46

221 5 0
                                    

𝗜'𝗠 𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗙𝗘
                             

                       CHAPTER 46
                 REVELATION 

           -AKIRA'S POV-

____

"anong plano mo ngayon? buntis ka at magiging delikado yan kapag nagpatuloy ka sa ginagawa mo" sabi ni Gabo na tinaasan ko ng kilay.

"I can handle my self. Pero walang dapat maka alam sa grupo na buntis ako" sabi ko na ikina tango niya.

Kaming dalawa lang ni Gabo ang bumalik sa mansyon, at hindi dapat nila malaman na nag dadalang tao ako.Hindi pa halata kung anong nasa tiyan ko. At ipagpapatuloy ko ang naumpisahan ko para makakuha ng sapat na ebidensya.Mula sa pintuan, isang tawanan ang natigil ng makapasok kaming dalawa.Pinilit kong kumawala ng ngiti na tila walang kahit na anong nangyari.

"Ano? Bakit ka daw nahimatay?" Tanong ni Ms.Veronica sa akin.

Hindi ko magawang sumagot lalo na at nakatitig lamang siya sa mukha ko.Alam mo yung tipong parang kinikilatis nya ang bawat galaw ko.Minsan, hindi ko maiwasang kabahan. Lalo na at alam niyang ako si Akira  pero sobrang laking pagtataka ko kung bakit hindi niya magawang sabihin ito sa mga kagrupo niya.

Lalo na sa lalaking nasa sekretong kwarto.Bakit??!..Dahil anak niya ako?.Napasinghap ako ng hangin na kaagad inunahan si Gabo sa mga dapat na palusot nyang sasabihin.

"N-nalipasan lang po ng gutom" sabi ko.Hindi ito nagsalita ng magtama ang mga mata naming dalawa ni Louie.

"You're voice look so familiar" biglang usal niya na ikinamanhid ng buong katawan ko..Kitang kita ko ang pagiging seryoso niya na animo'y kinikilala nga kung kaninong boses iyon. Hanggang sa biglang~..

"Louie. Ang plano kamusta??" tanong ni Ms.Veronica para iwasan ako ni Louie na kilatasin..Sobrang kaba ang bumalot sa buong katawan ko. Nang wala akong magawa, sinubukan kong mabilis na magpunta sa kwarto sa banyo para sumuka.

Fuck.

Hindi ko maiwasan, pero naamoy ko lang ang niluto nila sa baba na sinigang na baboy  eto at nasusuka na ako.Parang hindi ko gusto ang amoy nya na ewan.Papalabas na ako sa banyo ng marinig ang malakas na pagkalabog ng pintuan, gulat na gulat ang mga mata ko ng bumungad sa akin si Ms.Veronica.

"Ilang months? At sinong ama ng dinadala mo?" isang malamig na boses nitong pagtatanong sa akin.

"P-po??" Tila pagkukunwaring sabi ko.

Hindi ko alam  pero para siyang may mahika sa sobrang galing nyang kumilatis.Paano niýa nalaman na buntis ako.

"Buntis ka diba?" Tanong niya. Akmang iiling ako ng bigla siyang lumapit at idinampi ang kaniyang kamay sa leeg ko. "Hindi ako pwedeng magkamali,buntis ka. Dahil sa pintig mo" sabi nito saka ngumising tinapik ang balikat ko.

At ngayon ko lang sasabihin na hindi ako pwedeng magsinungaling sa isang katulad niya.

"Sinong ama ng dinadala mo?Isa ba siyang mabuting lalaki?" tanong nito sa akin.Nangunot ang noo ko sa tono ng boses niya.

"Oo" sabi ko.

"Sigurado ka??..paano mo nasabi? Sobrang bata mo pa para mabuntis, kaya mo bang alagaan yan?" Tanong nito na pagak kong ikinatawa.

"Hindi mo naman ako kagaya!" Biglang sumbat ko na ikinataas ng kilay nya.

"Kaya kong alagaan ang magiging anak ko, at ipinapangako ko na hindi mo ako magiging kagaya. Pabaya kang ina, paano mo naatim na hayaan ako?anong klaseng puso meron ka?" Singhal ko pa ng bigla siyang mapait na ngumisi.

IM HIS MISSING FORCED WIFEWhere stories live. Discover now