Situation 4

56 3 1
                                    


Kamilah's POV
Nagising akong nakayakap pa din sakin si Ken. Ang sarap ng tulog, sabagay nakatulog na din naman ako kagabi ng di namamalayan.

Dahan dahan ko namang inalis yung kamay nya dahil babangon na ko. Pupunta pa kasi ako sa coffee shop ko. May appointment ako ngayon.

Nagbihis na muna ko ng suot ko at nag iwan ng note sa ref ni Ken.

(Gtg. -Kams <3 0969..........)

Iniwan ko na din yung number na gamit ko dahil ibang number nga yung nabigay ko sakanya.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa Xylo pqra kunin ang kotse ko. Pagdating sa coffee shop ko ay nandun na si Eve.

"Spill the tea, Kams." Bungad agad nito sakin.

Opo, eto po yung appointment ko.

"Eve!! Nakakastress yung sitwasyon namin. Wala kaming relasyon, I swear to God. Pangalawang beses palang kami nagmmeet non at sa dalawang beses na yon dun ako natutulog sa kanila. He wants me there, e. Di ako makatanggi basta sinabi nya." Pagkkwento ko dito.

"Woah! Baka may gusto sayo?" Napaisip din naman ako sa tanong ni Eve na yon.

"Wala naman syang sinasabi, e. Tsaka kakameet nga lang namin diba? Hindi ko pa sya ganong kakilala. Pero ang gaan ng loob ko sakanya. Sobrang komportable ko pag kasama ko sya." Pagpapaliwanag ko dito.

"Hmmm, may gusto ka sakanya. That's it." Bigla naman nitong sabi.

"W-wala kong gusto don. Komportable lang ako pag kasama sya. Walang ibang dahilan." Nagkibit balikat naman ito at nagpatuloy sa pag inom nya ng iced coffee.

Habang nandito ako sa coffee shop ay tumutulong tulong na din ako sa pagtitimpla at pagsserve sa customers. Nakakawala ng isipin talaga pag gantong may ginagawa ka at isa pa gusto mo yung ginagawa mo.

Si Eve naman ay kanina pa umalis, makikipagkita daw sya sa suitor nya. Wagi, may suitor. Sana all. Charez! Ipapakilala daw nya sakin yun someday. Wew!

Sobrang dami ng tao ngayon dito at di ko na namalayan ang oras. Ni hindi ko nga nahawakan ang cellphone ko e. Speaking of, pumunta muna ko sa office ko at nagpahinga. Kaya naman ng mga staffs ko yon, e. Basic sakanila yon kaya nga bilib na bilib ako sa mga yon.

Kinuha ko muna ang cellphone sa bag ko at nagcheck. Napakadaming missed calls at text sa isang unknown number.

*0969---------
- Kamilah, nasan ka? Bat mo naman ako iniwang tulog?

- Kamilah! Yuhoo!

- Ang lungkot naman, busy ka?

- Nasan ka ba? Nasa Xylo?

- Punta ko Xylo.

Pagkabasa ko na pupunta syang Xylo ay nagmadali na kong tumayo. Nagpaalam na din ako sa mga staffs ko na kelangan ko ng umalis.

Tinatawagan ko sya pero nagriring lang ito. Hanep na yon! Sa Xylo lang ba ang alam nyang pinupuntahan ko?

Pagkarating ko sa parking ng Xylo ay hinanap ko ang kotse nito. Hanep! Nandito nga sya. Pano nya maririnig tawag ko kung nasa loob sya. Inangyan! Pano ko mahahanap yon?

Okay, red hair, pogi, malakas ang dating, mabango. Huhu, nasan kaba, Ken?

Pumasok na ko sa loob at halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tugtog. Nakakamiss magparty. Dumiretso na ko sa bar counter at nag order ng drinks.

Medyo tinatamaan na ko dahil nakakarami na ko ng shot. Well, namiss ko yung ganitong feeling, e.

Tumayo muna ko at naglakad papunta sa dance floor.

Woooh! I miss this life.

Sayaw dito, sayaw doon. Nakalimutan ko saglit si Ken dahil sa ginagawa ko.

Napatigil lang ako sa pagsasayaw ng biglang may humablot sa bewang ko.

"Kanina pa kita hinahanap." Bulong nito, nagtindigan ang balahibo ko dahil sa boses nito.

"K-ken." Sumilay naman ang ngiti nito sa labi.

"At your service." Sabi nito at kumindat pa.

Tangina! Sinong di maffall sa lalaking to? Pero di pwede, wala naman syang sinasabing gusto nya ko, e. Mataas pa sa building ang pride ko bat ko aaminin na may gusto ko sakanya. No, over my dead body.

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw hanggang sa mapagod.

"Tara, inom." Hinila ko naman sya papunta sa bar counter.

Nakailang shots na ko at talagang ramdam ko na ang hilo ko. Pero kaya ko pa naman.

"Kamilah, let's go na. You're drunk." Hinayaan ko na si Ken na hilahin ako palabas dahil inaantok na din talaga ko.

"Bye, Ken." Sabi ko dito at hinanap ang kotse ko.

"Anong bye ka jan? Lasing na lasing ka tapos magddrive ka. E pano kung mapahamak ka?" Naiinis nitong sabi, napangiti naman ako bigla.

"Anong nginingiti ngiti mo jan? Tara na sa kotse ko." Binuhat naman ako bigla nito na parang sako. Di na ko pumiglas dahil gusto ko din naman na makasama sya.

Habang nasa byahe ay nakatulog ako, nagising nalang akong nasa kama na.

Pagmulat ko ay wala si Ken sa tabi ko. Nasan kaya yon?

Pagbangon ko ay napahawak ako sa ulo ko, parang pinupukpok sa sobrang sakit. Shete!

Hinanap ko si Ken at natagpuan ko sya sa kusina. Nagluluto ba to?

"Pst." Agaw pansin ko dito.

Lumingon naman ito at sinimangutan ako.

"Pst, snobbers naman." Lumapit na ko dito at tiningnan kung anong niluluto nya.

"Maupo kana lang don. Malapit na maluto tong soup." Wow, ang sweet naman ng asawa ko. Char!

Sumunod naman ako sa sinabi nya at inantay na maluto ang soup na ginagawa nya.

Hawak hawak ko pa din ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.

"Oh, ubusin mo yan." Nilagyan nya ko ng sabaw at naupo na sya sa harap ko.

"Ang kulit mo talagang malasing no? Hay, Kamilah." Naiiling nitong sabi sakin.

"Psh! Sabi ko kasi sayo uuwi na ko e. Edi sana di ka nagrereklamo jan." Sagot ko naman sakanya.

"Sus! Tapos mag aalala ako sayo kasi alam kong lasing ka tapos nagddrive ka. Mas okay ng sinesermonan kita ng personal dito." Tch! May meaning ba pagiging concern nya? :3

"Wow, boyfriend?" Pang aasar ko dito na sana pala di ko nalang ginawa.

"Malamang tinuturing na kita kaibigan kaya nag aalala ko sayo. Hina mo." Nginitian ko nalang ito at di na sumagot.

Ah okay, kaibigan pala. Ano bang ineexpect mong sasabihin nya? Na gusto ka nya kaya sya nag aalala sayo? Nahihibang kana Kamilah.

Inubos ko lang yung soup na ginawa nya at nahiga na. Gusto ko sana sa sofa nalang matulog pero ang walangya binuhat na naman ako papunta sa kama.

Ang sarap daw kasi ng tulog nya pag katabi ako. Oh, wag bigyan ng meaning, masasaktan kalang.

SituationshipWhere stories live. Discover now