda at pinakamatalinong studyante sa skwelahan natin. Nakita kita noong nakaraang buwan at nabighani kaagad ako sa iyong ganda pero hindi ko alam na ganito ka pala ka sungit at mahirap pakisamahan. Ang isang kaibigan ko ay kaklase mo at sabi niya parati ka raw nag-aaral kahit sa free time mo kaya..." Nag aalinlangan pa siya sa kaniyang sasabihin pero nagkalabitin siya ng kaniyang kaibigan ay sa wakas nagsalita rin pero pautal-utal namin na animo'y nagpapa-cute kahit hindi naman.

Nakakainis lang. Nawala tuloy yung gana ko upang maglaro.

"Kaya naisip kong baka mapapabago kita at siguro maging kaibigan." 

Matapos niya iyon sabihin ay dumapo sa kaniyang pangit na pagmumukha ang kamao ko. Napamura ako sa tama nito sa pisngi niya. Narinig ko namang napasinghap ang dalawa niyang kaibigan at mga batang baabe sa likuran ko. Hindi siguro nila nakita ang posibilidad na ito. 

"Oops, pasensya na hindi ko sinasadya." Pagak akong tumawa sa naiiyak niyang mga mata. Parang gusto niya rin akong suntukin pero hindi niya magawa dahil maraming mga batang makakakita at sabihin pa siyang bakla. 

"B--bakit mo ako sinuntok?" Naiinis niyang untag sa akin na hindi ko binigyan ng sagot. 

Hindi naman dumugo ang ilong niya pero namumula ang kaniyang pisngi dulot sa suntok ko. Sana sinuntok ko na rin ang ilong niya para kahit papaano ay hindi niya na ako guguluhin pa.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo sinuntok ang lalaking may gusto sa iyo?" Sumapaw na ang dalawa niyang mga kaibigan na kahit hindi naman sila kasali sa laban na ito. 

"Gusto? Crush? Bakit kaya mo ba akong pakasalan kapag malalaki na tayo?" Malamig kong turan sa kaniya. 

Nakakunot ang noo niya sa akin at hindi makapaniwalang nagtanong. "Kasal? Baliw ka na ata siguro. Grade 3 pa lang tayo tapos iyan na ang pumpasok sa isip mo? Puro ba textbooks ang pinapakain ng nanay mo sa iyo kaya ibang-iba ka sa mga batang ito?" 

Napakuyom ako ng mga kamao nang banggitin niya ang nanay ko at sa paraan ng pagpapalaki niya sa akin. Kahit kailan man ay hindi ako sumagot-sagot sa nanay ko at wala siyang karapatan na ganitohin lang ako.

Hindi ko na nakayanan pa ang galit ko at itinulak ko na siya ng malakas dulot ng pagsalampok niya sa lupa. Narinig ko pa siyang dumaing bago ako umakyat papuntang rooftop ng building na ito. 

Mabibigat ang hininga ko nang makarating ako sa bubungan at tila umaambon ang kalangitan dahil sa kulay grey nitong kulay. Alas dos pa naman yung paglisan ko sa bahay pero bakit dumidilim na ang paligid.

"Punyeta kang babae ka!" Namilog ang mga mata kong napalingon sa pintuan nang iniluwa nito ang lalaki kanina sa playground. Nakabuntot pa rin sa kaniya ang dalawa niyang kaibigan pero ang mga babaeng kalaro ko kanina ay mukhang umuwi na. 

"Hangga't dito ba naman sinundan mo ako?" Hindi ako makapaniwala sa lakas ng sarili ng batang ito. "Hindi mo ba nakikita na ayaw ko sa iyo at pwede ba--"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinugod ako ng dalawa niyang kaibigan at pinagtutulungan na pagsipain ang dalawa kong binti at sabunutan ako. Pumalag din ako sa kanila at itinulak ko ang isa at sinampal ang pisngi ng isa pa dahilan upang napatihaya sila sa malamig na sahig ng rooftop na ito.

"Ano ba iyan wala ba kayong kain?" Pangungutya ko sa kanila. 

Sumugod naman sa akin ang batang lalaking may gusto raw sa akin pero wala namang balak na ligawan ako. Puro lang satsat at pasikat ang kayang gawin ng mga tao ngayon. 

Bago pa tumama ang kamao niya sa maamo kong mukha ay una ko siyang sinipa sa tiyan. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ang kaniyang baba at napangiti ako nang dumugo ang ilong niya. Parang may apoy na pumukaw sa damdamin ko at hindi ako napatigil sa pagbugog sa kaniya. 

Ang bobo naman kasi nitong batang ito hindi marunong makipag-away.

"Ayaw ko sa mga lalaking tulad mo. Ang gusto ko ay matalino, mayaman, mabait, gentleman at perpekto sa lahat ng bagay!" Bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay ang numerong pagsisipasipa ko sa katawan niya. 

Nang mapagod ay napaupo na lamang ako sa malamig na sahig at halos hindi ko na mahabol ang aking hininga. Nakakrindi rin ang iyak ng tatlong bata na kasama ko. 

Tumayo na ako para sana aalis nang magsalita pa ang kanilang leader na mas kinaiinisan ko sa lahat.

"Isusumbong kita sa police! Makukulong ang pamilya mo at mawawasak ang future na inaasam ng nanay mo sa iyo! Makikita mo, Aaubrhys!"

Sinugod ko siya nang walang pag-aalinlangan saka kinwelyuhan. Nag-aalab ng galit ang puso ko sa sinabi niya. Nakangiti lamang siya ngayon sa akin at sa mga oras na iyon ay hindi ko na makilala ang sarili ko. 

Ako ba talaga si Aaubrhys na pinalaking matalino nang aking mga magulang? Dahil sa mga oras na iyon ay parang ginamit ko ang aking emosyon na dapat ay gamitin ko ang aking isip. 

Dahil mas mabigat sa akin ang batang lalaki na iyon at siguradong magpupumiglas siya ay nakakita ako ng kahoy na may pukpok at hinampas ko ito sa ulo niya dulot ng pagkawala ng kaniyang ulirat. 

Tumakbo ang dalawang lalaki palabas sa kanilang nakita at bago pa dumating ang mga tao ay napagtagumpayan kong maihulog ang batang iyon mula sa rooftop papuntang playground. 

Hindi ako pinansin ni Papa buong magdamag at hindi siya mapakaling tumatawag ng kung sinu-sino sa telepono namin. Ako na ang naaawa sa kaniya dahil hindi niya man lang ginalaw ang pagkain na niluto ni kuya.

Kahit si kuya rin ay tahimik na nanunuod kay Papa nang may dumagundong na sunod-sunod na katok sa aming pinto. Sa wakas ay lumingon na si Papa sa direksyon ko at natarantang tinuro ang kwarto namin.

Hindi ko alam ang tinutukoy niya ngunit hinila ako ni kuya papasok doon at siya na mismo ang nagsarado ng pintuan. Narinig ko ang mga hiyawan ng mga taong hindi ko kilala at kung paano nila minura ang aking Papa at kuya.

"Mga malas kayo! Pinatay niyo ang anak ko!" Babaeng matanda ang may-ari ng boses na iyon at sinundan naman iyon ng mahinahong boses ni Papa.

Nais ko tuloy lumabas at harapin sila dahil sa mga walang kwenta nila nilang paratang laban sa pamilya ko. Ngunit natuod na lamang akong nakikinig sa kanila habang si Papa naman ay walang tigil ang pagmamakaawa sa kanila kahit wala siyang masamang ginawa.

The Guy I Called My First LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant