Namamangka sa dalawang ilog

204 4 2
                                    

Moments in Time 05 - Namamangka sa dalawang ilog

Summary: Mag-iisa't kalahating buwan na simula ng magsimulang manligaw si Fidel kay Klay, at isang buwan naman simula ng magtapat sya ng damdamin dito. Ngunit, hanggang ngayon ay bigo pa rin si Fidel na makuha ang matamis na oo ni Klay. Nang biglang bumalik sa San Diego ang isang amiga ni Maria Clara, pakiramdam ng binatang Don na hindi sumasang-ayon ang tadhana sa kanya. Dahil sa pagbabalik ng dating nobya ay ang pag-iwas naman sa kanya ni Klay.

Author's Note: Let's just say, unaware si Maria Clara na nanliligaw na pala si Fidel kay Klay para sa story na toh… Pero hindi ko sya gagawaing kontrabida, talagang hindi nya lang alam na may pinopormahan pa lang iba si Fidel… pwamis!

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Nakangiting sinalubong ni Crisostomo ang kanyang amigong si Fidel. Pinaunlakan ni Fidel ang imbitasyon ni Crisostomo upang pag-usapan at tulungan sya ni Fidel sa mga plano ng huli para sa kasal nito kay Maria Clara. Ngayong hapon habang nakasara ang kanyang tindahan dahil sa oras ng pagsi-siesta nila napag-usapang magkita dito sa Casa Ibarra, kaya hindi makakaabala sa kita ng negosyo nya. Isa pa'y, gusto rin masilayan ni Fidel ang isang natatanging binibini kahit saglit lamang.

“Amigo, maraming salamat sa iyong pag-paunlak sa aking pa-anyaya. Halika at maupo ka dito sa mesa de patio.” Anyaya sa kanya ng amigo. Gumanti ng ngiti si Fidel sa kanyang amigo bago tumungo sa upuan ng mesa de patio. Tinapik rin ni Fidel ang balikat ng amigo, senyales na hindi naman iba si Crisostomo sa kanya para hindi paunlakan ang maliit na pabor nito.

“Amigo, para ka namang iba sa akin. Alam mong para na kitang kapatid at masaya akong maging kasangkapan para sa plano mo sa nalalapit nyong kasal ni Maria Clara.” Hayag ni Fidel sa kaibigan. Nakaramdam si Fidel ng kaunting inggit sa huling tinuran. Buti pa ang amigo, malapit ng ikasal. Siya kaya, kailan?

“Gayunpaman, kinagagalak ko ang pagpunta mo rito. Alam kong marami ka ring mga bagay na inaasikaso. Baka nga hindi ka pa nananghalian, kaya ako'y nagpahanda ng kaunting merienda sakaling hindi mo pa nalalamanan ang iyong tiyan.” Matapos ang huling tinuran ng amigo'y sya namang paglabas ni Klay na may dalang bandehadong naglalaman ng biscuit, keso, tinapay, minatamis ng prutas na pang palaman, mga kopita, pitsel ng tubig at bote ng alak. Nagulat si Crisostomo ng biglang napatayo si Fidel sa akmang tutulungan si Klay. Nangiti naman si Crisostomo sa ginawi ng amigo.

“Binibining Klay, tulungan na kita—” Umpisa ni Fidel sa akmang pagtayo  para puntahan si Klay ngunit mabilis syang pinigilan ng binibini.

“Naku, Sir Fidel, wag na po. Bisita ka po dito ni Sir Ibarra. Kaya maupo na lang po kayo dyan.” Tuloy tuloy ang paghakbang ni Klay patungong mesa de patio, binilisan ng kaunti upang hindi na mag-abala pa si Fidel na tulungan sya. Muli namang naupo ang ginoo habang patuloy na nakamasid sa dalagang may dala ng pagkain para sa kanilang mag-amigo.

Nangiti ng lihim si Crisostomo sa gawi ng kanyang amigo. Hindi lingid sa kaalaman nyang may malalim na pagtingin ito sa dalagang pinsan-pinsanan niya. Hinara't niyaya na nga nito ng kasal si Klay sa harap niya. Ultimong si Crisostomo ay umaasang si Fidel na nga ang makakatuluyan ni Klay. Kaya naman ng sinabi ni Clarita ang isang balita sa kanya noong makalawa'y, hindi malaman ni Crisostomo kung paano ito sasabihin kay Fidel. Humahanap pa sya ng buwelo.

Maingat na nilapag at inihain ni Klay sa dalawang ginoo ang laman ng bandehadong kanyang dala-dala. Hindi lingid sa kanyang pansin ang tila malagkit na titig ni Fidel sa lahat ng kinikilos nya. Naiirita sya pero ayaw naman nyang mag-'attichona’ muli sa harap ni Crisostomo. Kaibigan parin ng nag-ampon sa kanya ang mokong na to. 

Moments In TimeWhere stories live. Discover now