Chapter 9

958 29 6
                                    

Thyra's image above ^ ^

Gracie Abrams as Thyra
______

NASA KLASE ako ngayon at ang kasalakuyang nag tuturo sa harapan ay si Miss Talia. Ilang araw na ang lumipas nung nagkasakit ako at nang nakita ko si miss na nakatitig sa akin habang tulog.

Nang makita niya na gising na ako ay dali-dali siyang tumayo at pumasok sa banyo. Ewan ko pero nasakatan ako ng makita ko yung lungkot sa kanyang mga mata. Paiyak na diya siya non eh, halatang pinipigilan lang.

Ilang araw narin na hindi niya ako masiyadong pinapansin. Hindi kagaya nung nakaraang mga araw na lagi niya akong pinapapunta sa opisina niya para utusan o pakainin ngayon naman ay halos hindi niya na ako tingnan.

Tuwing sinusubukan ko siyang lapitan bigla na lang siyang aalis sa pwesto niya. Madalas rin akong lumupunta sa bahay niya para makipag ayos pero pag dating ko laging walang tao. Sinusubukan korin na tawagan at i-text siya sa number na binigay na ginamit niya upang i-text ako nung nakaraan pero wala ayaw mag reply at sumagot sa tawag. May nagawa ba akong kasalanan?

Bumuntong hininga ako habang nakikinig sa kanya sa unahan. Seyoso lamang siyang nag-tuturo at kahit na tumaas ako ng kamay pag may recitation ay hindi niya ako tinitingnan at iba yung tinatawag. Bakit ang bigat sa pakiramdam? Ang bigat kapag hindi niya ako pinapansin.

Sumabay oa ang sakit ng puson ko. Mukang mag kakaroon ako ah. Mahirap at masakit oa naman pag meron ako dahil nga irregular yung dalaw ko ay sobrang sakit kapag nag karoon.

"Hey, are you okay?" Nay pagka alala sa tinig ni Sylvia havang tinatanong ako. Papunta na kami ngayon sa cafeteria kasama yung kambal. Katatapos lang ng klase namin kay miss Talia at buong klase ay hindi niya ako nilingon. Pagka-dismissed niya rin ng klase ay naisipan kong lapitan siya kausapin pero nang nag angat siya ng tingin at nakitang papalapit ako sa kanya ay mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya at dali-daling kumabas ng classroom.

"Ayos lang ako" Walang gana kong tugon. Para akong nang hihina.

"Anong ayos? Kanina kapa panay buntong hininga at ang tamlay mo rin" Sabat naman ni Cris.

"Pagod lang" Saad ko at nauna nang pumasok sa cafeteria. Agad-agad naman silang sumunod sa akin at sinabing mag hanap na lang daw kami ni Sylvia ng mauupuan at sila na ang bahalang bumili. Sinabi ko naman kung ano ang gusto ko, konti lang dahil wala akong ganang kumain. Kinuha ko yung pitaka ko at kumuha ng pera bago iabot kay Criss.

Hanggang ngayon sa saakin parin yung pera na binigay ni miss at yung kulay itim na card pero iniwan ko sa bahay sa may drawer ko na nay lock. Hindi ko yun ginalaw o ginastos kahit ilang sentimo. Pera ko lang yung ginagamit ko pag may kailangan akong bilhin. Ibabalik ko na lang kay miss kapag pinapansin na niya ulit ako. Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa opisina niya pag wala edi sa bahay. Ayaw kongumipas nanaman ang isang araw na hindi niya ako pinapansin. Aayusin ko kaagd kung anoman yung dahilan ng oag iwas ni miss sa akin sa lalong madaling panahon.

Unalis na sina Mari at Criss upang bumili ng makakain namin. Tahimik lang kami ni Sylvia habang nag hihintay, ilang sandali pa ay binasag niya ang katahimikan.

"Are you really okay? Hmm, Vicky?" Hinawakan niya ako sa pisngi upang iharap sa kaniya.

"You know you can always tell me your problem but I wont force you to tell me. Just remember im always by your side" Saad niya habang hinahaplos ang pisngi ko at magaan na naka ngiti sa akin. Hinalikan niya yung noo ko kaya naman ay napapikit ako. Ang swerte ko na may roon akong gantong kaibigan.

Pero himala straight english siya ngayon. Laging baliko 'to mag salita eh.

Nag mulat ako ng mga mata at ngumiti sa kanya, niyakap siya ng mahigpit. Ang drama ko, bakit ba naman kasi ako nag kakaganito dahil m hindi ako pinapansin ni miss?

Serendipity Where stories live. Discover now