Chapter 2

80 3 0
                                    

Authors Note :

Before reading this chapter, gusto kong malaman yung part/scene na pinaka gusto nyo at hate nyo sa Season 1. Just wanna know your thoughts:D.

-------------------
Class Z

"Then how about instead of you transferring to this section, we'll have her transfer to ours?"

Oh, transfer to ours daw. Ingles.

"......"

O_O

Wait, whutttt?

Maang na tiningnan ko si Yvo. Is he serious? Hindi din makapaniwalang tiningnan siya ni Tristan. Nagpakawala siya ng mumunting ngiti sa labi bago bahagyang itinaas ang isang kilay.

"What do you think, Georgina?"

Teka, ako? Magtatransfer sa section nila? Bakit? Kunot noonh tiningnan ko siya, napalunok ako bago magsalita.

"Seryoso ka?"

That's all I could ask na nakapagpatawa kay Yvo.

"I'm damn serious right now." Aniya na bahagyang naging dark pa ang aura. Mas lalo akong nacurious. "I'll let you transfer to Class A. Sounds tempting, right?"

It really do sounds tempting. Kung iba ang paniniwala ko baka nag-oo na ako pero hindi. Ano namang makukuha niya sa'kin? Bakit siya nagooffer ng ganito sa'kin?

Madami akong makukuha na benefits pero sila anong pwede nilang makuha? Medyo magulo sa part na 'yon.

"Georgina, magtransfer ka na para magkasama na tayo. Hindi ko na din kelangang magtransfer dito---."

"Hindi ako magt-transfer." Pagputol ko sa sinasabi ni Tristan na ikinagulat niya. Bahagyang nagsmirk naman si Yvo.

"W-why? Si Yvo na 'yung nagsasabi sa'yong magtransfer ka, why won't you transfer?"

Naguguluhan si Tristan. Napabuntong hininga ako.

"Why can't I stay?" Agad na sagot ko sa kaniya na ikinaawang ng labi niya. "I want to stay in this section, why can't I stay?"

Dito na ako napapunta. I've been staying in this section for months, sa loob ng ilang buwan na 'yon nagtiis ako. Ngayon pa ba ako aalis? Mag-isa nalang ako dito kaya bakit ako aalis?

"Pero mag-isa ka dito."

"Ano naman kung mag-isa ako? Masama ba 'yon?"

"George, paano ka?" Tila nag-aalalang wika niya pa.

Bahagyang nginitian ko siya. "Anong paano ako? Edi tuloy lang. Alangan namang tumigil ako porke mag-isa lang ako."

Katulad ng sinabi ko hahabol ako at sisiguraduhin kong gagraduate ako kahit na gaano pa man katagal sa abot ng makakaya ko.

"i'm giving you the easiest way to reach your goal, bakit hindi mo nalang igrab?"

Binalingan ko si Yvo. Yung way ng pagkakasabi niya halatang hinuhusgahan niya ako.

"Salamat nalang." Sagot ko sa kaniya.

"Pfft. Don't you want your family to be proud? Why not take this chance? Be one of us, Noburi."

Be one of them? Paano?

I shook my head. "Sarili ko na nga lang ang kakampi ko, dadayain ko pa ba?" Nawala ang pagkakunot ng mga noo nila dahil don. "Salamat nalang. Gusto kong makatapos ako dahil sa sarili kong kakayahan. Alam ko naman na gagraduate ako, naniniwala ako sa sarili ko."

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon