Chapter 4

61 4 0
                                    

Lolo M's Plan

“Yak! Ilayo mo nga sa'kin 'yan."

Imbyerna. Ang arte arte ng  mga lalaking 'to. Inis na tiningnan ko si Timothy at Wavin na nandidiri pa bago inilapit sa lamesa nila 'yung tissue na ginamit ko.

IWW!"

Tongono parang mga bakla. Kasalanan naman kasi nila! Hmp! Hindi naman ako iiyak kung hindi dahil sa kanila!

“Alisin mo 'yan diyan."

Inirapan ko si Timothy. “Edi alsin mo."

Tinaasan ko pa ng kilay. Ayun, gagalaw naman pala. Padabog na tumayo siya at saka nagtungo para kunin ang basurahan. Padabog nya din inilagay 'yung mga tissue don sa basurahan bago ako samaan ng tingin.

“Kababae mong tao, abnoy ka."

Tsk. Ako pa talaga ang abnoy? Hindi ko siya pinansin bago humalumbaba kaso…

*PAKK!*

Napapikit ako sa inis.

“Ay, sorry george! Paabot naman ng bola hehe."

Gigil na hinarap ko si Jacob. I glared at him bago dinampot 'yung bola. Ang saya saya talaga sa classroom na 'to. Bigla ka nalang babatuhin. Ang ganda nilang tirisin, nakuu!

“'Yan sige ibato mo dito."

“Ibato ko?"

Bumwelo ako at saka ibabatikal na sana 'yung bola nang..

“Guys punta daw lahat sa may rooftop!" Malakas na anunsyo ni Warren. “Ang mahuhuli daw, maglilinis sabi ni Pres!"

Ay shuta! Tatayo palang ako nakatakbo na sila. Pero ok lang andito naman sina Tim---e? Naiwan na pala ako dito.

“Bilisan mo George!"

Ayun, nasa labas na. Yung mga mukha nila aligagang aligaga. Gustong gustong mauna. Mga tamad! Tch, anlalaki ng katawan, ketatamad.

“Baka gusto nyong mauna." Sarkastiko kong wika pagkalapit sa kanya.

“Talaga?" Yung mukha ni Timothy lumiwanag pa. Don't tell me iiwan nila 'ko dito? “Oh, Wavin tara na."

—_— - me

O_O - Tim/Wavin

“Joke! Tara na nga, andun na sila lahat!"

Inakbayan kaming pareho nina Timothy at saka inayang maglakad.

“BILISAN NYO!"

Kahit kapit ni Timothy ang bilis maglakad ni Wavin. Langya. Takot na tskot e. Napapasabay din tuloy ako sa lakad nila.

Nakarating kami sa rooftop, nakakapagod. Hindi man lang inisip na hindi nila kasing height ang kasama. -,-

“You're late."

Napaayos ako ng tayo ganon din suna Timothy. Nandito na silang lahat at sitting pretty pa! Pawang mga nakaupo na sila. Si Zero lang ang nakatayo. May tatlong vacant na upuan pero 'yun yung nasa unahan.

“KAYO ANG MAGLILINIS, WAHAHAHAHA!"

Aba't nang-asar pa! I glared at Zedrick bago hinubad ang sapatos ko. Umakto akong ibabato 'yun sa kanya.

“OOHH, ILAG! CANON BALLS, CANON BALLS!"

Tongono ni Warren. Parang ambulansyang paulit-ulit. Yung mukha tuloy ni Zedrcik at ayos nya nakakatawa. Nagtago ba naman sa upuan nya. Nagtawanan tuloy ang mga itlogz.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon