Situation 5

45 4 0
                                    

Kamilah's POV
Nandito ako sa coffee shop ko at nagpapakabusy. Ayoko kasing maisip si Ken dahil nasstress lang ako.

"Mam, may naghahanap po sainyo." Sabi nung staff ko na si Keida.

"Sino daw yon?" Tanong ko naman dito.

Sasagot palang sana sya ng biglang pumasok si Ken na ubod lapad ang ngiti.

Hanep talaga to! Pano nya nalaman na nandito ko? Di ko naman binabanggit sakanya yung coffee shop ko ah.

"Hi." Sabi nito at prenteng naupo sa may upuan na malapit sakin.

"Ginagawa mo dito?" Pagtataray ko dito.

"Pinuntahan ka syempre. Di ka sumasagot sa mga text at tawag ko e. Namiss kita kabonding." Sarap talaga sapakin nitong red hair na to! Masyadong pafall. Kainis!

"Nako, Ken. Busy ako no." Tumayo naman ito at lumapit sakin.

"Di mo sinabi may business ka pala. Edi sana lagi akong nagkakape dito." Tch! Kala mo talaga.

"Di mo naman tinanong. Sige na, busy nga ako. Ano ba gusto mo?" Tinatarayan ko pa din sya para umalis na. Di naman sa ayaw kong nandito sya, gusto ko nga e kaya lang naiilang ako dahil alam kong may feelings na ko sakanya at ayoko ng lumalim pa to.

"Ikaw, ikaw gusto ko. Bonding nga tayo. Tara sa condo." Wag kang rurupok sa mga pinagsasabi nyan, Kamilah.

"Dun ka sa mga kaibigan mo makipagbonding." Sabi ko dito at kunwaring may ginagawa sa laptop.

"Tch! Kaibigan din naman kita ah. Tsaka ikaw nga gusto ko kabonding. May bago akong nakitang kdrama. Tara na." Pangungulit nito sakin. Ina nito! Pinapamukha talagang kaibigan lang turing sakin. Sarap nailcutterin e.

"Kendrick, kita mo may ginagawa ako." Seryoso kong sabi sakanya.

"Edi aantayin kitang matapos sa ginagawa mo. Basic." Sabi nito at bumalik sa upuan.

Hindi ko nalang sya pinansin dahil alam kong mabuburyo din to at aalis.

Lumipas na ata ang dalawang oras at mag aala una na ng tanghali. Talagang matibay to ah. Kainis!

"Nagugutom ako." Biglang sabi nito.

"Uwi kana kasi, mamaya pa ko. Madami akong ginagawa." Pagtataboy ko dito.

Tumayo naman ito at nag inat inat. Mukhang uuwi na ata.

"Kung di madaan sa mabuting usapan, daanin sa santong paspasan." Bigla nyang sabi at binuhat ako.

Nagpipiglas ako pero talagang malakas sya.

"Ken! Ibaba mo ko, ano ba! Nakakahiya." Pinagpapalo ko na sya pero parang wala lang sakanya.

"Ibababa kita kung sasama ka sakin." Sabi nito.

"Ayoko nga!" Sigaw ko dito.

"Ah ayaw mo talaga ah." Akmang bubuksan na nya ang office ko ng pigilan ko sya. Ayokong makita ako ng mga staff ko sa gantong posisyon.

"Fine! Fine! Sasama na! Ibaba mo na ko." Pagkasabi ko non ay ibinababa na nya ko at ngiting ngiti ang loko.

"Papayag din pala, gusto pa binubuhat." Pang aasar nito sakin.

Hindi ko naman sya pinansin at inayos ko na ang mga gamit ko. Pano ko mapipigilan feelings ko dito? Hay!

Paglabas namin ng office ay mga nakakalokong ngiti ng staff ko ang bumungad samin.

"Hiramin ko muna yung boss nyo ha." Impit na impit naman ang mga kilig ng staff ko. Napapailing nalang ako, kung alam nyo lang. Hay!

Pagdating namin sa condo nya ay naka set up na ang table, may mga snacks at may wine pa. Wow! Pinaghandaan.

SituationshipOnde as histórias ganham vida. Descobre agora