Chapter 6

44 2 0
                                    

Condition

Sabay na bumalik kami ni Zero sa harap ng main building. Hindi nakaligtas sa akin ang mga matang nagtatanong ng Egg Warriors. Lalo na ni Gray.

“How long has it been since they…." agad na usisa ni Zero, teka ba't parang lumalayo ako?

Hinila ako ni… Timothy? Nakakunot ang noong tiningnan ko siya. “Problema mo?"

“Nakita ko 'yun."

Nakita ang alin?

“Nakita kita. Niyakap mo si Zero!"

Napataas ang kilay ko kay Timothy. “Oh tapos?"

“Bakit mo siya niyakap?"

“Anong klaseng tanong 'yan?"

Napataas din ang kilay niya. “Sagutin mo nalang ang tanong ko."

“Malamang kaibigan ko siya."

Labo naman ng tanong niya.

“Yun na nga e! Kaibigan mo siya hindi ka niya girlfriend!" ani Timothy na ikinalapit ni Wavin.

“Girlfriend? Kelangan palang maging girlfriend ka ng isang tao bago mo siya yakapin?"

Next time pala hindi ko na yayakapin si Zero baka mapagkamalan akong girlfriend niya. 

“Ano ba kasing pinag-usapan niyo?" pagsingit ni Wavin, mahinahon ang tono ng pananalita niya.

“Tungkol lang sa nangyari kanina tapos sa tatay niya. 'Yun lang."

Wala namang ibang sinabi si Zero sa'kin e. Basta kanina sinabi niya medyo nagkwento siya tungkol sa tatay niya. Hindi ko na sinabi kay Timothy 'yung ibang nangyari. Hindi na rin naman ako nagusisa pa.

 “Nagopen siya sa'yo tungkol sa tatay niya?!"

Maang na tiningnan ko siya bago napatango. Ba't parang gulat sila?

“Oo, bakit?"

Nangungunot ang noo nilang pareho. Bakit kaya?

“W-wala. Wala."

Aish. Bahala silang dalawa kung ayaw nilang sabihin.

Pinagmasdan ko nalang 'yung main. Kanina pa pumasok sina Kuya don pero hanggang ngayon hindi pa sila lumalabas. May kung ano na kayang nangyari? Wag naman sana.

“George."

“Oh?"

Nalingunan ko si Gray. He was holding a bottled water on his left hand. Inabot niya 'yon sa'kin. Speed, kanina lang wala siyang hawak na tubig tapos ngayon meron na.

Pero ano na kayang nangyari sa loob?

Hindi ako mapakali. Nagpabalik balik ako ng lakad sa pwesto ko.

“Huy, umupo ka nalang dito oh!" Sita sa'kin ni Tim habang tinuturo 'yung pwesto na may nakalatag na panyo. Umiling ako sa kaniya. Mas lalo akong kakabahan kapag nakaupo ako.

“HUWAG KANG MALIKOT PANGET! LALABAS DIN SILA!"

Napangiwi ako. E hindi pa nga lumalabas e.

Pabalik balik na lumakad ako. Hindi ko na pinansin sina Wavin na nagrereklamo kesyo nakakahilo daw ako. Wala pa sina kuya e, ano na kayang nangyari don?

Iikot pa sana ako ng hawakan ni Gray ang balikat ko.

“Heyy…" I look at him. “It's going to be fine."

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon