Sa Dako Paroon...

98 2 4
                                    

Moments in Time 07 - Sa Dako Paroon...

Summary: May isang panganib na nakasunod kay Fidel. Alam nyang buhay nya ang nakataya... pero mas una nyang iniisip ang kaligtasan ni Klay.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Hakbang, isa, dalawa. Nag-uunahan ang mga paa nya sa paghakbang upang marating agad ang destinasyon. Rinig na rinig ni Fidel ang bawat hakbang na kanyang tinatahak dahil tahimik ang paligid nya. Nakakarindi, nakakahindik at nakakabaliw na katahimikan ang mayroon sa medyo madilim na pasilyong ito.

Kanina pa tinatayuan ng balahibo si Fidel. Naka-alerto ang lahat ng pandama nya. May nararamdaman syang kakaiba kanina pa. Huminto saglit si Fidel at nakiramdam. Sa likod. Sa bandang likuran nya nararamdamang nanggagaling ang kakaibang presenya. Lumingon syang pabalik sa pinanggalingan.

Madilim ang pasilyo dahil iilan lang ang mga ilaw at malayo sa isa't isa. Kaya kinailangang antayin ni Fidel na masanay ang mata sa dilim ng pasilyo. Ilang segundo rin ang inantay nya bago masanay ang mata. At doon na nya iyon nakita.

Isang nilalang sa hindi kalayuan. Nakasuot ito ng puti ngunit napakaruming bestida. Tila ito'y nakalutang dahil hindi maaninag ni Fidel ang mga paa nito. Hindi rin maaninag ni Fidel ang mukha nito. Napalunok si Fidel.

Muli ay lumingon sya sa harap at nagsimulang maglakad ng mas mabilis. Bakit nga ba kasi kay haba ng pasilyong ito? Hinahanap nya ang pinakahuling pintuan sa may bandang kanan. Laking ginhawa ang naramdaman nya ng sa wakas ay nakita na nyang malapit na ito. Halos takbuhin nya ang ilang metro pa ng pasilyo papunta sa pinto.

Nang makalapit sa pinto'y dali-daling kinuha ni Fidel ang susi. Sa nanginginig na kamay ay nagmamadali syang buksan ang pinto, ngunit parang hindi gumagana ang mga susi. Napatingin syang muli sa pinanggalingan.

Unti-unti itong lumalapit. Tama ang hinala ni Fidel. Lumulutang nga ito dahil lumalapit ito sa kanya ngunit wala naman syang nakikita o naririnig na yabag. Kinakabahan na ng husto si Fidel. Muli ay tinignan nya ang kanyang mga susi at hinanap sa mga ito ang tamang susing makakapag bukas ng pinto.

Nahanap rin nya sa wakas. Nanginginig pa rin ang kamay nya pero nagawa nyang mabuksan sa wakas ang pinto. Nagmamadali syang pumasok at mabilis ring isinara ito. Kinandado nyo ng maigi ang pinto at inihilig ang noo dito. Nagdadasal.

"Oh Fidel, mahal. Andyan ka na pala. Kamusta, napagod ka ba sa trabaho mo ngayong araw? May aberya ba sa jewelry shop?" Tanong ni Klay. Nag-angat ng paningin si Fidel at nakita si Klay na nakabihis pambahay at bagong ligo. Kalalabas lang nito sa banyo.

"Bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari ba?" Alalang wika ni Klay nang makita ang tila gulat at takot sa mukha ni Fidel. Pinilit naman ng ginoo na pakalmahin ang sarili ang ngumiti sa fiancée.

"...W-Wala ito, Klay. Muntikan lang kasi ako madapa kanina kaya parang ang bilis ng tibok ng puso ko..." Palusot na lamang ni Fidel. Hindi pwedeng malaman ni Klay ito. Pilit na ngumiti si Fidel kay Klay upang siguraduhin na maayos lang ang lahat. Nilapitan sya ni Klay, yamakap at humalik sa kanyang pisngi. Nang dahil doo'y napagaan kahit papano ang bigat na kanyang nararamdaman.

"Sige, sabi mo ih. Nagluto nako mahal. Kaldereta at pinakbet. Aayusin ko na yung mesa. Kaya maghugas ka na ng kamay para makakain na tayo." Pag-ayaya sa kanya ni Klay. Hinaplos ng dalaga ang kanyang pisngi at ngumiti bago tumungo sa dining room ng kanilang condo unit.

Moments In TimeWhere stories live. Discover now