PROLOGUE

2.5K 30 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘

         S P G

PROLOGUE

🌼-AKIRA'S POV-🌼

  "Ohh girl ano na?Tara na. Ready na ang lamesa!" usal ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"Tsskk..Oo na on the way na ako. Ako paba?Mawawala tsk!" maarteng sabi ko bago binaba ang make up na hawak ko.

Kagat labi pa akong humarap sa malaking salamin para tignan kung ano na ang itsura ko. Infairness, sobrang ganda ko talaga, kaya hindi ko talaga maiiwasan na maraming nagkakandarapa at naglalaway na tignan ako.

I'm Akira Sanchez eighteen years old, bunsong anak nina Papa at Mama. Isang sikat na business man si Papa. At ako?Isang spoiled brat, na walang ibang ginawa kundi ang magpakasaya kasama ang barkada.

Palabas na sana ako ng kwarto ng biglang tumambad sa harapan ko ang nakataas kilay na mukha ni Ate Freya.

"Saan ka na naman pupunta?" asik na tanong niya.

"Magpaparty saan paba?" maarteng sagot ko saka ito inirapan.

"Party tapos ganyan yung ayos mo?Nagdamit kapa talaga?...Akira gabi na ha!" Singhal nito na ikinainis ko.

"Ate naman. Ano?Bida bida ka na naman jan. Magsusumbong ka na naman..tapos sino na namang masama ako na naman" asik ko sa kaniya.

"Alam mo napaka immatured mo..Ayusin mo nga ugali mo.!" singhal niya ng lagpasan ko ito.

"Ah basta. Magpaparty ako!" sabi ko saka bumaba ng hagdan ng makita ko si Papa.

Matalim ang titig niya sa akin. Napaawang ang labi ko at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Patay.

Tinignan ko si Ate Freya na ngiting ngiti lang sa labas. Tsskk..Bakit hindi niya sinabi na nandito na sila Papa?.

"Saan ka pupunta?.Bakit ganyan ayos mo ha?" madiing tanong ni Papa sa akin.

"P-pa...may school projects po kam~" hindi ko nagawang ituloy ang mga sasabihin ko ng magsalita si Ate.

"PA NAGSISINUNGALING 'YAN. SABI NIYA MAY PARTY DAW SILA. TAPOS SCHOOL WORKS? NA GANYAN ANG SUOT?" sabi ni Ate..Inirapan ko siya ng hindi niya ako nagawang balingan ng tingin.

Grrr...Nakaka asar..Napayukom ang kamao ko ng lumapit si Papa.

"Lalabas ka ng dis oras ng gabi na ganyan?Akira naloloka kana ba ha?...Bakit hindi mo gayahin si Ate mo...maayos, ikaw desperada kana...ang ate mo Matalino ikaw naman puro ka lakw~" hindi natuloy ni Papa ng talikuran ko ito.

"Edi siya na!..Ganyan naman kayo eh...palagi nalang ako yung mali...siya yung mabait, siya yung matalino!" Singhal ko habang naglalakad pabalik sa kwarto ng hindi ko inaasahan ang mga sumunod na mangyayari.

  Isang paghila sa braso ko, kasabay ng malakas na pagsampal sa aking pisngi. Halos namanhid ako sa kinatatayuan ko ng makita ang umaapoy na mukha ni Papa.

Kagat labi akong napatingin sa kisame upang pigilan ang luha kong namumuo.

"WAG NA WAG MO AKONG TINATALIKURAN KAPAG KAUSAP KITA HA!..WALA KA NG GINAWANG TAMA...ANTIGAS NG ULO MO, KUNG KANINO KA NAGMANA...HINDI NAMAN GANYAN ANG MAMA MO!!.." singhal nito sa akin.

"Kailan nyo ba nakita yung tama ko?Eh...sa konting pagkakamali ko nga don kayo nakatutok eh" sambit ko.

Nanggigil niyang tinaas ang kamay niya para sampalin ulit ako ng pigilan siya ni Mama.

IM HIS MISSING FORCED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon