44

233 5 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                             

                       CHAPTER 44
                      TAKSIL

           -AKIRA'S POV-

____

APAT NA ARAW ang lumipas simula ng makapasok ako sa grupong ito. At ang masasabi ko lang, isang napakalaking pag iingat nga dapat ang kailangan dito..Dahil ang ugali ni Ms.Veronica ay isang kakaiba, napakasungit nya at madaling uminit ang kaniyang ulo sa mga pagkakamaling nagagawa.

Hawak ko ang lighter habang sumusunod ng hakbang sa kaniya pababa ng hagdan..Sobrang strikto ng mukha niya na animo'y wala kang makikitang kung anong nararamdaman nito.

Nakita ko ang kwartong ipinagbabawal na puntahan ng mga tauhan niya, kwarto na kung saan ko narinig ang isang boses na alam kong pamilyar sa akin..Gabi gabi na rin akong hindi makatulog sa kakaisip kung tama ba ang hinala ko.

Kung siya ba talaga.

Pero napaka imposible.

Dahil alam kong hindi iyon mangyayari.

"WHAT ARE YOU DOING?" isang sigaw na pagsinghal na ikinagulat ko.

"P-po...wala po Maam!!" Sabi ko saka mabilis na bumaba ng hagdan.

Nakita ko ang mga kalalakihan na nasa isang malaking pahabang lamesang nakaupo. At ang masasabi ko, sa bawat braso nila may isang marka.

Marka ng isang agila.

Napagitgit ako at yumuko ng magtama ang tingin namin ni Gabo. Walang nakaka alam na magkasama kami, walang nakaka alam na mag kakilala kami. Basta ang alam lang nila. Ako ang pumalit sa dating babaeng pinagkatiwalaan nila.

"So?Ano ng mga nangyari sa mga pina palakad ko sa inyo?" Tanong ni Miss Veronica sa kanila.

"Maayos naman, at sa totoo nyan. Mamaya na ang dating ng mga baril at shabu sa bodega!" Sabi ng isang lalaki.

"Good..at ikaw Louie hows yours?" May kung anong diin sa boses ni Miss Veronica ng tanungin niya ang lalaking hindi maipinta ang mukhang nandidiring nakatitig sa akin.

Tsk.

Napakayabang nya, pero sunod sunuran rin pala sya kay Miss Veronica. At hindi ko inakala na isa lang pala siyang tauhan nito.

Kumbaga sa aso..isa siya dun.

Napasinghap ako ng hangin ng biglang nakita ko ang pagtango ng bahagya ni Gabo na nasa isang gilid. Nangunot ang noo ko dahil don.

Napakagat labi ako para panlakihan siya ng mata..hanggang sa ginalaw nito ang mga daliri niya.

Agad akong napatingin kay Miss Veronica, saka ko nanginginig na inilabas ang lighter na hawak ko.

"Maam?" tanong ko

Tumango lang sya habang pinag uusapan pa rin ang magiging operasyon nila mamayang gabi sa isang bodega..Tungkol sa mga baril at drugs

Isang pagpihit sa lighter.

Sinadya kong itutok ang pinaka side nun sa mga taong nakaupo sa lamesa. Habang kunwari ay pinapasindi ito.

Dalawa.

Isang matandang lalaking nakangiti.

Pangatlo, ramdam ko na ang inis ni Miss Veronica kaya nagawa kong isindi na ito ng tunay mula sa hithit nyang sigarilyo. Napalayo ako at ibinulsa iyon agad.

____

ILANG SANDALI ANG LUMIPAS

Mag aalas sais ng gabi, sunod sunod silang umalis kaya mabilis akong nagpunta sa isang kwarto at doon inilabas ang cellphone ko para tawagan si Ken.

IM HIS MISSING FORCED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon