Situation 7 (La Union)

48 2 1
                                    

Kamilah's POV
Excited ako ngayong araw dahil pupunta na kaming La Union, nag aayos na ko ng mga gamit ko na dadalhin. Sabi ni Ken ay 3days daw kami don.

Sila Eve ay nakausap ko na din at G naman sila. Ipapakilala din daw nya sakin yung nanliligaw sakanya. Sana all diba.

Pagtapos kong mag ayos ng gamit ko ay nagpahinga muna ako. Mamaya pa naman kami gabi aalis. Susunduin nalang daw ako ni Ken dito.

Nagising ako sa biglang pag ring ng cellphone ko, tumatawag si Ken.

(Kams, ready kana? Punta na ko jan.) Sabi ni Ken sa kabilang linya.

"What? Teka, nakatulog ako." Di ko na inantay na sumagot sya at pinatay ko na ang tawag.

Dali dali akong naligo at nag ayos dahil baka bigla syang dumating at di pa ko nakaayos.

Pumili lang ako ng maxi dress at yun na ang sinuot ko para komportable lang din isuot.

Nag intay lang ako ng ilang minuto bago dumating si Ken, mabuti nalang at all goods na ko.

"Ganda." Bungad agad ni Ken pagkabukas ko ng pinto.

"Sus, tara na. Excited na ko. Nasa byahe na din daw sila Eve." Kinuha naman nya ang mga gamit ko, taray gentleman.

Pagkarating sa baba ay nakita kong nandon si Stell.

"Hi." Bati nito sakin.

Nginitian ko naman ito at tinanguan.

"Asungot lang yan." Bulong ni Ken sakin.

Natawa naman ako dahil mukhang badtrip na naman sya.

"Ganda mo naman, Kamilah." Sabi ni Stell at lumapit sakin.

"Magkaibigan nga kayo." Yun lang ang sinabi ko at iiling iling.

"Totoo naman, e." Sasagot pa sana ko ng humarang si Ken.

"Shooo! Dun kana sa kotse mo, tara na." Hinila naman ako ni Ken at pinapasok na sa kotse nya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa, nakikinig sa musika.

(NP: Liham by SB19)

"Ang ganda nung kanta no?" Biglang sabi nito.

"Hmm, ang ganda bagay yan patugtugin sa kasal." Sagot ko naman dito.

"Tara pakasal tayo." Nalunok ko ata ang sarili kong laway dahil sa sinabi nito.

"Joke. Tulog ka muna, mahaba pa byahe natin. May maliit na unan jan sa backseat." Tinuro naman nito ang likod ng kotse at nakita ko ang maliit na unan na sinasabi nya.

Umayos na ko ng upo at magreready na ko para matulog. Matagal tagal pa daw kasi ang byahe namin.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na. Paglingon ko sa tabi ko ay wala si Ken. Agad naman akong lumabas para hanapin sya.

Ang ganda naman dito, nasa La Union na ba kami? Ang lamig at ang sarap ng sariwang hangin.

"Kams, gising kana pala." Tawag sakin ni Ken na nakaupo sa isang malaking bato.

"La Union na ba to?" Tumango naman ito sakin.

"Ang ganda! Nasan na sila Stell?" Sinimangutan naman ako nito.

"Bat hinahanap mo yon? Andito naman ako." Natawa naman ako sakanya.

"Hahaha bat kita hahanapin e nasa harap na kita? Syempre ang hahanapin ko yung wala dito, diba?" Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Malapit na daw sya, yung kaibigan mo nasan na?" Pagkasabi ni Ken non ay bigla kong naalala sila Eve.

"Ay oo nga pala, teka tatanungin ko." Agad ko naman kinuha ang cellphone ko at tinext si Eve.

"Malapit na din daw sila. Di kapa ba natutulog?" Tanong ko dito at naupo sa tabi nito.

"Umidlip akong konti pagkarating dito." Sagot naman nito sakin.

Mga ilang minutong paghihintay lang ay dumating na ang mga kasama namin.

"Eve!!" Tawag ko sa kaibigan ko.

"Kams!! Grabe, ang haba ng byahe. Ang sakit sa likod." Niyakap naman ako nito habang nagkkwento sya.

"Btw, si Pau nga pala. Yung sinasabi ko sayong nanliligaw sakin." Pakilala nito sa kasama nyang lalaki. Infairness, ang gwapo.

"Hi, Pau Nase. Nice to meet you." Nakipagkamay naman ito sakin.

"Kamilah, short for Kams. Nice to meet you din." Sagot ko naman dito.

"Si Ken nga pala tsaka Stell, Stell si Eve bestfriend ko. Ken kilala mo naman na tong kaibigan ko diba." Pagpapakilala ko sakanila.

"Hi, Stell nga pala at your service." Nag act pa to na sumasaludo. Kaloko talaga.

"Hello, sana mag enjoy tayong lahat." Sagot naman ni Eve.

Pagtapos ng pagpapakilala sa isat isa ay bumyahe na ulit kami papunta sa rest house nila Ken.

Ilang oras na byahe ulit at finally andito na kami.

Yung rest house nila ay sobrang laki, may sariling farm ng mga ubas at may pool pa sa likod. Ang ganda ng paligid, sobrang nakakarelax.

Inayos na namin yung mga gamit namin sa sari sarili naming kwarto. Ang dami kasing guest room nung bahay kaya walang problema kahit tag iisa kami. Actually si Ken lang ang may problema.

"Kamilah, dun kana kasi sa kwarto ko. Bat ba gusto mo pa nakahiwalay?" Sabi nito at yamot na yamot sa buhay.

"Shh, anong silbi nung mga kwarto dito kung di tutulugan." Sagot ko dito.

"Oh sige, kung ayaw mo don sa kwarto ko ako nalang lilipat dito. Madali naman akong kausap." Lalabas na sana to kaya lang ay pinigilan ko.

"Kendrick! Dun kana sa kwarto mo, wag kang makulit. Matulog kana. Wala kapang tulog, kung ano ano tuloy pumapasok sa isip mo." Padabog naman itong tumayo at lumabas ng walang sali salita.

Sus! Lalabas din pala, e. Nagpatuloy lang ako sa pag aayos ko ng gamit at matapos kong gawin ang mga kelangan kong gawin ay nahiga muna ko. Gusto kong matulog kahit isang oras lang.

Lumipas ang oras at nakatulog na ko, nagising nalang akong may nakayakap na sakin. Napabalikwas tuloy ako ng bangon dahil sa gulat.

"Kendrick!" Nanggagalaiti kong sigaw dito.

Napangon din naman sya dahil sa gulat.

"A-ano yon! Bat nasigaw ka jan?" Mumukat mukat pa nyang tanong sakin.

"Diba sabi ko dun kana sa kwarto mo? Baka kung ano sabihin satin ng mga kasama natin dito." Naiinis kong sabi sakanya.

"Gusto ko lang naman katabi ka." Parang maiiyak pa nyang sagot sakin. Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa stress dito.

"Oo na sige na, hay nako ka!" Parang bata naman itong yumakap sakin.

"Thank you. Tara breakfast na tayo." Ang sakit talaga sa bagang nitong tao na to, e.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SituationshipWhere stories live. Discover now