Karibal

84 2 4
                                    

Moments in Time 08 - Karibal

SUMMARY: Nang ipinakilala ni Basilio si Klay sa mayamang amigo nila ni Isagani ay hindi inakala ng lahat na mahuhulog ng husto ang puso nito kay Klay. Ano na lamang ang gagawin ni Fidel ngayong may isang mayaman at makapangyarihang illustrado ang handang ibigay kay Klay ang lahat ng hindi na nya kayang ibigay?

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

"Sinasabi mo bang mali ang decision ng korte sa Londres patungkol sa kaso ni McNaughton?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fidel kay Isagani. Kanina pa nila pinagtatalunan nito habang sila'y naglalakad sa kakahuyan bitbit ang ilang pagkaing hinango nila sa bayan. Umikot naman ang mata ng nakababatang ginoo sa narinig mula sa nakakatandang ginoo.

"Hindi po iyon ang aking ibig sabihin. Ang sa akin lamang po ay, paano tayong nakakasigurong tinakasan nga ng bait si ginoong Daniel McNaughton nung panahong na nagawa nya ang krimen?" Paliwanag ni Isagani. Napabuntong hininga na lang si Basilio. Kanina pa paikot-ikot ang diskusyunan ng dalawa. Sumasakit na ang ulo nya. Si Klay naman ay napangiti na lamang sa nagaganap. Dahil kung hindi sya ngingiti ay iinit na rin ang ulo nya.

"Dahil iyon ang totoo. Ilang doktor ang sumuri sa kanya. Lahat sila ay naniniwala rin nung umpisa na matiwasay ang pag-iisip ng nasasakdal. Ngunit ng mag-simula ang paglilitis, ang lahat ng ebidensya at salaysay mismo ng mga doktor ay doon ang tinutungo. Na si Daniel McNaughton ay tinakasan ng bait at may mga delusyon." Sagot ni Fidel sa huling tinuran ni Isagani. Pilit na ipinapapaliwanag sa nakababatang lalaki kung bakit naging ganoon ang desisyon ng korte sa Londres.

"Mawalang galang na po, ginoong Fidel. Pero paano nga po tayo nakakasiguro. Paano po kung siya'y nagpapanggap lamang?" Patuloy na tanong ni Isagani, hinahamon ang punto ni Fidel. Naiintindihan naman ni Fidel kung bakit naitanong iyon ni Isagani dahil noong unang beses na napag-aralan ni Fidel ang kaso na iyon nung nag-aaral pa sya sa Londres ay sumagi rin sa isip ang teoria ni Isagani. (BTW, true crime po ito sa London nung 1843, if any one is interested.)

"Nagpapanggap man o hindi, sya nama'y hindi na nakalaya, hindi ba? Habang buhay na syang nakakulong sa ospital hanggang sa sya'y binawian na ng buhay. Kaya nga ng dahil dito ay naisagawang batas ang 'McNaughton Rule' kung saan sinasabing ang lahat ng nasasakdal ay ikokonsiderang matiwasay ang pag-iisip hanggat hindi napapatunayan na sila nga ay tinakasan ng bait." Mahabang paliwanag ni Fidel dahil ito rin ang huling inisip nya dati upang pawiin ang kuryosidad sa kaso na ito. Walang bakas ng pagkainis, bagkus, natutuwa si Fidel na kausap si Isagani patungkol sa araling batas.

"O sya, tama na pwede ba? Hindi matatapos yang discussion nyo eh. Basta, never free na si McDonalds-whatever. Pwede ba bilisan na lang natin ang paglalakad kasi kanina pa tayo inaantay sa kuta at magluluto pa kami nila Juli at ate Lucia." Suway ni Klay sa dalawang lalaki. Tuluyan ng uminit ang ulo. Para namang kawawang kuting ang dalawa matapos mapagsabihan ni Klay. Ipinagpapasalamat naman iyon ni Basilio. Rinding rindi na talaga sya. Sa wakas ay makakapaglakad na rin silang lahat ng mahinahon.

Napangiti si Juli sa mga nasaksihan. Humahanga syang tunay kay Klay. Isang napaka tapang na babae na kayang rendahan ang isang magiting na lalaking katulad ni Fidel at ang halos kahawig ng ugali nitong si Isagani. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Juli na may malalim na pagtingin si Fidel kay Klay. Kitang kita ito ng kung sino mang nag-oobserba. Naintindihan nya iyon kung bakit, sapagkat si Klay ay tunay na kahanga-hanga. Kakaibang babae na may kakaibang tapang at talino. Nilapitan ni Juli ang nakakatandang dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Moments In TimeWhere stories live. Discover now