Chapter 13

827 24 5
                                    

"OH? KAMUSTA KAYO?"

Tanong ko pagkalapit sa naka simangot kong kaibigan na si Sylvia. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang naka kunot noo at isang tao lamang ang dahilan.

Yung roommate niya.

Nakaupo kami ngayon sa bench. Pinag pahinga muna kami ni Coach ng ilang minuto bago bumalik muli sa practice.

"Tsk. That kapre is so annoying" Hindi ko namang maiwasan na matawa sa pagtawag niya ng kapre kay Olivia habang nakakunot ang noo at naka cross yung mga braso. 'Yan ang lagi niyang ine-rereklamo sa'min ni na Cris; ang kakulitan 'daw' ni Olivia.

"Stop laughing, pandak" Sabi na dapat nanahimik na lang eh, nadamay pa.

Tumikhim ako at pinaseryoso ng kaunti yung muka.

Kaunti lang. Para mas mainis siya

"Ano nanaman ba ang ginawa?"

"Well she just suddenly scream 'sunog! sunog!' kaninang four-A.M while I was sleeping. Tsk, that girl is baliw. I got up quickly when I heard her and then suddenly she laugh after seeing my reaction. Like, can you believe her? She's  crazy, a crazy-kapre" Pag rereklamo niya sa akin at yung pagkasabi niya pa ng 'sunog' ay parang ginaya ang sigaw ni Olivia dahil pasigaw ngunit mahina niya 'yun sinabi.

Hindi ko naman maiwasang tuluyan nang matawa. Halatang inis na inis na talaga siya kay Olivia. Hindi naman ito ang unang beses na nag reklamo siya, nung nakaraan, kinabukasan nga namin matapos lumipat sa dorm ay inis na inis din siya dahil pag ka tapos daw siyang hilahin ni Olivia ay hindi na siya tinantanan nito.

Tapos, pag minsan daw pag nag-aaral o kaya naman ay may kinakain o iniinom siya bigla na lang siyang gugulatin kaya nabibitawan niya yung hawak niya at nabubulunan tapos itong si Olivia naman daw ay wala lang, tawa lang daw ng tawa.

Hindi ko rin naman masisisi si Sylvia na ma inis dito kay Olivia. Gulatin kaba naman habang nakain, sinong hindi? Kung ako 'yon baka namatay na ako sa pag ka samid.

May pag ka clingy din 'yung si Olivia minasan nakikita ko na lang bigla bigla na lang dinadamba si Sylvia nang yakap.

"Wazzup, Sylvia!! My sugar plum, apple pie, Cutie pie, at Icing sa ibabaw ng cupcakes ko!! Lagyan narin pala natin ng cheese para mas masarap" Sumama naman lalo ang timpla ng muka ni Sylvia na marinig ang matinis na boses na 'yon na nang gagaling sa may unahan namin. At 'yan na nga, yung kina kainisan niya.

Tumakbo papalapit sa amin si Olivia at dinamba nang yakap itong kaibigan ko na pilit namang inaalis nitong isa.

"Get off me, kapre!"

"Ay wow, grabe ka naman sa future mo, babe. 'Di mo na 'ko lab?" Naka ngusong saad naman ni Olivia habang naka puppy eyes na nakatingin kay Sylvia.

"Hindi"

"Ouch. 'Di wag, dito na lang ako kay baby Thyra" Humawak pa talaga siya sa kanyang dibdib at umaktong tila nasasaktan bago lumapit sa akin at akma namang yayakap.

Naging mag kaibigan narin naman kami ni Olivia kaya medyo sanay na ako. Dahil lagi naman kaming mag kasama ni Sylvia at siya naman ay laging naka buntot dito sa isa ay pag hindi siya pinapansin ng kaibigan ko ay ako naman ang dinadaldal o kinukulit.

"Stop. Back to practice"

Bago paman maka yakap sa akin si crazy-kapre ni Sylvia ay may pumigil na sa kanyang nalamig at seryosong tinig. Galing lang naman 'yon sa propasorang ksama ko sa dorm; nakasama ko makakita ng bata kagabi.

Hindi na itinuloy ni Olivia ang binabalak at sumimangot na lang bago nag lakad papunta sa pwesto niya at ga'non din naman kami. Takot nalang namin kay Miss.

Serendipity Where stories live. Discover now