CHAPTER 8

1.5M 31.7K 3.7K
                                    

CHAPTER 8

"ANONG kailangan mo?" Kagaad na tanung ni Luther ng sagutin niya ang tawag ni Minrod. "I thought we agreed not to call each other. You set that rule, remember? And you fucking interrupted me while I'm in the middle of a very important happenings in my life."

"I don't want to hear your voice too moron." Sagot ni Minrod na may bahid na iritasyon ang boses. "Pero kailangan kitang makausap. This is much more important that what's happening in your life right now that I interrupted."

Wala sa sariling napangiti siya ng maalala ang dalaga na nasa kuwarot niya, "I highly doubt that."

Minrod tsked. "Is the line clear?"

"It's clear." Aniya sa seryosong boses.

"Okay. Good." Then he started talking, "Salamat sayo, babalik na ng bansa si Mr. Tsui pagkalipas ng maraming taon. Magagawa na rin natin sa wakas ang planong napag-usapan natin. The Organósi wants result, X."

AngOrganósiay greek word para sa salitang Oragisasyon—ang organisasyong kinabibilangan niya at nasa likod niya sa lahat ng ginagawa niya. Kilala ang Organósi bilang Organisasyon na walang pangalan pero isa ito sa mga kinatatakutan.

Minrod continued speaking. "I want you to focus on the plan. Ilang taon na rin natin 'tong pina-plano at ito na 'yon. We can't mess this up. The Organization will not accept it. Malaking pera na ang nagastos natin para rito kaya ayusin mo. If something went wrong with the plan, I'll kill you myself for wasting my time and the Organization's money."

"Duly noted." Aniya sa malamig na boses. "At hindi mo kailangang ipaalala sakin ang kahalagahan ng plano, Minrod. I know because I was the one who planned it. At alam mo ang rason kung bakit ko plinano 'to at kung bakit ako pumayag na magpagamit sa Organisasyon."

"I know. Now, work harder."

Tumango siya na para bang nasa harapan ang kausap. "I will."

"Good. Update me from time to time."

"Sure."

Nang mawala sa kabilang linya si Minrod, malakas siyang napabuntong-hininga saka tumingala sa maaliwalas na kalangitan.

Ilang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita si Blaze na kanina pa nasa tabi niya at nakikinig sa usapan nila ni Minrod na naka-loud speaker.

"She's not part of the plan, X." Ani Blaze at alam niyang si Amethyst ang tinutukoy nito.

Malalim siyang napabuntong-hininga. "Alam ko."

"Kung ganoon bakit mo siya dinala rito sa mansiyon?" Nagtatakang tanong ni Blaze. "Ikakapahamak niya ang ginagawa mo."

"Hindi ko alam." Pag-amin niya. "I know that I'm putting her in danger but I can't let her see another man. It's makes me so mad—I wanna kill him with my bare hands." Nagtagis ang bagang niya. In the line of work he's in, killing is always part of the job, but it's unbearable at times. But killing Paul—he'll fucking enjoy it.

Blaze tsked. "You have to set your priorities right, X. Hindi tayo puwedeng pumalpak dito."

"Alam ko rin 'yon." Aniya.

"Then straighten up your mind."

"I will."

"She's not part of the plan." Ulit ni Blaze.

His jaw tightened. "Fuck it."

Napailing-iling nalang si Blaze sa sinagot niya sa tanong nito. Nagpapasalamat siya ng tumigil na sa pagtatanung si Blaze at hinayaan siyang mag-isa sa gilid ng swimming pool.

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon