Chapter 46

43 1 5
                                    

Here, once again.

*PHONE VIBRATING—*

"HELLO?!"

AY PUNYETANG INGAY!

Agad kong inilayo 'yung phone sa tenga ko. Makasigaw parang walang bukas.

"Hello." Walang emosyon kong sagot.

"SAAN KA NA?LATE KA NA!"

Siguro naman kilala niyo kung sino ang kausap ko ngayon. Yes, oo si Wavin na angry birds ng buhay ko. Keaga aga ang ingay ingay.

"Naglalakad palang." Sagot kong muli. Sinadya kong kalmadong sumagot sa kanya para kunwari nonchalant kahit gusto ko na syang tirisin.

"ABA, BILISAN MO NA! MAY MEETING TAYO NGAYON!"

Meeting?

"Anong meeting?"

Hindi ako nainform! Ano 'to!

"OO, MEETING! MAGMEMEETING NGAYON DAHIL SA PINAGMEETINGAN KAHAPON KAYA MAY MEETING NGAYON!"

Huh? Nahilo ako sa sinasabi niya. Pero teka, may meeting ngayon?

"Andyan na kayong lahat?"

"YES! AT IKAW NALANG KULANG, PAHULI HULI KA!"

Napanganga ako. Nabebeast mode ako dito sa angry bird na 'to.

"Hello? Wala kayang nagsabi man lang SA'KIN! HINDI AKO NAINFORM!"

Same energy na kami. Sakto nasa daan ako sa may kalsada. Tuwing mapapalakas ang boses ko, makikita kong magbulungan 'yung mga tambay na mga girls don.

Akala ata nila baliw ako.

"PWES NGAYON ALAM MO NA, BILISAN MO NA."

Namatay na 'yung tawag. Nakuuu! Napakadaya ng mga 'yon! Nagseset ng meeting na hindi ako iniinform? Dzuh, officers din kaya ako!

Kung ito 'yung way ng pagganti nila sa'kin dahil inis sila sa'kin kahapon pwes hindi nakakatuwa!

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makapasok na ako at matanaw ang gate ng main building.

Nalate ako ngayon dahil late na ako nakatulog kagabi. Tapos kaninang umaga hindi ko pa naabutan si Kuya pero nag-iwan naman sya ng sulat. At nagluto na ng pagkain. Mukha namang medyo okay na s'ya.

Binilisan ko pang lalo. Takbo lakad na ginawa ko. Lalagpas na 'ko sa main building nang may lumabas don sa gate.

Si Angel.

Napahinto ako sa paglakad at ganon din siya. Mukhang nagulat pa sya dahil hindi niya siguro inaasahang makita ako pero saglit lang 'yon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"Good morning, George."

Aba, bumati pa.

Hindi ako bumati pabalik. Ayokong pamakipagplastikan. Matapos ang mga nangyari, akala niya ganon ganon nalang 'yon?

"Kumusta na si Warren?"

Napahinto ako. Bakit niya naman tinatanong?

"I hope he's doing fine. And sana by now, marealize niya na yung mali niya."

Mali? Anong mali?

"Alam kong babalik siya sa'kin. Kapag makita niya lang akong umiiyak, tumitiklop na siya. Patay na patay 'yon sa'kin e kaya kahit anong ipagawa ko, ginagawa niya."

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon