Casa De Los Reyes Y Maglipol

331 5 7
                                    

Moments In Time 01 - Casa De Los Reyes Y Maglipol

Summary: Matapos na mapalayas si Klay sa tahanan ng mga Delos Santos, sya ay nagtangkang muling magbalik sa Casa Ibarra. Ngunit may kaunti lamang problema. Tatanggapin kaya ulit sya sa Casa Ibarra?

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Humihikbi man si Klay ay patuloy parin syang lumalakad patungo sa Casa Ibarra. Ang mga luha'y walang tigil sa pagtulo habang inaalala ang lahat ng nangyari sa araw na ito. Gayun man ang kinalabasan ng pagsiwalat nya kay Clarita ng totoong pagkatao nang ninong nito'y tunay pa rin syang nag-aalala para sa dalaga. Tinuring na talaga ni Klay na kapatid si Clarita at pamilya ang mga Delos Santos. Kaya ganon na lang ang lungkot na nadarama nya sa mga sandaling iyon habang papalayo sya sa tahanan ng mga ito. Muli ay tinanaw ni Klay ang Casa na syang naging tahanan nya sa makalipas na ilang linggo.

"Ba-bye, Clarita. Mag-iingat ka lagi ha." Ani ni Klay habang pinagmamasdan ang Casa Delos Santos. Malungkot na sya'y tumalikod rito at pinagpatuloy ang paglalakad. Alas otso y media na. Mahirap nang mahuli sa curfew. Imbyerna galore pa naman ang mga guardia civil dito.

"...Tara na, Klay. No use in crying over spilt milk. Need mo na lang silang gabayan. Hay, kalurkey ang happenings! Pero Aja! Hwaiting!" Aniya sa kanyang sarili habang binilisan ang paglakad at hinigpitan ang hawak sa kanyang dala-dalang tampipi.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Tinititigan ni Fidel ang kanyang amigo na kanina pa balisa. Kinuha ang kopita at uminom ng alak. Batid nya ang tumatakbo sa isip nito dahil pati sya ay napaisip rin sa mga katagang binitiwan ni Don Anastacio. Iba talagang makapukaw ng saloobin pag si Pilisopong Tasyo na ang nagsalita

"Amigo. Iniisip mo pa rin ba ang sinabi sayo ni Don Anastacio?" Ani ni Fidel kahit batid naman na nyang iyon nga ang iniisip ni Crisostomo. Pinagmasdan lang ni Fidel ang amigo habang napabuntong hinanga ito. Iniikot ang leeg na para bang gustong kumawala sa mga suliranin.

"Mabuti pa'y huwag na lang nating pag-usapan yan. Kailangan na nating magpahinga." Sambit ni Crisostomo habang si Fidel nama'y muling dinala sa mga labi ang kopita. Ngunit bago pa niya mainom ang alak ay nasilayan na ni Fidel ang biglaang pagdating ni Klay. Bigla rin ang pagtibok ng kanyang puso ng makita ang babaeng tinatangi.

"Amigo, tila may bagong unos na parating" nasabi na lang ni Fidel upang pagtakpan ang galak na nadarama sa hindi inaasahang pagkakita kay Klay. Bakas sa mukha ng dalagita na may kaakibat na suliranin ang biglaang pagdating nito. Kaya naman hindi ito ang tamang panahon para magalak - suway ni Fidel sa kanyang puso. Napaayos naman ng postura si Crisostomo sa kanyang inuupuan. Bahid ang pagkalito sa mukha nito

"Binibining Klay, ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Crisostomo kay Klay. Titig na titig ang dalawang ginoo sa binibing kararating lamang. Inaantay nilang magsalita ito. Napabuntong hininga naman si Klay. Humigpit ang hawak sa tampipi na para bang kumukuha ito ng lakas roon.

"Masyado na pong mahaba ang araw na toh. Sir pwede po bang bukas na lang natin pag-usapan? Pagod nako, marami nakong pinagdaanan." Pagsusumamo ni Klay kay Crisostomo. Maya-maya pa ay tinungo na ni Klay ang looban nang Casa Ibarra. Ngunit, hindi pa man sya nakakalayo ay narinig nyang muling nagsalita si Crisostomo.

"Sandali lamang, Binibining Klay, ito ay aking pamamahay. Kapag sinabi ko na sandali lang, inaasahan ko na ikaw ay susunod." Ani ni Crisostomo sa ma-awtoridad ngunit nanatiling banayad na boses. Sinunod naman iyon ni Klay. 'Akala ko eepek yung pagud-paguran school of acting.' Sambit ni Klay sa sarili habang humaharap kay Crisostomo.

Moments In TimeWhere stories live. Discover now