Hindi ba pwedeng... Ikaw na lang?

151 4 2
                                    

Moments In Time 06 - Hindi ba pwedeng... Ikaw na lang?

Summary: Mga munting kahilingin para sa nalalapit na Pasko.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Madilim at maalwan ang lagay ng temperatura ng kwarto kung nasaan si Fidel. Hindi gaano kainit at hindi naman ganoon ka lamig. Nakahiga sya sa kanyang kama at hinihilot ang sintido. Masyadong maraming aberya ngayon sa kanyang tindahan. Talagang nakakapagod.

"Fidel..." Malambing na tawag sa pangalan nya ng isang boses ng babaeng na pamilyar na pamilyar sa kanya. Kahit sya ay nakapikit, kilala nya kung sino ang tumatawag sa kanya.

Narinig nya ang mahinang yabag ng taong tumawag sa kanya. Dahan dahan itong lumalapit sa kanya. Patuloy lang na nakapikit si Fidel kahit naramdaman na nyang umalo ang kama ng maupo ang taong tumawag sa ngalan nya sa may bandang ulonan nya. Maya-maya pay naramdaman nya ang malalambot at medyo malamig na mga daliring hinihilot ng banayad ang kanyang sintido kung saan nya ito hinhilot kanina.

Panandaliang tinigil ng dalaga ang ginagawa nitong paghilot sa kanyang sentido. Sumimangot naman ng kaunti si Fidel ng pagprotesta dahil ayaw nya pang itigil nito ang ginagawa. Naramdaman na lang ni Fidel na banayad na inangat ng dalaga ang kanyang ulo at inihiga ito sa malalambot na mga hita ng dalaga. Nang maayos ng nakahiga ang ulo nya sa hita ng babae ay pinagpatuloy nito ang paghilot sa kanyang ulo.

"Napagod ba ng husto ang mahal ko ngayong araw?" Ikinangiti ni Fidel ang tanong ng babae. Nagmulat sya ng mata at sinalubong ang matatamis na ngiti ni Klay. Tumayo sya sa pagkakahiga at mabilis na hinawakan ang pisngi nito. At bago pa makahuma si Klay ay inumpisa ni Fidel na angkinin ang mga labi Klay.

Naramdaman ni Fidel ang pagsinghap ni Klay kaya sinamantala ito ni Fidel upang lasapin ang kaibuturan ng labi ni Klay. Kinagat kagat ni Fidel ang mga labi ni Klay. Dinampi nya ang dila sa bukana ng bibig nito, nagsusumamong tugunan ng dalaga ang init na nararamdaman nya. At hindi naman nabigo si Fidel.

May konting hiya, pero unti unting tinugonan ni Klay ang mga halik ni Fidel. At nang manghingi ng permiso ito sa bukana ng kanyang bibig ay nagpaubaya sya. Napakapit na lamang si Klay sa braso ni Fidel nang maradaman ng dalagang gumapos sa beywang nya ang isang kamay ni Fidel - nilalapit nito ng husto ang katawan nila sa isa't isa. Ang isang kamay naman nito'y nasa likod ng kanyang ulo, kinukulong syang lalo sa mainit at mapusok nitong mga halik.

"Klay..." Nasambit na lamang ni Fidel matapos ang halos walang katapusang halik na ginawad nya sa dalaga. Nakakapit na ngayon si Klay sa kanyang leeg. At nang marinig nyang umungol ang dalaga'y, halos mapatid ang kaunting natitirang pagpipigil nya sa sarili.

"Klay... kung ayaw mo, sabihin mo lang... hindi kita pipilitin." Gayunpaman, nananalangin si Fidel na sana'y huwag syang pigilan ni Klay. Pero totoo ang sinabi nya. Hindi nya ito pipilitin kahit na halos hindi na sya makahinga sa pagpipigil ng nararamdaman.

Isang banayad na halik ang sinagot sa kanya ni Klay. Nahihiya, pero determinado. Matatamis. Sa pagkakataong ito'y hinayaan ni Fidel na si Klay naman ang magdesisyon ng direksyon ng pinagsasaluhan nilang halik. Maya maya pa'y naramdaman nyang dumampi ang malambot na dila ni Klay sa bukana ng kanyang bibig. Isang malakas na ungol ang pinakawalan ni Fidel at muli, inangkin nya ang bibig ni Klay. Mas mapusok kaysa kanina. Lantarang pinaglaro ni Fidel ang kanilang mga dila. Tila ba nauuhaw si Fidel at si Klay ay isang malamig ng tubig mula sa malinis na bukal.

Moments In TimeWhere stories live. Discover now