CHAPTER 6

1.6M 31.3K 6.3K
                                    

CHAPTER 6

PINUNTAHAN ni Luther ang Hospital kung nasaan si Troy Ladesma para makipag-kaibigan dito. He's a nice guy after all. Lumapit siya sa Information desk ng makapasok siya sa St. Cloud Hospital.

"Good morning." May magiliw na ngiting sabi niya. "Puwede ko bang malaman kung saang room si Troy Ladesma? Kaibigan niya ako." I'm going to kill him.

Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa. Lihim siyang napabuntong-hininga dahil hindi niya maaakit ang babae para makuha ang gusto niya. The woman was already near the grave ... not his type.

"Pasensiya na, Sir." Sabi nito. "Sinabihan ako ng mga Pulis na hindi magbigay ng impormasyon tungkol kay Troy Ladesma."

He groaned in irritation. "Okay. Whatever."

Humakbang siya palayo sa Information Desk saka tinawagan si Hellion.

"Hey, fucker. I need information." Aniya sa maangas na boses.

Mabilis naman ang naging tugon ni Hellion. "Wala akong alam. Inosente ako."

"Walang inosente na parte ang katawan mo, huwag kang ilusyunado." Tumingin siya sa paligid bago nagsalita. "Troy Ladesma. I-hack mo ang computer ng St. Cloud Hospital. Kailangan kung malaman kung nasaang room siya."

Hellion sighed heavily. "Teka lang."

Naririnig ni Luther ang mabilis na pagtipa ng keyboard sa kabilang linya. Napangiti siya.Troy Ladesma, you're so dead.

"Room 301 in Surgery Department." Ani Hellion sa kabilang linya.

Masaya siyang napangiti. "Fuck you."

"You're welcome, fucktard."

Tinapos niya ang tawag at nagmamadaling nagtungo sa Room 301. Isang silid nalang ang layo niya sa silid na inuukupa ni Ladesma ng makita niyang lumabas ng Room 301 si Amethyst.

Napatigil siya sa paglalakad at matamang tinitigan ang mukha ng dalaga. She looks tired and worn out.

Bakit ito narito?

AMETHYST froze when she saw Luther outside Troy's Hospital room. Nagsalubong ang kilay niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanung niya habang sinasaway ang puso na huwag tumibok ng mabilis para sa binata.

Nakapamulsang naglakad ito palapit sa kaniya. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Balik tanong nito. "Inaalagaan mo ba si Troy Ladesma? Pinapatay ko nalang sana siya para wala ka nang aalagaan pa."

Umawang ang labi niya ng paunti-unting nag sink-in sa isip niya ang ibig nitong sabihin.

Ayaw niyang maniwala. "Please, sabihin mo sakin na hindi ikaw ang nagpasagasa kay Troy."

"Hindi ko sasabihin kung ganoon." Kibit-balikat na sabi nito habang may masayang ngiti sa mga labi.

Umakyat ang dugo sa ulo niya dahil sa narinig pero kaya pa niyang kontrolin ang galit na nararamdaman. "Bakit mo ginawa 'yon?" Kalmado ang boses niya pero lampas langit ang galit na nararamdaman niya. "Paano mo nakayang manakit ng ibang tao?"

"I hurt people for a living, Amethyst. That's normal."

Nagtagis ang bagang niya. Hindi niya napigilan ang sarili. Malakas na umigkas ang paa niya para sipain si Luther, pero mabilis na nasalag nito ang atake niya gamit ang matitipuno nitong mga braso.

"Stop it, Amethyst." Madilim ang mukha nito.

Masyado siyang galit para pigilan pa ang sarili. Pinagpalit-palit niya ang paa sa pagsipa rito na palagi nitong nasasalag, kaya naman iniba niya ang takteka.

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon