CHAPTER 7

1.5M 31.2K 6.3K
                                    

CHAPTER 7

NANG magising si Amethyst kinabukasan, wala na si Luther sa bahay niya at para siyang nakahinga ng maluwang. Having Luther around makes her heart beat like crazy. Walang bakas na doon natulog ang binata. Kung ano man ang nasa isip nito kung bakit sa bahay niya ito natulog, hindi na niya nalaman pa.

Gusto niyang kalimutan kung ano man ang nangyari sa kanila kagabi. She wants to forget Luther entirely. He is her mision after all. Pero paano niya gagawin 'yon? Paano niya aalisin sa Sistema niya ang binata? E ngayon pa nga lang e nakakaramdam na siya ng pangungulila rito.

Malalim siyang bumuntong-hininga saka bumangon at nag-ayos mula ng sarili bago bumaba sa kusina para mag-agahan ng mag-isa dahil hindi pa nakakabalik si Honey mula sa misyon nito kagabi.

Habang nag-aagahan, naisip niyang bisitahin si Troy sa bahay nito. She's after all the reason why he's not walking for the meantine. Gusto lang niya itong kumustahin at aalis kaagad siya.

But before Amethyst can even step out from her house, she saw Luther leaning on the side of the gate, with cigarette in between his lips again while staring intently at her.

Kaagad na bumilis ang pagtibok ng puso niya.

"Where are you going?" Tanong nito saka bumuga ng usok ng sigarilyo.

Pilit niyang itinatago ang mabilis na pagtibok ng puso niya. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko umalis ka na."

Lumapit ito sa kanya at hinawi ang buhok na nakatabing sa nuo niya. "Saan ka pupunta?"

Napangiwi siya ng maamoy ang usok ng sigarilyo na ibinuga nito. "Lumayo ka nga sa'kin." Ayaw na ayaw niya sa amoy ng sigarilyo. "Alam mo bang mas malala ang sakit na dala ng sigarilyo sa mga nakakasinghot lang ng usok?"

Luther heave a deep sigh and throw the cigarette on the ground then stomp on it. "Hayan, wala na. Okay na?"

Napailing siya. "Amoy sigarilyo ka pa rin. Kumapit yata sa damit mo ang amoy ng usok e." Nalukot ang ilong niya. "Magbihis ka kung gusto mong kausapin kita."

Umikot ang mga mata saka hinubad ang leather jacket na palagi nitong suot.

Napatitig si Amethyst sa tribal na tattoo na nasa kanang braso ng binata. Itim lang ang kulay ng tattoo nito pero hindi niya maiiwas ang tingin niya. She has already seen it before when he was topless, but now, seeing his arm up close ... damn! The tattoo looks hot on him.

"You like my tattoo?" May bahid na panunudyo ang boses nito. "I could tattoo you."

Pinilit niya ang sarili na ialis ang tingin sa braso nito. "Ayoko nga."

"Good answer." Kaagad nitong sabi habang may ngiti sa mga labi. "Tattoo is really bad for your health."

Umingos siya at isinara ang pinto ng bahay saka nilampasan ito. Nasa gate na siya ng magsalita si Luther mula sa likod niya.

"Saan ka pupunta?"

"Somewhere."

"Where?"

Amethyst sighed before turning to face Luther. "Sa bahay ni Troy."

Tumiim ang bagang nito. "Why the hell are you going there?" Hindi siya umimik na mas lalong ikinadilim ng mukha nito. "Answer me, Amethyst." Nakatiim ang bagang nitong sabi.

"Kukumustahin ko si Troy." Sagot niya.

Mas lalong nagdilim ang mukha nito. "Huwag mo siyang punatahan." Matalim ang boses nito.

Bumuntong-hininga siya. Ayaw niyang makipag-argumento rito dahil ang aga-aga. "Luther, kukumustahin ko lang siya." Pagpapaintindi niya rito sa gagawin niya, "pagkatapos nun, aalis ako kaagad. Ako pa rin naman ang dahilan kung bakit siya nagkaganun, kasi may isang taong—" pinukol niya ito ng masamang tingin, "basta nalang nagalit."

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon