Chapter 20

502 16 4
                                    

"AYOS NA BA, ang susuotin mo?" Tanong sa akin ni Mari na kausap ko sa telepono; video call. Ilang oras na lang bago magaganap ang masquerade party at ngayon ay nagaayos na ako. Mag isa lang ako ngayon sa bahay at na'ndito ako ngayon sa kwarto namin ni Lia, wala silang dalawa ni Miss Talia dahil hinahatid niya ngayon ang bata sa bahay nina Mama. Diretso sa penthouse niya na siya pagkahatid.

Ayos nanaman ang susuotin ko, sabay kami nina Cris bumili kahapon sa Mall. Ang napili ko ay isang simple na red dress na hanggang paa ko, may parte na kita ang likod kung susuotin ko pero hindi talaga makikita ang likod ko dahil natatakpan ang ilang bahagi nito ng mangas ng dress at dahil mag susuot din ako ng red tube.

Ako lang ang mag aayos sa sarili ko, nag offer si Miss na kukuha raw siya ng mag aayos sa akin o kaya naman ay siya ang mag aayos sa akin pero tumangi ako. Gusto ko subukan na ako mismo ang mag ayos ng sarili ko, lalo na ang pag me-make up dahil hindi naman ako nag lalagay nito kahit na may okasyon, gusto ko lang talagang subukan ngayon.

Seven ng gabi mag sisimula ang event at five-thirthy na ngayon, tapos na ako nag ayos ng muka ko, light lang naman ang make up na ginawa ko. Isinuot ko muna ang dress mula sa paa bago mag simulang ayusin ang buhok ko. Itinali ko lamang ito ng pa messy bun at malaya mong makikita ang mga baby hair na nag ladagdag ng appeal ko. Nang natapos ay tsaka ko na isinuot ang mask na kulay utim na may roong black feather ssa kanan na bahagi nito. Inilagay ko din sa aking bewang ang tila ba sinturon na gawa sa mga perlas na lalong nag paganda sa suot ko na bistida.

Matapos ko mag suot ng sandals na three inches, bumaba na ako ng hagdan.

Hihintayin ko muna si Miss dahil inaya niya ako kagabi na sabay na raw kami pumunta sa venue.

Alas sais y media na pero wala parin si Miss, lampas kalahating oras na akong nag hihintay sa kanya pero wala parin siya. Sabi niya sa penthouse niya daw siya mag aayos at dadaanan niya na lang daw ako pero hanggang ngayon wala parin siya.

Me
Miss, nasaan kana po?

Ilang minuto ako nag hintay pero wala parin siyang sagot. Sinubukan ko rin na tawagan siya pero wala parin.

Six-fourthy-five na pero hindi parin na dating si Miss, medyo kinakabahan na ako kasi ni sa tawag o text hindi niya sinasagot. Kanina parin na tawag sina Sylvia, tinatanong kung nasaan na ako.


Dadating pa kaya si Miss?

Ayaw ko naman na umalis dahil baka na-late lang si Miss tapos pag dating niya wala ako dito. Gano'n pa naman ako minsan. Tsaka, baka kaya hindi siya na sagot sa mga tawag ko ay na-low-batt siya.

Ilang sandali pa ay tumapat na nga ang orasan sa oras ng pag sisimula ng event, habang ako'y nasa bahay parin. Nag hihintay.

Hindi parin ako kumikibo at may plano parin na mag hintay.

Kinuha ko muli ang aking telepono at muli siyang tinawagan. Gaya ng mga nauna, hindi ko parin narinig ang boses niya ngunit ang pinag kaiba lang, kung kanina ay hindi niya nasasagot dahil patay o napababayaan yung tawag, ngayon naman ay sinadya na itong patayin.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib dahil hindi niya ito sinagot, mahigit isang oras na akong nag hihintay tapos papatayan lang ako ng tawag.

Akmang itatago ko na ang aking telepono at aalis na sana nang biglang tumunog ang phone ko hudyat na may nagpadala ng mensahe. Agad ko itong tiningnan at mabilis na in-unlock yung telepono nang makita na galing ang mensahe sa taong kanina ko pa hinihintay.

Serendipity Where stories live. Discover now