Situation 6

49 3 0
                                    

Kamilah's POV
Ilang araw nalang ay magla La Union trip na kami. Excited na kong mamitas ng ubas hahaha.

Kasalukuyan akong nandito sa Coffee shop ko dahil may mga kelangan akong asikasuhin. Katulad nalang ng mga stocks at syempre pay day ng mga staffs ko.

Nung mga nakalipas na araw naman ay laging nandito si Ken at nangungulit. Pero ngayon ay wala sya dahil may gagawin daw sya. Ewan ko kung ano dahil di ko naman na sya tinanong. Lagi naman kaming magkatext at magkatawagan non. Oh diba, parang mag jowa, pero hindi hahaha.

"Mam, may nagpadala po." Inabot sakin nung staff ko na si Keida ang isang paper bag.

"Oh? Sino daw?" Takang tanong ko naman dito.

"Wala pong sinabi yung rider e." Hmm, may idea naman ako kung sino pero syempre ayoko ding mag expect.

"Sige, Kei. Thanks." Ngumiti naman ito at nag excuse na palabas.

Chineck ko agad ang laman ng paper bag at nakitang may laman itong pagkain. Chicken with rice and egg ang laman tapos may letter.

*Hi, Kamilah!
Kainin mo yan, luto ko yan. See you later.

-Kendrick :)*

Napangiti naman ako sa simpleng gesture na to ni Ken. First time nyang magpadala ng ganto. Bff premium daw kami sabi nya.

Agad ko naman itong tinawagan para magpasalamat.

"Thank you sa foods." Bungad ko agad pagkasagot nya ng tawag.

(Maliit na bagay. Kainin mo na yan habang mainit pa. Kakaluto ko lang nyan.) Napangiti naman ako, bat ba ang sweet nito? Panindigan mo kilig ko, Kendrick!

"Opo, master." Nadinig ko naman ang mahinang tawa nya.

(Uy, sino yan pre? Ikaw ha. Naglilihim kana samin.) Dinig ko sa kabilang linya.

(Shhh! Wag kang magulo. Kaibigan ko lang to.) Nawala naman ang ngiti ko sa nadinig ko. Kaibigan, ayaw ba nyang magka-ibigan?

"Sige na, Ken. May ginagawa ka pa ata, e. Kakain muna ko. Salamat ulit." Sabi ko dito, busy kasi ata sya.

(Walang anuman. Puntahan kita jan maya. Bye, Kamilah.) (Kamilah pala ha, hi Kamilah, wag ka papalinlang dito. Hahaha.) Mga lalaki talaga puro kaabnuan ang alam pag magkakasama.

(Wag kang makinig don, sira tuktok non. Sige na, kain kana. Bye.) Nadinig ko namang pinatay na nya ang tawag kaya binaba ko na ang phone ko.

Ewan ko sayo, Ken. Kelan mo ba balak ilevel up ang friendship natin?

Sinimulan ko ng kainin ang niluto ni Ken at ang sarap infairness. Sabagay, sa tuwing nandon ako sa condo nya sya lagi nagluluto, pero madalang kasi tamad sya hahaha mas gusto nyang nag oorder nalang online.

Pagtapos kong kumain ay nagpatuloy na ko sa ginagawa ko. Order ng stocks check ng DTR ng mga staffs ko.

Inabot ata ako ng ilang oras sa ginagawa ko. Balak ko na sana umuwi ng maalala kong pupuntahan nga pala ako ni Ken dito.

Lumabas muna ko ng office at chineck ang mga ginagawa ng staffs ko. Ang sisipag talaga ng mga to.

Ang daming tao ngayon dito at buti nalang ay magagaling ang mga staffs ko dahil di sila nalilito.

Ang mga tinda namin dito ay syempre mga coffees, may iced at hot. Meron din kaming mga baked goodies, marunong din akong mag baked pero di ganon kagaling mabuti nalang at may nahire akong magaling magbaked.

"Mam, boyfriend nyo na ba yung lalaking laging nandito?" Nagulat pa ko ng biglang magsalita si Keida.

"Nako, hindi, kaibigan ko lang yon." Sagot ko naman dito.

SituationshipWhere stories live. Discover now