28

256 4 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                             

                  CHAPTER 28
              :MISTAKE

             -AKIRA'S POV-

-HABANG mas palapit ako ng palapit mas tumitindi ang sakit sa dibdib ko. Parang may kung anong bahid ng luha sa mga mata ko, ng makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Malawak ang ngiti niya na nagpagulat sa akin.

"Ken?" Takang tanong ko. Hindi ako makapaniwala ng hindi ito magsalita at tinapik lang ito ng kaniyang ama.

"Si Kurt?Nasaan siya?Bakit ikaw yung nandito?Hindi ikaw yung gusto kong pakasalan" sabi ko sa mahinang boses..Bakas sa mga tao ang tila naiinip na sa ginagawa ko, ng ngumisi siyang inilapit ang mukha niya sa akin.

"He's not here! Magpapakasal ka sa akin kung gusto mo pa siyang makitang buhay" bulong niya na ikinanlaki ng mga mata ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko pa ng ngumisi siyang humiwalay, idinikit niya ang braso niya sa akin, wala akong nagawa..kundi ang ikawit ang kamay sa kaniya, at igala ang tingin sa buong paligid.

Umaasa na makikita ko siya.

Umaasa na darating siya.

Umaasa na tutuparin niya ang pangako niya.

Pero wala...

Hindi niya ako sinipot sa kasal namin.

Niloko niya ako!!.

Halos mangiyak ngiyak akong nakatulala sa kawalan, habang nagsisimula ang seremonya sa kasal namin ni Ken...Nanginginig ang buo kong katawan, kasabay ng pagbigkas ng pare ng katagang~.

"You my now kiss the bride" usal niya.

Mas tumindi ng tumindi ang kirot sa dibdib ko, kasabay ng pagngiti ni Ken sa harapan ko. Sinubukan kong umiwas sa gagawin niya, ng maramdaman ang pagdiing hawak niya sa braso ko, dahilan para mariin rin akong mapapikit at hayaan siyang hagkan ako sa labi sa harap ng maraming tao...Pinilit kong ipakita ang ngiti sa aking labi, pero halos manlumo ako ng makita ang lalaking inaasahan ko ay~...nakangiting nakatitig sa akin, sugatan ang kaniyang mukha, may bahid ng dugo ang kaniyang braso at gulo gulo ang kaniyang buhok na animo'y nakipag away ito.

"K-kurt" bigkas ko sa pangalan niya, akma akong maglalakad palapit ng biglang marahas na paghila ang ginawa ni ken.

"BITAWAN MO AKO!!.." singhal ko na ikinagulat niya, isang pagbawi sa kamay ko ang ginawa ko at kaagad hinabol si Kurt na tumalikod na.

"K-kurt...kurt anong nangyari?B-bakit ngayon ka lang?K-kanina pa kita hinihintay?Bakit ka m-may sugat??" Halos mangiyak ngiyak kong tanong sa kaniya..Lumingon ito sa akin, madilim ang mga mata niyang tinitigan ako bago ngumisi.

"Congrats!..Kasal kana" sabi niya

"K-kurt...hindi ka dum~" hindi ko natuloy ang mga sasabihin ko ng bigla siyang pagak na natawa.

"Did you see this??" Turo niya sa kaniyang mukha..."Muntik na akong hindi maka abot, pero sinubukan ko, para lang mapakasalan ka, para lang sabay tayong magmartsa papunta sa altar at magpalitan ng matatamis na pangako sa isat isa...ansakit Akira, walang ibang mas sasakit sa mga putanginang sugat na ito sa ginawa mo!!Ansaki~" hindi nito natuloy ng magsalita ako.

"K-kurt...ti-tinakot niya ako" garagal ang boses kong sagot ng muli siyang lumagapak ng tawa, at malakas na sinipa ang kotseng nasa tabi niya.

"Tinakot?Oh nagpatakot ka?!" asik niya, ng bigla ko siyang yakapin ng sobrang higpit, pero isang malakas na pagtulak ang ginawa niya, dahilan para mapasubsob ako sa sahig, at dahilan para masugatan ako sa braso ko.

IM HIS MISSING FORCED WIFEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora