Chapter 17

642 23 1
                                    

Warning: This chapter contains sexual assault ( don't worry, hindi naman po nangyari yung 'R' but still) reader discretion is advised. If you are sensitive to such a content, please proceed with the caution. READ AT YOUR OWN RISK.
_____

ISANG PARAISO. Na'ndito nanaman ako. Nanaginip nanaman ako. Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang babaeng nagdala sa akin dito noon; yung babaeng napanaginipan ko.

Si walang muka.

Naglakad ako habang inililinga ang aking ulo upang hanapin siya. Halos mag iisang buwan na ang lumipas nang una ko siyang mapanaginipan at sa ilang lingong iyon, ito pa lamang ang pangalawang beses na napunta ako rito.

'Asan na kaya siya?'

Gusto ko malaman ang pangalan niya lalo pa't hindi ko ito nalaman noong unang beses akong makarating rito dahil ginising ako noon ni Miss nung dapat ay sasabihin na nung babaeng walang muka ang pangalan niya. 

"Victoria, mahal ko."

Isang napakalambing na tinig ang tumawag sa aking pangalan mula sa aking likuran. Isang tinig na napaka pamilyar sa akin ngunit hindi ko masabi kung kanino ko ito narinig.

Lumingon ako sa aking likuran at doon ko nakita ang babaeng aking hinahanap. Dali-dali ko siyang nilapitan--- grabe naman, ang tangkad niya, hangang dibdib niya lang ako.

"Mahal"

Bigkas niya habang itinataas ang kanyang kanang kamay sabay hawak at haplos sa aking pisngi kaya naman ay walang malay kong ipinikit ang aking mga mata. Kahit na alam ko na panaginip lamang ito ay tila ba totoo kong nararamdaman ang init ng palad niya na nahaplos sa aking pisngi.

Bakit tila komportable ako sa kanya?

Iminulat ko ang aking mga mata at hinawakan ang kanyang kamay at ibinaba ito. Iba ang suot niya ngayon kumpara noong una ko siyang nakita.

Hindi na pang white lady.

Nakasoot na siya ngayon ng isang kulay berdeng bistida na kakulay ng mga dahon na bakapaligid sa amin. Mayroon ding pabilog na mga bulaklak ang nakalagay sa kanyang ulo. Yung parang pa headband pero buong bilog.

Hindi ko namalayan na mayroon pala siyang hawak na pabilog na bulaklak na laman ko na lamang ito nang ilagay niya ito sa aking ulo kaya naman ay pareho na kaming meron.

"Let's go enjoy your stay here, the time is running"

Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako. Dinala niya ako sa isang puno na may bahay sa itaas. Isang tree house.

Hindi ko ito napansin noong una kong punta dito dahil medyo mataas, may kalakihan rin ito.

Inalalayan niya akong umakyan sa hagdanan hanggang sa makarating kami sa 'taas. Pinag buksan niya ako ng pintuan at tumambad sa akin ang isang magandang disenyo ng tree house.

Puno ito ng ibat-ibang mga halaman at bulaklak, yung mga gilid ng pinto at bintana ay may nakapalibot rin na halaman at bulaklak, yung gilid ng bahay ay mayroong katamtamang laki ng mga halaman, mayroon ding sala dito at katamtamang laki na flat screen TV. Maganda din ang pag kaka-shade ng kulay ng dingding at kisame.

Serendipity Where stories live. Discover now