Situation 3

44 3 0
                                    

Kamilah's POV
Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang kabusugan ko. Dalawang Ala King kasi ang naubos ko tapos mcfloat pa. Grabe! Kelangan kong mag gym nito bukas.

"Ang takaw mo, Kamilah. Hahaha." Kanina pa nya ko inaasar dahil naubos ko yung dalawang Ala King. E sa gutom yung tao.

"Tse! Ikaw din naman dami mong nakain." E pano sya dalawang chicken fillet tapos nag chicken burger pa.

"Macho pa din naman ako." Inangat pa nito ang shirt nya at pinakita ang abs nya. Hanep! Nagutom ako ulit, parang gusto ko ng pandesal.

"Yak! San macho jan?" Pang aasar ko dito.

"Ah talaga, Kamilah." Dahan dahan itong lumapit sakin kaya paatras naman ako ng paatras.

"J-joke lang naman, Ken. Di mabiro hehe." Kinakabahan kong sabi sakanya. Ang walangya nginisihan lang ako.

Sa pag atras ko ay napasandal na ko sa pader. Hanep! I'm trapped.

"Aminin mo na kasi Kamilah na nassexyhan ka sakin." Bulong nito sakin, nagtindigan ang mga balahibo ko dahil sa boses nito.

"K-ken naman, e. Lakas ng trip mo. Umusog kana nga don." Pilit ko syang tinutulak pero ang lakas lakas nya.

Hinuli pa nya ang kamay ko at hinawakan.

"Feel my abs." Bulong nito at dahan dahang dinampi ang kamay ko sa may tyan nya. Pucha!

Napapikit na ko dahil alam kong anytime ay mararamdaman ko na ang abs nya.

Napadilat naman ako dahil dinig ko ang impit na tawa ng loko. Pinagttripan ako ng hanep na to.

"Hahahahaha, what the hell, Kamilah. May papikit pang nalalaman." Tawang tawa nyang sabi sakin.

Sa sobrang inis ko ay pinaghahampas ko sya. Kaasar talaga to! Trip na trip ako.

Natigil lang kami sa paghaharutan ng mapagod kami. Napagdesisyunan naming manood nalang ng Kdrama.

Pinapanood namin yung Legend of the Blue Sea. Nakakatuwa talaga yung bidang babae dito. Ang ganda ganda pa nya.

"Kamukha mo yung bida." Biglang sabi ni Ken.

"Ang layo, kelangan mo na atang magpasalamin." Pambabasag ko dito.

"Sus, humble talaga." Di ko na sya sinagot at nagpatuloy nalang sa panonood.

Lumipas ang oras at di ko na napansin na madaling araw na pala. Babalik pa pala ko sa Xylo para kunin yung sasakyan ko. Kainis kasi tong si Ken, bigla bigla nalang mag aaya dito.

Magpapaalam na sana kong umuwi kaya lang ay paglingon ko dito ay tulog na to. Ano ba yon, manonood daw kami pero tinulugan lang yung palabas.

Umusod naman ako palapit sakanya at tinitigan sya. Ang amo ng mukha, parang ang bait bait, parang di ako pinagttripan. Pero seryoso, ang gwapo nya talaga, ang ganda ng pilikmata, ang tangos ng ilong, yung labi nya ang ganda parang ang sarap ik--, charez, yung jawline grabe parang inukit sa sobrang perfect.

Habang tinititigan ko sya ay bigla naman syang dumilat, muntik pa kong mahulog sa upuan dahil sa gulat.

"Kung ice cream ako, kanina pa ko tunaw." Sabi nito at ngiting ngiti sakin.

Napaayos naman ako ng upo, nakakahiya ka Kamilah!

"Ah, eh, gigisingin kasi kita kasi uuwi na ko." Pagdadahilan ko dito.

"Hahaha kanina kapa nakatitig sakin. Tsk! Tsk! Crush mo na ata ako, e." Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"K-kapal mo! Uuwi na ko." Tatayo na sana ko ng hilahin ako nito.

"Dito ka muna." Niyakap pa ko nito at inihiga sa tabi nya.

"H-huy! Kelangan ko ng umuwi." Sht! Sobrang lapit namin baka marinig nya kung gano kalakas yung tibok ng puso ko.

"Shhh! Dito kana matulog. Hahatid nalang kita mamaya." Mas lalo pa nyang hinigpitan yung yakap sakin kaya di ako makapalag, o talagang ayaw ko lang pumalag. Pakshet! Ano kaba, Ken?

Bumangon naman ito at hinila ulit ako papuntang kwarto nya.

"Baka di ka makatulog ng maayos don, dito na tayo sa kama." Nauna na syang mahiga at tinapik tapik naman nya ang tabi nya.

Parang may sariling isip yung katawan ko dahil nahiga din ako ng walang pag aalinlangan. Hanep talaga.

"Good girl." Pagkahiga ko ay niyakap ako agad nito at hinatian sa kumot.

Para kaming bagong mag asawa sa posisyon namin. Sobrang clingy nya at di naman ako nagrereklamo.

Ilang saglit lang ay malalim na ang tulog nya. Ramdam ko kasi yung hinga nya dahil sobrang lapit nya sakin at isa pa nakayakap sya sakin.

Ken naman! Ano ba tayo? Pangalawang beses palang tayo nagmmeet tapos ganto na set up natin? Marupok ako, huy!

SituationshipWhere stories live. Discover now