Situation 2

43 3 0
                                    

Kamilah's POV
Ilang days na ang nakalipas simula nung nakilala ko si Ken, at simula non ay di ko na sya nakita or nakausap. Hiningi pa yung number ko, di naman pala magtetext or call. Tsk! But I don't care, buti nga yon walang makulit.

"Kams! Ang tahimik mo naman, are you not enjoying the party?" Nawala lang ako sa pag iisip ko ng bigla akong tapikin ni Eve.

Nandito kasi kami sa Xylo, partying again. Napromote kasi sa work yung isa pa naming friend. Pero di ko ganon kaclose, sobrang high end kasi. Unlike Eve na kahit mayaman e di ganon kaarte.

"Naparami na ata yung inom ko, can I go home?" Sabi ko kay Eve, parang gulat na gulat naman sya sa sinabi ko.

"Is that you, Kams? Oh my! Wala pa tayong 1hour dito sa Xylo, and you are drunk? Liar!" Natawa naman ako sakanya.

"Wala pa bang isang oras yon? Bat ang bagal ng oras?" Iritable kong tanong sakanya.

"This is so not you Kamilah! Are you sick?" Hinawakan pa ko nito sa noo at leeg na kala mo ay sinisipat kung may lagnat ako.

"Hahaha, stop, Eve. Wala lang siguro ako sa mood mag party." Ngumuso naman ito sakin.

"Psh! Boring! Sige na, go home. Ingat sa pagddrive." Nagbeso naman ito sakin at pumunta na sa kabilang table.

Wala talaga kong gana pumarty ngayon, hay!

Palabas na ko ng Xylo ng may nakasalubong ako.

"Oh, it's you again." Ngiting ngiting sabi ni Ken.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.

"Hm, party, I guess?" Inirapan ko lang sya at lalabas na sana ko ng tuluyan ng hilahin na naman ako nito sa braso.

"Makahila! Close ba tayo, ha?" Naiinis kong sabi sakanya.

"Definitely close." Hinila nya pa ko lalo papalapit sakanya kaya napayakap tuloy ako.

"What the hell?" Dinig kong sabi ni Eve, kelan pa to nandito?

"Oh, hello." Sabi ni Ken at umakbay pa sakin.

"Kams? Who's this guy? Ikaw ha." Panunukso ni Eve samin.

"Mali ka ng iniisip, Eve. He pul...." Di ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin na naman ako ni Ken papalapit sakanya.

"I'm Ken, friend ni Kamilah." Pagpapakilala ni Ken dito, langya na to di man lang pinatapos yung sentence ko.

Nanunukso naman ang tingin ni Eve samin kaya hinila ko sya saglit palayo.

"Eve, mali ka ng iniisip. We met on your birthday party. Sya yung kasama ko non. Basta mahabang kwento." Pagpapaliwanag ko dito.

"Sus, ang defensive naman. Hahaha, I'm happy for you. Ang gwapo nya!" Kinikilig pang ani nito.

"Ay ewan ko sayo. Ang sakit nyo sa bangs." Tinusok tusok pa ko nito sa tagiliran habang tinuturo sa gilid si Ken. Anak ng! Bat ba ang gwapo nitong nilalang na to.

"Hm, can I borrow your friend?" Wow, ano ako gamit?

"Sure! Kahit wag mo ng ibalik. Hahahaha." May tama din talaga sa utak tong si Eve e.

Wala na kong nagawa dahil hinila na ko palabas ni Ken.

"Kala ko ba paparty ka?" Tanong ko dito pagkarating namin sa labas.

"Nagbago na isip ko e. Di kita matext, mali naman ata yung number na binigay mo. Laging di nagrring pag tinatawagan." Pagmamaktol nito.

Napaisip naman ako bigla, ano nga bang number yung binigay ko?

"Ay bobo!" Napasabi nalang ako sa sarili ko, number ko pala yon dati, kakapalit ko lang kasi ng simcard.

"Psh! Sabi na, e. Buti nalang natripan kong pumunta dito sa Xylo." Sabi naman nya.

"E bakit ba? Ano bang gusto mo?" Tanong ko dito.

"Bonding tayo, bored ako, e." Ang weird talaga ng taong to.

"Wow! Wala kabang friends ha?" Naaasar kong tanong sakanya.

"Meron syempre. E gusto ko ikaw kabonding ko." Inangyan! Wala namang nakakakilig sa sinabi nya pero shuta pakiramdam ko namumula ako.

Nag aya naman syang pumunta sa condo nya at kahit labag sa loob ko ay sumama pa din ako. Basta di ko maipaliwanag pero ang gaan ng loob ko sakanya kahit pangalawang beses palang namin nagmmeet.

Pagkarating sa condo nya ay dumiretso na agad to sa kwarto nya. Maya maya ay may dala na itong damit at pajama.

"Oh, palit ka muna." Napataas naman ang kilay ko sakanya.

"Para saan, aber?" Pagtataray ko dito.

"E tingnan mo nga yung suot mo ang iksi iksi. Pano tayo makakapagbonding nyan ng maayos?" Napatingin naman ako sa suot ko. Hm, maiksi nga naman. Nakapalda kasi ako na leather tapos mesh na damit pero may inner sando naman ako.

"Hay! Fine." Kinuha ko naman ang inabot nyang damit at nagbihis sa may banyo.

Paglabas ko ng banyo ay nakabihis na din sya, nakapajama din sya katulad ko. Ang cute nya kainis!

"Bagay sayo ah, parang ako." Banat naman nito, ay sarap banatan.

"Daming alam." Yun lang nasabi ko dahil kinikilig ako, pakshet!

Nagbelat lang ito sakin at may kinuha sa may tabi ng tv.

"Marunong kang mag gitara?" Tanong ko dito.

"Yup! Actually may band ako pero di na kami masyado nag ggig. Mga busy na sa mga buhay buhay, e." Kwento nito sakin.

"Wow, sample naman." Naupo na ko sa sofa at pinanood syang itono ang gitara nya.

Pakshet! Ang lakas talaga ng dating nya. Ang gwapo, ang bango, ang sexy, bagay na bagay sakanya yung kulay nya na moreno, grabe pa yung jawline, tapos yung tatoo nya. Nasa heaven na ba ko?

"Huy! Ano kako gusto mong kanta?" Nawala ang pagddaydream ko ng bigla ako nitong tapikin.

"Ay gwapo!" Bigla kong sabi sa gulat ko sakanya.

"Ako gwapo? Sus, maliit na bagay." Pagyayabang nito.

"Kwago sabi ko, hay nako, ang bingi. Sample kana, alam mo ba yung Moving Closer? Yun maganda yon." Pag iiba ko sa usapan.

"Hm, nice song." Nagsimula na syang magstrum at kumanta din sya.

Ang talented naman ng taong to, ang galing mag gitara, ang ganda pa ng boses. Nung nagsalo ata ng talent nandun sya nag eenjoy.

Matapos nyang kumanta ay napapalakpak ako sa tuwa. Napakagaling. Yung boses nya ang lalim parang dinadala ka sa ibang dimension, yung tipong problemado ka tapos pag pinakinggan mo sya mawawala instant yung problema mo.

"Ang galing! May talent ka pala." Pagbibiro ko dito.

"Bolera. Ikaw marunong kabang kumanta?" Tanong nito sakin.

"Baka bumagyo pa pag kumanta ko hahaha." Hindi naman panget ang boses ko pero di din maganda hahaha.

"Humble, hm." Natawa nalang ako sakanya.

Ilang kanta pa ang tinugtog nya at ako naman ay hangang hanga na nanonood sakanya. Patago ko pa nga syang vinideo dahil ayokong malaman nya na nirerecord ko sya. Yayabangan na naman ako nito.

"Gusto mo kumain?" Bigla naman nitong tanong sakin.

Sakto namang kumalam ang sikmura ko pag tanong nya.

"Hahaha, magpapadeliver lang ako. Ano ba gusto mo?" Nakakahiya naman tong tyan ko, ngayon pa kumalam.

"Mcdo nalang. Ala King ako." Nagthumbs up naman ito at nagpipindot na sa cellphone nya.

Ilang saglit lang ay dumating na ang orders nya. Napakarami. Dalawa lang naman kaming kakain.

"Fiesta ba? Dalawa lang tayo kakain, ang dami mong inorder." Natawa naman ito sakin.

"Ayokong mabitin ka, e." Sagot nito at kumindat pa. Ay talaga naman. Marupok ako, Ken! Wag kang ganyan.

SituationshipМесто, где живут истории. Откройте их для себя