Situation 1

108 3 0
                                    

Kamilah's POV
I'm getting ready para sa birthday party ng kaibigan kong si Eve. Sa HighUp sya magbbirthday at sobrang excited ako. I love parties!!

Ilang saglit lang ay ready to party na ako. I grab my keys and went straight to HighUp.

Pagdating na pagdating ko sa bar ay sobrang dami ng tao. Lahat sila ay nakatingin sa pagdating ko. Well, I love the attention. Keep staring, bitches!

"Kamilah! You're finally here!" Dinig kong sigaw ni Eve, hinanap ko pa sya sa dami ng tao. My friend is a small gal kasi.

"I wouldn't miss this kind of party." Sagot ko ng sa wakas ay makita ko sya.

"Hahaha, I know right. Let's go! May papatry ako sayong drink." Hinila naman ako nito papunta sa bartender.

"Hi! What drinks do you want?" Sabi nung bartender na todo ngiti. Infairness, gwapo.

"Whiskey Sour for me and for her." Sagot ni Eve sa bartender.

"2 Whiskey Sour for the two beautiful ladies." Inabot naman namin ni Eve ang drinks na binigay nya.

Nag enjoy lang kami ni Eve at kung ano anong drinks pa ang ininom namin. This party is really great. Nakakawala ng stress, I'm just being me!

I'm dancing at the middle of the crowd when someone grab my waist.

"Hi. Can I dance with you?" Napalingon ako sa nagsalita at napangiti. He's handsome!

"Of course! Let's dance." Hinila ko sya at nagsayaw sayaw kami.

Nakakahilo ang amoy ng halo halong alak at usok, sabayan pa ng ilaw na ang likot likot.

Di ko na namalayan na nasa kotse na pala kami nung kasayaw ko na lalaki kanina.

"H-hey! San mo ko dadalhin?" Tanong ko sakanya, nagdadalawa na sya sa paningin ko.

"You agree when I ask you that I will take you home." Napaisip naman ako bigla, pumayag ako?

"H-hindi, sorry, sorry!" Lalabas na sana ako ng kotse nya ng hilahin nya ko ulit.

*Uwaaaaaaak, uwaaaaaaaak* (nasuka po sya, opo)

"Fuck! What the hell?" Malakas na sigaw nung lalaki. Kulit kasi e.

"Sorry, lalabas na kasi ako tapos hinila mo pa ko." Nagmamadali naman syang lumabas para hubarin yung suot nyang damit.

Ay putsa! Ang sexy! Ang daming tattoo.

"Look! You ruin my clothes!" Inis na inis nyang sabi sakin.

"Wash this!" Hinagis nya sakin ang damit nya na puro suka ko.

"What? Are you crazy? Ano ako labandera mo? Nope!" Hinagis ko naman pabalik sakanya yung damit.

Lalabas na sana ako ng koste ng bigla syang pumasok at pinaandar ang sasakyan nya.

"Hey! Diba sabi ko bababa ako. Stop the car!" Sigaw ko sakanya pero tuloy tuloy lang sya sa pagmamaneho.

At eto pa ha, nakahubad sya habang nagddrive. Baka may makakita samin nito tapos mahuli pa kami.

Mga ilang kanto pa ay huminto na ang sasakyan, nasa may Forbeswood Parklane kami.

"Baba!" Sigaw nito kaya napababa ako bigla.

Lumabas na din naman sya at dire diretsong pumasok sa loob. Hanep, iniwan ako. Lalakad na sana ako paalis ng marinig ko na naman yung boses nya.

"Where are you going? Dito yung entrance, oh." Naiinis nyang sabi sakin. Kakaasar tong tao na to ah. Di naman kami close, sigaw ng sigaw.

SituationshipWhere stories live. Discover now