CHAPTER 18
PARANG may pumitas sa puso ni Amethyst ng makita si Luther na naka-handusay sa sahig. Lumabas siya sa silid at hinanap si Luther sa buong bahay dahil nag-aalala siya sa lagay nito. And she found him lying on the floor and he is dead to the world.
Dumudugo pa rin ang sugat nito sa braso. Mukhang naalis lang nito ang bala pero hindi natapos ang paggagamot nito sa sarili.
Mabilis niyang nilapitan ang nakahandusay na binata at ginamit ang first-aid kit na nasa mesa. Pasalampak siyang umupo sa sahig habang maingat na ginagamot niya ang sugat nito.
Amethyst was now wrapping a bandage on Luther's wound when Luther stirred.
Nang magmulat ito ng mata, nagtagpo ang tingin nilang dalawa.
Ngumiwi ang mukha nito habang pinipilit ang katawan umuupo. He looked like in pained but trying to hide it. Gusto niya itong tulungan pero ng subukan niya ay tinabig lang nito ang kamay niya.
Nang makaupo ito, bumuga ito ng hininga saka walang buhay na tumingin sa kaniya.
"How are you feeling?" Tanong niya sa binata sa malumanay na boses.
"Still in pain."
Worry filled her eyes, "Gusto mo bang dalhin kita sa Hospital?" Inabot niya ang sugat nito para tapusin ang pagba-bandage dun para hindi na iyon dumugo. "Baka mas dumugo pa ang sugat mo—"
"Why do you care if I bleed out?" Tanong nito sa malamig na boses. "Kanina lang, tinutukan mo ako ng baril."
Bumuntong-hininga siya saka tinapos ang pagbi-bendahe sa sugat nito. "I care because you're my Luther."
Sarkastiko itong tumawa. "Yeah, and people in hell wants ice water."
Hinawakan niya ang kamay ni Luther, kahit pinipilit nitong kumawala sa hawak niya, hindi niya ito hinayaan at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa binata.
"Luther," Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa. "Please, forgive me. Please..."
"No, Amethyst." Luther let go of her hand. "You're not doing this to me. I won't let you hurt me again."
Tumayo ang binata saka naglakad palayo sa kaniya. Pero hindi niya ito hinayaang makalayo. "Luther." Malakas ang boses na tawag niya. "Please, talk to me!"
He didn't heed her any attention. Parang walang sumisigaw sa pangalan nito na dere-deretso lang itong naglakad palayo sa kaniya. It made her feel hopeless yet she keeps on shouting his name.
"Luther!" Huminga siya ng malalim at ginamit ang pangalan nitong alam niyang lilingon ito. "X!"
Luther froze then looked back at her. Matalim ang mga mata nito at napakalamig ng titig sa kaniya. "Huwag mo akong tawaging X."
She pressed her lips together. "Sorry. I just want to get your attention."
"It's Luther, not X." His jaw tightened. "X are for unimportant persons in my life. So if you don't want me to punish you by tying you in the bed post, better call me Luther." At tinalikuran na naman siya nito at naglakad palayo sa kaniya.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "X."
Madilim nag mukang nilingon siya nito. "Don't piss me off, Amethyst."
"X." Ulit niya.
This is the only way she knows how to draws him to her. Alam niyang gumagana ang taktika na naisip niya dahil naglalakad pabalik sa kaniya si Luther at nangangako ang kislap ng mga mata nito ng kaparusahan dahil sa pagbanggit niya sa alias nito.
BINABASA MO ANG
Dangerous Gentleman (COMPLETED)
General FictionA GIRL dreams about a Bad boy who is gentle only to her. A BOY dreams about a Girl who is naughty only to him. ****** He was her neighbor. He was her childhood sweetheart. He was her first love. Ten years later... He was everything she abhorred. He...