CHAPTER 22

1.2M 25.8K 4.3K
                                    

CHAPTER 22

2 MONTHS LATER...

AMETHYST was standing in the balcony of their house in Italy when her mother went to her side. Pinag-angkla nito ang braso nilang dalawa saka humilig ito sa balikat niya. Hawak-hawak niya ang kaniyang cell phone kung saan hindi pa niya nabubuksan ang ang audio file na galing kay Luther.

She couldn't make herself listen to that freaking audio file. She's scared to open it.

"Kumusta ka na?" Tanong ng ina niya sa nag-aalalang boses. "He will not come back even If you cry a thousand bucket of tears."

Alam nito ang tungkol kay Luther dahil ikinuwento niya rito ng makabalik siya. She needed someone to hold as she cry at night and that was her mom, always comforting her, always understanding her.

"Alam ko naman 'yon, mommy." Naguumpisa na namang manubig ang mga mata niya. "It's been two months. Pero hindi ko pa rin magawang pakinggan ang audio file na galing kay Luther. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na makikita ko siyang muli, alam kong hindi na siya babalik. But you know what, Mom?" Ngumiti siya habang may luhang nalalaglag sa mga mata niya. "Parang nasa malayong lugar lang siya at hindi namatay. Feeling ko nagbabakasyon lang siya, malayo sakin. He doesn't feel dead to me. O baka naman, nasasabi ko lang 'yon kasi hindi ko matanggap na maagang nawala sakin ang lalaking mahal ko?"

Hinagod ng ina niya ang kaniyang likod at hinalikan siya sa pisngi. "You know what; you should listen to that audio file. Malay mo, kapag narinig mong muli ang boses niya, matanggap mo nang wala na siya."

Napahikbi siya. "Ang hirap tanggapin, Mommy. Parang sinasakal ang puso ko ... nawawalan ako ng hininga at napakasakit."

"That's love, baby." Her mother patted her shoulder. "It hurts. Love is not just happiness with rainbows, it also have a dark side. Pain and suffering. When we love someone, their name is engraved into our heart and soul. And when God take them away from us, it feels like they took our heart and soul with them. Alam kong mahirap, pero Amethyst, you need to move on. Kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo ng wala siya."

Mapakla siyang tumawa. "Funny. Nabuhay ako ng sampung taon na wala siya, pero ngayong dalawang buwan lang ang nakalipas, pakiramdam ko bawat araw na nagdaraan mas nadudurog ang puso ko at unti-unting namamatay ang kalooban ko." Huminga siya ng malalim at kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Two months and i felt like i died a thousand times every time i woke up each morning and the thought that Luther is dead came crashing to my mind."

Tinuyo ng ina niya ang kaniyang mga luha. "Tahan na. Dito ka lang, ikukuha kita ng tubig."

Umalis ang ina niya at napatitig siya sa cell phone niya na nasa mga kamay niya. Huminga siya ng malalim at malakas ang loob na binuksan niya ang cell phone at pinakinggan ang laman ng audio file.

Seconds later ... Luther's voice filled her ear and tears stream down her eyes.

'Hey, Amethyst. Habang pinapakinggan mo 'to, I will assume that I'm already dead and maybe, just maybe, you cried as they burry me.' Tumikhim ang binata.'But before I die –i mean I'm still alive now—, I have a request, a plea actually. Kapag ginawa mo itong request ko, then you really love me. I have no doubt this time. Kapag hindi, walang katugon ang nararamdaman ko para sayo. So here's my request.' He paused for a second and took a deep breath.'Go to Venice, Italy, and ride a boat. Dadaong ang sasakyan mo sa Cafe Amore. Ask for a coffee under the reservation of X. Then wait for a large speed boat with a name 'X' on the side. That boat will take you to the open sea where a man waits for you every freaking day. I love you, Amethyst. Please, don't break my heart again.'

Kakaibang kaba ang naramdaman ni Amethyst ng matapos ang pakinggan ang voice mail.

'That boat will take you to the open sea where a man waits for you every freaking day.'

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon