Chapter 15

726 22 1
                                    

KANINA habang nag mamaneho ako ay ramdam ko na parang may naka sunod sa amin ni Lia. Hindi sa pagiging mapanghusga ngunit sa tingin ko ay sinusundan kami kanina ng isang puting kotse, bigla na lang kasing liliko kung sa'n ako liliko, at nasa likuran lang talaga namin yung kotse.

Nu'ng kasama pa naman namin si Miss ay wala naman akong nararamdaman at hindi ko nakita yung puting kotse na 'yon na nakasunod sa amin pero nung kami na lang ni Lia, ay bigla ko naman naramdaman na meron.

Nang hindi ko na lang ito nakitang sumusunod sa amin ay nu'ng malapit na kami sa dorm, bigla na lang kasing lumiko at humito sa isang parking lot ng convenience store .

At si Miss Talia naman...

Hindi pa siya umuuwi. Alas-dose na ng madaling araw pero hanggang ngayon hindi parin umuuwi si Miss Talia. Pinauna ko nang matulog si Lia sa kama habang ako naman ay sinusubukang makatulog ngunit hindi ako dinadalaw nang antok kaya naisipan ko na pumunta sa sala at hintayin na lamang si Miss.

Patay na ang lahat ng ilaw at tanging liwanag na lamang na nag-mumula sa buwan ang nag sisilbing liwanag ng silid. Nanonood lamang ako ng video sa aking telepono nang may bigla akong narinig na pagkansing ng isang susi at pag bukas-sarado ng pintuan, kasabay na noon ang pag bukas ng illaw at iniluwa ang babaeng nang iwan sa'min sa parking lot.

Iba na yung suot niya at tila ba ay bago siyang ligo. Hindi niya pa ako na papansin na naka upo sa sofa dahil abala siya sa pagtingin ng kung ano sa bag niya. Ilang sandali pa ay nag angat na siya nang tingin at para pa siyang nagulat nang makita ako na nakaupo sa sofa.

"Jeez, what are you doing here? why are't you sleeping?" Tiningnan niya ang kanyang relo bago muling nag salita. Pero bakit parang ang tamlay niya? "You should be sleeping by now, you still have classes tomorrow"

Kayo din naman maaga bukas, ikaw pa nga yung first class namin, eh.

"Hindi lang po maka tulog"

Gusto ko sanang itanong kay Miss kung ano ang nangyare at kung sino yung lalaki kanina na dahilan kung bakit niya kami iniwan ni Lia, kaso baka sabihin pakeelamera ako---pero sa tingin ko naman din ay hindi sasabihin ni Miss na pakeelamera ako, talagang hindi ko lang tinatanong dahil baka pribado 'yong topic na 'yon.

Naisipan ko na lang na pumasok na sa kwarto kung saan na tutulog si Lia na may dalawang unan na parang hotdog ang nakapalibot sa kanya, humiga ako sa kama dahil ngayon lang ako nakaramdam ng antok at kampante na rin naman ako dahil na'n dito na si Miss.

Pumikit ako para matulog ngunit ilang sandali pa ay narinig ko ang pag bukas ng pintuan, hindi ko na ito pinansin o nag mulat nang mata, nanatili lamang akong naka pikit.

"Victoria, are you awake?"

Narinig ko ang mala anghel na tinid ni Miss at ang paglubog ng katabing parte ng hinihigaan ko kaya naman ay unit-unti akong nag mulat ng mga mata.

Nakita ko si Miss na nakatingin sa akin na mapupungay ang mga mata.

"I'm sorry"

Malambot na ani niya, umupo ako at isinandal ang ulo sa headboard ng kama at diretso siyang tinitigan. Hindi ako nag salita at hinintay na lang ang karugtong ng sasabihin niya.

"I'm sorry if I leave you and Lia at the parking lot, alone." Saad niya bago may kinuha sa gilid niya---isang tasa ng gatas na naka patong sa maliit na lamesa katabi ng kama ang iniabot niya sa akin.

Pinag timpla niya pala 'ko.

Kinuha ko ito at sumipsip dito.

"The guy that I leave with earlier is my cousin." Napa tingin ako sa kanya dahil sa narinig kong sinabi niya.

Serendipity Where stories live. Discover now