20

580 18 3
                                    

Chapter 20 
Gaizer Marshall's POV 
All this time ako pala nagsimula nitong lahat. Pinaniwala ko ang sarili ko na bumalik ako para humingi ng tawad kay Grim kahit na ang totoo bumalik ako para ibalik sa akin si Grim. 

"H-Hindi pa naman huli ang lahat diba?"

"Patawarin mo ako kasi sinungaling ako. Hindi ako naging totoo sa nararamdaman ko," ani ko. Tiningnan ko si Grim na bumangon. 

"Bumalik ako kasi gusto kita makita. Gusto ko ulit maging parte ng buhay mo."

"Gusto ko na—."

"Masasabi mo pa kaya 'yan kung sabihin ko na ako ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay mo ngayon?" putol ni Grim bago yumuko at sinubunutan ang sarili. 

"Grim anong sinasabi mo?" tanong ko. 

"Buntis ka Gaizer at matagal ko ng alam na pwede kang mabuntis katulad ni Miguel. Isa iyon sa naging ko way para hindi kana umalis sa tabi ko."

Hindi ako nakapagsalita matapos sabihin iyon ni Grim. 

"G-Grim, hindi magandang biro 'yan? Paano ako mabubuntis?" hindi makapaniwala na sambit ko. 

Hindi nagsalita si Grim. Nanatili lang itong nakayuko at nakayukom ang kamao. 

Bumaba ang tingin ko at hinaplos ang sinapupunan ko. 

"Iyon ba ang reason kung bakit ako palagi nawawalan ng malay?" tanong ko. 

'Anak namin ni Grim?' dapat ba akong magalit dahil nalaman ko ang reality na ginawa ito sa akin ni Grim dahil ayaw niya ako umalis or matuwa dahil dinadala ko ang baby namin ni Grim. 

"Ipalaglag natin nag baby," ani ni Grim na kinatingin ko. Sumalubong ang kilay ko at sa isang iglap nakaramdam ako ng galit kay Grim. 

"Kung ayaw mo sa akin Grim sabihin mo! Hindi ko ipapaako sayo ang baby ko at pakasalan mo si Tricia katulad ng plano mo!" sigaw ko na kinatigil ni Grim. 

Pesteng luha ito bakit tumutulo na naman. Pinunasan ko ulit ang pisngi ko na kinamura ni Grim. 

"Hindi kaya ng katawan mo Gaizer. Ayokong mawala ka. Sinabi na ng doctor na baka hindi kayanin ng katawan mo. Maaring pareho kayo mawala ng baby kapag—."

"Pero papayag ka na mawala ang baby? Hindi kasalanan ng baby ito bakit siya kailangan magbayad."

"Bubuhayin ko ang bata at hindi ko siya—."

"Bakit hindi mo maintindihan na ikaw ang inaalala ko?! Mali ang ginawa ko! Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi ko na ginawa."

"Hindi ko hahayaan na ikaw ang maghirap dahil sa kasalanan ko. Hindi kayo ng baby."

"Then buhayin natin siya. Hindi na tayo bata Grim," ani ko na kinatingin ni Grim. 

"Masyadong mahaba ang naging away natin na dalawa. Kahit minsan piliin naman natin maging masaya at totoo."

"Itong baby. Ito lang ang naging tama. Siguro nga bunga lang ito ng maling mga desisyon natin pero itong baby binigay sa atin."

"Buhay na ito. Anak natin pareho."

"Dugo at laman natin dalawa. Walang kasalanan ang bata."

"Gaizer, ayokong mawala ka."

"Hindi ako mawawala. Mabubuhay kami ng baby. Mabubuhay ang anak natin na dalawa."

"Tanggapin natin ang consequence. Magagawa natin lahat ito maitama."

"This time magkasama na tayo diba?" tanong ko. Napatigil ako ng yakapin ako ni Grim.  
Sobrang higpit na yakap. 

Territorial Kings: His Wicked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon