43

218 5 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                             

                       CHAPTER 43
                MEET HER MOTHER

           -AKIRA'S POV-

Kunot noo akong napatitig sa mukha ko. Hasyt, hindi ko naman inakala na babalik ako sa mukhang ito, kung saan nagpanggap akong isang nerd na babae para lang takbuhan noon ang sinumang lalaking ipapakasal sa akin.

Ang magandang mukha ko, ay natatakpan ngayon ng malaķing salamin sa mata, may mahaba at kulot na buhok, sinamahan pa ng animo'y nakakadiring mga pimples.

Pagkatapos ko ngang isuot iyon bumaba na ako para magpakita sa dalawang mokong na kambal. Tsk. Kanina pa ako rinding rindi sa lakas ng pagsisigaw nila.

"Paano ako makakasigurado na hindi siya mapapahamak don?" singhal na boses ni Kurt.

Kitang kita ko sa mga mata ni Ken ang pagkainis dahil sa kakulitan ng kakambal niya. Eh paano ba naman, kanina pa siya nagrereklamo na baka daw mapahamak ako, tsk!!.

"Kaya ko naman sarili ko" sabi ko.

Napatingin silang dalawa sa akin, at dito na nga lumagapak ang malakas na pagtawa ni Ken. Kumunot ang noo ko ng makita ang nakakainis niyang paghalakhak.

Tsnginang toh.

"Wow, nerdy girl" sabi pa ni Ken na bahagya kong inirapan.

"Alam mo nakakainis ka. Buti nga pumayag ako sa gusto mo eh. Napaka epal mo" singhal ko saka umupo sa sofa ng tabihan ako ni Kurt.

"TIGIL MO NGA YANG PAGTAWA MO!" asik ni Kurt sa kakambal niya.

Tumigil naman ito, pero hindi niya pa rin mapigilan ang mapangisi. May kinuha siya sa isang kahon na nasa tabi niya saka ito biglang inihagis sa akin.

"Ano toh?" Tanong ko.

"Lighter" sabi niya sa walang ganang sagot.

"Alam ko. I mean anong gagawin ko dito?Eh hindi naman ako naninigarilyo" sabi ko pa ng umiling iling si Ken.

"Yes. That's the lighter ginagamit para sa pagsindi ng mga kung anong bagay. Pero ang lighter na yan ay may hidden camera na sa tuwing sisindihan mo. Magcacapture ng palihim  at iyan ang gagamitin mo! Sa loob niyan meron ding sound sytem na nakaconnect dito!" Sabi nito saka itinuro ang hawak niyang maliit na parang usb.

"Hindi ba nakaflash yan?" Tanong ko.

Tumawa silang pareho.

Ano bang nakakatawa?Eh nagtatanong lang naman ako. What if nakaflash diba?Eh sabi niya hidden camera. Tsk siraulo talaga tong dalawang ito.

"Nope. At eto lang, kapag may mga lakad sila. Like operation with gang itatawag mo sa amin." Sabi pa ni Ken saka ako tumango.

"Okay then anong susunod?" tanong ko.

"GABO!" madiing sabi ni ken na ikinakunot noo ko.

At mula sa pintuan, may isang lalaki ang lumabas. Nakangiti siyang lumapit kay Ken saka nito tinapik sa balikat.

"Siya si Gabo. Isang tauhan nila sa grupong 'yon. Pinagkakatiwalaan na isang tagasunod lang na utusan. At siya ang tutulong sayo kung paano makakapasok sa grupong 'yon" sabi ni Ken.

"Eh?meron naman pala kayong tauhan dun bakit ako pa papadala nyo" sabi ko.

"si GABO palaging driver sa mga kotse kaya palagi siyang umaalis. At kung pumapasok man siya, hindi siya nakakalapit sa mga secret na kwarto. At ikaw, bilang babae. Makakapasok ka" sabi ni ken.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now