CHAPTER 4

1.6M 33.7K 6.7K
                                    

CHAPTER 4

MABILIS ang pagtipa ng mga daliri ni Amethyst sa keyboard ng laptop niya. Ilang Law enforcement data base na ng Pilipinas ang napasok niya, naghahanap ng tungkol sa mga drug dealers na nahuli ng mga Pulis o kaya naman kung mayroon ang mga itong pinaghihinalaan. Lahat na yata ng napasok niyang sistema na patungkol sa mga illegal na gawain ay nabasa na niya pero ni isa, walang nabanggit na pangalang Luther San Diego Jr. o kaya naman X.

Ayaw naman niyang gamitin ang data base na nakakonekta sa iba't-ibang data-base ng mga kilala at kinatatakutang Law Enforcement sa buong mundo dahil malalagay sa history ng search data ang pangalan ni Luther.

In the kind of work she's in—in the kind of Law Agency she's part of, she's allowed to use the general data base but she won't do it. Sa hindi malamang kadahilanan ni Amethyst, ayaw niyang may makaalam tungkol sa mga illegal na gawain ni Luther. Alam niyang mali ito, pero hindi niya magawang isuplong ang binata.

Para may pumipigil sa kaniya at hindi niya matukoy kung ano 'yon.

Bumuga siya ng marahas na hininga ng wala na siyang maisip na ibang paraan para malaman ang impormasyon tungkol sa mga illegal na gawain ni Luther. She wanted to know really bad. She wanted to know everything about Luther. Especially his illegal deeds.

Puno ng frustrasyon na ihinilamos niya ang mga palad sa mukha at bahagyang napangiwi ng maramdamang nanakit ang panga niya na dulot ng malakas na pagsapo ni Luther doon dalawang araw na ang nakakaraan. Pero kahit masakit, bakit wala siyang maramdamang galit para sa binata?

Malakas na bumuntong hininga si Amethyst at nag-iisip pa rin siya ng mga paraan kung paano makakuha ng impormasyon tungkol kay Luther ng umupo si Honey sa tabi niya. Nuong isang araw pa ito dumating at pansamantalang nananatili sa bahay niya.

"I got news for you, Thyst." Sabi nito sa seryosong boses.

Binalingan niya ang katabi. "Good or bad?"

Tipid itong ngumiti. "A little bit of both."

Napabuntong-hininga siya. "Who told you?"

"The Boss himself."

Bumuntong-hininga na naman siya. "Ano sabi ni Boss?"

Umikot ang mga mata nito. "Masyado ka kasing abala riyan sa harap ng laptop mo na hindi mo narinig na nagri-ring ang cell phone mo." Umiling-iling ito. "Sabi niya na na-i-email na raw niya ang kailangan mong gawin."

Nagsalubong ang kilay niya. "Pero may ginagawa na ako."

"Iba yata. Mukhang hindi mo na kailangan pang tulungan si Themarie sa misyon niya." Nagkibit-balikat ito at iniwan siya sa sala.

Mabilis niyang binuksan ang e-Mail niya at totoo nga ang sabi ni Honey, may natanggap siyang e-mail galing sa boss nila.

Mabilis niyang binasa ang mesahe.

Subject: Luther San Diego Jr. also known as 'X'.

New Assignment: Make a full report of his illegal deeds. The Agency will be expecting your report next month.

Umawang ang labi niya sa nabasa kasabay ng pagsikdo ng puso niya. Ano 'to? Ngayon lang ba umabot sa Agency na pinagta-trabahuan niya ang tungkol sa mga illegal na gawain ni Luther? Bakit ngayon lang? Bakit sa kaniya pa ibinigay ang misyong 'to? Pinaglalaruan ba siya ng pagkakataon? Alam ba ng boss niya ang relasyon niya kay Luther.

If so... then was that the reason why she was assigned to his case and was pulled out so suddenly from the current case she's on?

And how can she make a full report when it seems that Luther doesn't want to see her again? This is bullcrap!

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon