Chapter 17

43 2 4
                                    

Deal

“Ano na nangyayari sa loob?" Natataranta kong tanong. Pabalik balik na naglakad ako sa harap ng gate ng main.

“Aba, ewan ko." Agad na sagot ni Timothy. “Pero sana walang mangyaring masama sa kanila. Huwag ka ngang malikot diyan!" Sita niya sa'kin.

Napahinto ako sa paglakad. Sinulyapan ko ang mga estudyante na nakabantay sa may gate ng main. Nasa loob sina Zero, Archer at si Gray. Sila lang 'yung pinapasok. Kami nay naiwan dito sa labas.

Antagal nila sa loob. Hindi na ako mapakali. Maski din namam 'yung iba. Baka napaaway na sina Zero don o baka pagtulungan sila don. Kinakabahan talaga ako.

“Lalabas din sila." Seryosong wika ni Wavin. He then look at me. “Don't worry."

Napangiwi ako. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko sila nakikitang lumabas.

“Tingin mo dahil satin kaya matatanggal si Sir Steve?" May halong lungkot sa boses ni Nadya nang magtanong siya.

We all look at her.

“Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Hindi matatanggal si Sir Steve." Sagot ni August, lumapit pa siya kay Nadya.

“Pero what if it's really because of us? I can't even think kung paano pa ako makakapasok knowing Sir Steve got fired because of us---."

“Hey, calm down. Everything's gonna be okay." Hinawakan ni August ang balikat ni Nadya. He look straight into his eyes.

Napabuntong hininga ako. Kung talagang matanggal si Sir Steve nang dahil sa'min, siguradong… walang araw na hindi kami mag-guilty sa nangyari. Nandito lang naman siya para magturo, to do his job and responsibilities pero nadamay siya sa isyu namin. Tapos ngayon mawawalan pa siya ng trabaho add the fact na binubully pa siya ng ibang prof at students sa main.

“Hindi matatanggal si Sir Steve." Madiing wika ni Zedrick. 

Ayan na sila. Agad na lumapit kami sa kanila na kalalabas lang. Basa pa sina Zero na alam kong kagagawan ng mga estudyante sa main. Hinanap ng mata ko si Sir Steve pero hindi ko siya makita.

“Nasaan si Sir?"

Seryoso ang mga mukha nila. Anong napagusapan nila?

“He's--."

Bago pa man makasagot si Gray ay nakita na naming lumalabas si Sir Steve, just like the others basa din siya. Maski siya hindi pinatawad. Naiinis ako. Sinulyapan ko 'yung mga estudyante na nasa may gate pa din ng main.

“Sir, ano pong nangyari?"

“Bakit sila nagpetition?"

“Resbakan na po ba natin?"

Kaniya-kaniyang salita. Hindi na magkamayaw sa pagkausap kay Sir ang lahat. Sobrang ingay. I even saw the students in main na sumilip para panoodin kami.

“Let's go back to our building first." Ani Sir Steve.

Lahat kami ay bumalik na sa building. Inabutan nina Timothy sina Sir Steve ng towel na nakalagay sa locker nila. Napalapit ako sa kanila. Atat na atat na akong malaman kung anong nangyari.

“Why are there petition para mapaalis ka?" - Corine, she was talking to sir Steve.

Naupo si Sir sa may upuan kalapit niya. He then look af us before speaking. “To be honest, it's my fault."

Kasalanan ni Sir?

“Paano niyo naman po naging kasalanan? Sabihin niyo na sir 'yung totoo hindi naman kami magagalit e." Giit ni Warren. Nang mapagawi pa yung paningin niya sa'kin ay inismidan niya 'ko.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon