Chapter 14

18 2 0
                                    

"Rhys, I am glad you are here. I badly wanted to talk to you alone." Mabibigat ang hakbang niyang papalapit sa akin at hindi ko alam ang gagawin nang hawakan niya ang mga kamay ko. It is warm but his eyes are concerned while staring directly at my soul. 

Napakurap-kurap ako kung tama ba yung nakikita ko ngayon o baka naman namalikmata lamang ako. I have never seen him this affectionate towards me except to his friends. 

A couple of seconds passed before he said his business.

"Rhys, there must be something wrong with Neo. He is not spending his free time with us and he is more cheerful." Asher said in a low tone. I am trying to comprehend if he is sad or jealous about it. I cannot comprehend his eyes but he looks kind of intimidating. 

"What are you talking about? Paano napunta kay Neo ang usapan? Are you backstabbing him right now?" Hindi ako makapaniwala sa kaniya. Sinundan ko lang siya rito para makatanggap ng masasamang salita laban kay sa boyfriend ko? 

"Kaibigan mo rin siya, Ash. Ano bang pinagsasabi mo?"

"I am just concerned about you, Rhys. I didn't mean to offend you or backstab him like this." Madiin ang kaniyang boses sa bawat paratang niya kay Neo. Napakalakas ng apog niya ngayong hindi niya kaharap ang taong pinagsasalitaan niya ng masama.

Malapit nang magtagpo ang mga kilay ko sa mga pinagsasabi niya. Ang akala ko nagagalit siya dahil kay Hiroto pero may tinatago pala siyang dahas sa kaibigan niya. 

"Kung hindi kita sinundan dito may pagkakataon kayang masabihan mo ako tungkol diyan?" tanong ko sa kaniya. Nagpipigil na ako ng sarili na masigawan siya dahil nandito kami sa labas at baka maisturbo namin ang mga tao. O baka may mag-report sa amin sa police at mapapalaki na naman nito ang sitwasyon.

Napailing-iling siya sa akin. "Wala talaga akong balak sabihin ito sa iyo pero dahil nandito ka na naman--"

"Dahil nandito na naman ako ay pagsasalitaan mo ng masama ang boyfriend ko? Bago kita nakilala, Ash ay boyfriend ko na si Neo. Nakilala ko siya nang una sa ating dalawa. Sa tingin mo ba mas kilala mo siya kaysa sa akin?" 

When he tried to take a step forward and was about to grab my arms, my reflexes acted. Napaatras ako ng dalawang hakbang at parang gusto na atang kumawala ang puso ko mula sa aking dibdib. Dahil sa malamig na simoy ng hangin ng gabing ito ay nanlamig ang buo kong katawan. 

Nahuli rin sa aking mga mata ang pagkabigo sa mga mata ni Asher nang gawin ko ito. Nanatili lamang sa hangin ang kaniyang mga kamay at unti-unti ay napakuyom siya. Akala ko ay susuntukin niya ako kundi ay binawi niya lang ang kaniyang mga kamay at ramdam ko ang titig niya. 

Nanatili na lamang ang titig ko sa kaniyang mga sapatos dahil baka kung titigan ko siya sa mga mata ay bibigay ako. 

"You have to ask Neo about this, Rhys." He whispered enough for me to hear. 

I shook my head in exasperation. "No. You are the one whose curious, Ash. Ikaw ang may tanong mula kay Neo kaya ikaw ang magtanong sa kaniya. I don't have the answer so you should ask him face to face!" Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa galit pero pinipigilan ko ang panginginig ng bibig ko. Gusto kong marinig at maintindihan niya lahat ng mga pinagsasabi ko at baka titigil na siya sa iniisip niya.

"Rhys, can't you look me in the eye?" 

"What are u implying?" Tumaas ang tono ng boses ko kasabay nito ang pagtingala ko sa kaniya.

Kaunti siyang nagulat sa ginawa ko. Umatras ako ng kaunti sa kaniya dahil parang nag-iba ang hangin ng paguusap namin. Akala ko pag-uusapan namin ang kaninang nangyari sa apartment ni Neo pero mukhang napakalayo ng paksang iyon sa ninanais niya.

The Guy I Called My First LoveWhere stories live. Discover now