CHAPTER 13

2.2M 41.9K 11.3K
                                    

CHAPTER 13

NAPAKO SI CZARINA sa kinatatayuan habang nakatingin kay Ymar na may hawak na isang bouquet ng tulips. His confession was just slowly sinking in her mind. She couldn't let herself believe that what Ymar just said was not a figment of her very wild imagination.

Napakaimposible naman kasi na ito ang lalaking palaging naglalagay ng tulips sa labas ng bahay niya. It just couldn't be. He was a snob and always frowning when they first met.

"Banana, magsalita ka naman," pukaw sa kanya ni Ymar.

Napakurap-kurap siya at tumingin sa kulay-asul at abuhing mga mata ni Ymar. "I d-don't believe you." Sa wakas ay nakapagsalita rin siya. "It couldn't be..."

"Bakit naman?" Lumapit ito sa kanya, halos isang dangkal na lang ay magdidikit na ang katawan nila. Masuyo nitong sinapo ang mukha niya. "I like you, Czarina. I really, really, really like you. Simpleng 'have a nice day' lang ang nakasulat sa mga note na iniro-roll ko sa stem ng tulip pero pinaghirapan ko 'yon. Pangit kasi ang penmanship ko at kailangang pagpuyatan para kahit paano ay gumanda naman at mabasa mo."

She was still gaping and still stunned. Para siyang nakalutang sa ere na ewan habang nakatitig sa mga mata ni Ymar na may kakaibang emosyon sa hindi niya mapangalanan.

"Czarina, please." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Talk to me."

Humugot siya ng isang malalim na hininga at pinilit ang saliri na magsalita. "A-ano naman ang sasabihin ko?"

"Ano ang masasabi mo sa ginawa ko?"

"Ahm..." Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng cabin habang naghahanap ng sagot sa tanong nito. And then her eyes settled on him. "It's creepy and weird."

Ymar's eyebrow innocently rose up. "Paanong creepy? It's not creepy. That's supposed to be sweet."

Napapantastikuhang tumingin siya rito. "Ymar, creepy 'yon. You are like a freaking stalker. Bakit hindi ka na lang humarap sa akin at sabihin ang gusto mong sabihin?"

"Dinadaga ako, eh." He blew a loud breath and chuckled. "Wow. So, I look like a stalker because of what I did?"

Tumango si Czarina. "Oo. I find it creepy and..." She looked down. "Yeah, it's kind of sweet."

Parang nabunutan ng tinik ng nagpakawala ng malalim na hininga si Ymar. "Thank God you find it sweet."

"Ano naman ngayon kung hindi ko magustuhan?" nakatungo pa ring sabi niya.

Hinawakan ni Ymar ang baba niya at itinaas nito ang mukha niya. "Gusto kita, Czarina. Kaya mahalaga sa 'kin na magustuhan mo ang ginawa ko," sabi nito nang magtama ang mga mata nila. "I really like your quirky personality. It always lightens up my mood."

Hindi ba puwedeng gusto nito ang kagandahan niya? Personality pa talaga? Hmp! Kikiligin na sana siya, eh. Ymar liked her. Dapat kiligin siya! Pero pagkainis ang nararamdaman niya. She wanted more than "like" from Ymar. Gusto niya "love" ang marinig mula rito hindi like. Demanding na kung demanding pero 'yon ang gusto niya.

Letseng buhay 'to, o.

Tinaasan niya ito ng kilay nang bigla na namang maalala ang paghimas ni Tatiana sa braso nito. "Gusto mo ako, 'tapos pumapayag kang himas-himasin ni Tatiana ang braso mo." Inirapan niya ito. "Ewan ko sa 'yo, Ymar. Nakakaloka iyang ugali mo. Hindi ko ma-reach."

Ymar chuckled. "Czarina, would you believe me if I say that I felt like vomiting when Tatiana was touching me?"

Inungusan niya ito. "Anong vomiting? Baka naman habang hinihimas ka niya ay tumatayo na 'to." She cupped Ymar's manhood and squeezed it lightly.

POSSESSIVE 7: Ymar StroamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon