Chapter 22

363 16 0
                                    

"WHAT TIME KA matatapos, babe?"

Isang masakit sa tenga na boses ang aking narinig habang nag che-check ng mga test paper ng mga studyante.

Nandito ako ngayon sa opisina ni Miss Talia, ginagawa ang trabaho ko sa kanya.

Sayang-saya pa ako kanina dahil nag pa test siya kaya ibig sabihin may trabaho ako sa kanya pero biglang nawala yung kasiyahan ko na iyon nang makasalubong namin papunta sa office yung lalaki, yung Alvin.

Kakainis lang dahil kanina pa niya kinukulit si Miss tapos itong isa naman ay walang ginagawa at hinahayaan lamang itong lalaki.

Gusto ko sanang magtampo kaso naalala ko wala nga pala akong karapatan.

Wala akong ginagawa kundi ang mag check lang, hindi ko sila tinatapunan ng tingin at naka-kunot-noo lamang na ginagawa ang trabaho ko.

Gayon pa man, ramdam ko naman ang paulit-ulit na pag sulyap sa akin ng propesora kaya medyo nababawasan yung inis ko.

"Uyy, Arttt" May pag-pabebe yung tono ng boses nung lalaki kaya hindi na ako nakatiis at nag angat na ng tingin sa kanila. Nung nakita ko yung muka nung lalaki bigla akong napangiwi.

Papaano ba naman naka nguso at akala mo ay aso na nakatayo sa gilid nung isa. Pakurap-kurap pa yung mata na 'kala mo ay nag papa-cute. 'Di naman cute.

Tiningnan ko naman yung reaksyon ng isa at gaya ko, bahagya rin siyang napangiwi ng makita ang ginagawa ng lalaki.

"Stop that, you look stupid"

Nang dahil naman sa sinabing iyon ni Miss ay napahawak yung lalaki sa dibdib niya at umaktong nasasaktan.

"Ouch, Anti, sakit mo magsalita, ah"

Napakurap-kurap naman ako ng marinig siya. Napatingin sa gawi ko si Miss at nag katitigan kami na para bang may napagtanto.

Ilang segundo namayani ang katahimikan at mukang na alala ng lalaki na hindi lang silang dalawa ang na'ndito dahil biglang umayos ng tayo at tumikhim.

"I mean, bilisan mo, may date pa tayo" Naging malalim bigla yung boses niya hindi gaya nu'ng kanina.

Mabilis namang bumalik yung inis ko dahil sa sinabi niya.

Date.

Okay.

Mag gagawin din ako para sa kanya mamaya.

SABILIS NG ORAS alas-cinco na kaagad, tapos na yung klase at practice namin. Nasa taxi ako ngayon binabaybay ang daan pauwi. Hindi kasi kami nag sabay ngayon ni Miss eh.

Kaiinis nga eh pero wala naman akong magagawa.

Iisipin ko na lang ngayon ang plano ko para mamaya.

Sana magustuhan niya

"Ma'am, okay lang po kayo diyan? Gusto niyo po ng music?"

Nasa malalim akong pag iisip ng marinig ko ang sinabi ng driver dahilan upang makuha niya ang atensyon ko.

"Ah, sige po"

Napasulyap si juyang driver sa akin sa salamin.

"Ano pong music?"

Nag isip naman ako dahil sa tanong niya? Ano ba ang maganda? Siguro yung happy nusic na lang para mas may gana akong gawin yung pinaplano ko para kay Miss

"Kahit ano po kuya basta yung happy" Sagot ko sa tanong niya. Mabilis naman na inayos ni kuya ang dapat na ayusin para maipatugtog yung music.

Pumikit ako sandali, parang gusto ko umidlip kahit sandali dahil nakakapagod naman ang training. Akala mo laging galit si Miss sa'min eh. Tapos kakainis pa dahil kasama niya sa practice yung lalaki. Buntot ata 'yon ni Miss eh. Sunod nang sunod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Serendipity Where stories live. Discover now