47

233 4 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                             

                       CHAPTER 47
                 AT THE END YOU DIE

           -AKIRA'S POV-

____

"S-saan mo ako dadalhin?!...Louie, bitawan mo ako hay*p ka!" nagmamakaawang sigaw ko sa kaniya.Para akong kakapusin ng paghinga ng makita ang umaapoy nyang mukha sa galit.

"HALIKA DITO!..ANO, SUSUNOD KABA O PAPATAYIN KITA" pagbabanta nya saka nito hinila ang buhok ko.Mangiyak ngiyak akong napatitig sa mukha niya ng bigla niyang itinutok ang baril nito sa leeg ko.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko ng makita ang tila panginginig ng kamay nyang iputok ang baril na iyon sa akin.

"L-louie w-wag...please wag maawa ka sakin" pagmamakaawa ko sa garagal na boses.

Pailing iling siyang pagak na natawang sumigaw.

"MAAWA??DAPAT KABANG KAAWAAN AKIRA SANCHEZ? UNANG UNA PALANG NA NARINIG KO ANG BOSES MO! I KNOW WHO ARE YOU!" singhal nito ng bigla niya akong sakalin.

"Lo-louie..hind---hindi ako makahinga" sabi ko ng bigla siyang ngumising pinanlakihan ako ng mata.

"PSTANGINANG AWA YAN!!..HA!!" singhal nya ng akma nya akong susuntukin sa tiyan ng isang biglang kamay ang pumigil sa kaniya.

Mariin akong napapikit sa sobrang kaba, halos hindi ako makahinga ng dahil don..Nakita ko ang pag agaw ni Gabo ng baril sa kamay ni Louie. Hindi ako makagalaw, para akong namanhid na napahaplos sa aking tiyan.

"AKIRA!!TUMAKBO KANA!!.." sigaw ni Gabo.

Gulat na gulat ang mata ko ng makita ang pilit na pakikipag agawan nito ng baril kay Louie..Ang pagsuntok ni Louie sa kaniya.

Kaya mabilis akong napahinga ng malalim kasabay ng paghaplos ko sa aking pisngi ng luha at tumakbo para tumakas sa mansyon na ito..Paulit ulit akong nadadapa.

Nawawalan ako ng lakas, at hindi ko na kaya pang tumakbo..At tila namanhid pa ang buo kong katawan ng malakas na pagputok ng baril ang umalingawngaw na nakakabingi ang narinig ko..Humahagulgol ako ng iyak habang kumagat labing nagpatuloy sa pagtakbo.

"AKIRA!!BUMALIK KA DITO" Sigaw ni Louie..Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko na tumayo at pinilit na hwag iinda ang sakit ng mga paa ko.

"HINDI MO AKO MATATAKASAN HAY*P KA!!MAMAMATAY KAYO NG AMA MO!" sigaw nito.

Isang pagtakip sa aking bibig ang ginawa ko na agad nagtago sa isang madilim na parte ng makapal na halaman.Napakalayo pa ng dapat kong takbuhin upang makarating sa nakabukas na gate nitong mansyon.Nakita ko ang nag aapoy na mukhang galit ni Louie, ang paika ika nitong paglalakad na hinahanap ako sa paligid.

"AKIRA!!LUMABAS KA SA TINATAGUAN MO! AYAW MO BANG SALUBUNGIN SI SATANAS" sigaw nito..Pahikbi hikbi akong napahawak sa bibig ko para pigilan ang ingay ko.

Magkakasunod na putok ng baril ang mga umalingawngaw sa labas ng mansyon na ikinangiti ko..Alam kong nandito na ang sinumang magliligtas sa amin..At sana, hindi kami mapahamak ng magiging anak namin ni Kurt.

Mula sa pinagtataguan ko, nakita ko si Kurt..at dito ako nagpakawala ng isang matamis na pagngiti, hindi ko napigilan ang sarili kong biglang tumayo roon, at hindi ko inaakalang nasa likuran ko na si Louie na agad hinila ang leeg ko para itutok ang baril nya sa ulo ko.

"GOTCHA" sigaw nya.

"Akira" hindi natuloy ni Kurt ang lumapit sa akin ng biglang malakas na pagputok ng baril ang ginawa ni Louie.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now