Chapter 45

41 5 1
                                    

Cold Wind

Alas otso na ng gabi hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip yung nangyari kanina. I didn't even managed na bumaba para kumain.

Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si kuya pag nagkita kami. Ngayon lang ulit kami nagkasagutan ng ganito na kitang kita ko yung sobrang inis niya.

May nangyari ba? Hindi naman magiging ganon si kuya kung walang nangyari. Baka badmood siya tapos nairita ko pa siya dahil hapon na ko nakauwi.

Tama! Tama! Ganon nga siguro 'yon. Mali yung timing namin tapos hindi ko pa nasabi na nasa meeting ako. Syempre magagalit 'yon.

"Hindi pa panatag ang loob ko sa kanila, hindi ko pa sila tanggap. Sa totoo lang hindi ko malilimutan kung paano ka nila sinaktan, pinapakisamahan ko lang sila Georgina pero hindi pa rin buo ang tiwala ko sa mga 'yon."

Napaupo ako sa kama ko saka napabuntong hininga.

Hindi pa tanggap ni kuya ang Class Z—nakikisama lang siya. Buong akala ko okay lang sa kaniya dahil hindi niya na rin naman kinukwestyon ang egg warriors tapos pinagkakatiwala pa niya ako sa kanila pero hindi naman pala okay.

Bakit ngayon niya lang sinabi? Tsaka bakit siya pa mismo ang pumilit sa'kin dati na magpatuloy ng pag-aaral? Yun ang isa sa mabilis na paraan para hindi ko na makasalamuha ang mga egg warriors.

I scoff at my thoughts. Halata naman ang sagot, nagtatanong ka pa.

Ngayon niya lang direktang sinabi na hindi niya gusto ang Class Z pero palagi niyang pinapahiwatig na hindi pa rin siya panatag sa Class Z lalo na kay Zero. Nung time na sinabi ko sa kaniyang kaibigan na ako ni Zero, hindi siya naniwala. Baka raw niloloko na naman ako ni Zero—na hindi totoong kaibigan ang turing niya sakin. Pero nagpumilit ako na magkaibigan na kaming talaga.

Si Kuya, kapakanan ko lang lagi ang iniisip niya. To the point na parang wala na siyang pakialam kung magalit ako sa kaniya dahil nilalait niya ang mga kaibigan ko.

T_T

AISSHHH!

Ayoko na kakausapin ko na si kuya! Kaya ko to!

Tumayo ako bago humarap sa salamin. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko mula nang pumasok ako dito sa kwarto. Mukha pala akong pinabayaan. -_-

Gulo gulo pa ang buhok ko.

Inayos ko na yung buhok ko bago dahan-dahan na bumaba. Napalunok ako. Pababa palang ako ng hagdan pero rinig na rinig ko na agad ang ingay sa baba—sa may kusina!

Napasign of the cross ako agad. Kaya ko 'to!

Sumilip ako sa may kusina. Nandon nga si kuya, nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko kita ang mukha niya.

Napatikhim ako bago lumabas sa pagkakatago ko.

"Kuya."

*BAAAAM*

Yung puso ko grabe ang tibok. Bigla bigla nalang ni kuyang binabagsak yung chopping board tapos...may hawak pa siyang kutsilyo na puno ng dugo. Syet.

"K-kuyaa.."

Nanginginig yung boses ko sa takot pero lumapit pa din ako sa kanya.

"Gusto ko sanang mags-."

Napatakip ako sa tenga ng paingayin niya yung kawali.

"May sinasabi ka ba?"

Nilingon niya ko sa wakas. Nakakatakot ang mata ni kuya.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon