37

312 13 0
                                    

Chapter 37 
3rd Person's POV 
Dahil walang tulog ang TK. Natulog na din ang mga ito bago tuluyan magdilim maliban kay Keehan na naglalaro ng online game.

Napansin kasi nito na pabagsak na ang ulo ng binata. 

"Bazile, kung inaantok ka matulog kana—."

Naputol ang sasabihin ni Keehan ng bumagsak ang ulo ni Bazile sa balikat niya. Napatingin dito sandali si Keehan at nakumpirma na tulog na nga ang lalaki. 

Hinayaan na lang ng binata at pinagpatuloy ang paglalaro. 

Habang tulog ang mga kasintahan. Busy naman sina Gaizer na mag-chat sa group chat nila nina Miguel. 

Nakapatong kasi ang ulo ni Gaizer sa balikat ng binata, hindi siya makagalaw either makapag-ingay kaya nag-chat na lang sila nina Miguel kahit magkakalapit lang.

Habang hinihintay ang chat nina Miguel. Nag-scroll lang ng scroll si Gaizer ng mga latest update about sa TK. 

Wala itong magawa kaya kahit sa twitter tumambay ito. Pero katulad ng inaasahan. Ikigai at Tk lang ang laman ng twitter even sa news updates. 

Sa una daw na pagkakataon pareho at sabay na dadalo ang dalawa sa bigating boy band sa isang concert na katulad ng TK at Ikigai. 

Parehong agency at nangunguna, pumapangalawa sa music chart list ng taon. 

Nang maboring si Gaizer. Binaba na din nito ang phone at sumiksik kay Grim. Agad naman siya niyakap pabalik ng kasintahan at kinulong sa mga braso nito. 

— 
"Ilang araw ang byahe bago tayo makarating sa province niyo, Keehan?" tanong ni Gaizer. 

Nagising na lang kasi si Gaizer nasa loob na sila ng yacht at bumabyahe na ito. 

"Isang araw lang naman don't worry," sagot ni Keehan habang umiinom ng wine na kinuha nito mula sa bar counter ng cabin. 

"Gaizer, nagugutom kana ba?" bungad ni Grim nang makita niya ang kasintahan at lumapit sa binata na nakaupo sa high chair. Umiling lang si Gaizer matapos siya halikan sa noo ni Grim. 

"Gusto ko lang maglakad-lakad," sagot ni Gaizer. 

"Gusto mo lumabas? Nasa labas sina Miguel tinitingnan ang mga dolphins," ani ni Grim. Tumango si Gaizer kaya inalalayan siya ni Grim palabas. 

"Sana naman marunong magyaya," biglang sulpot ni Jaxon at umupo sa upuan na katabi ni Keehan. 

"Dapat pa ba kita salinan ng alak?" ani ni Keehan. Natawa lang si Jaxon matapos siya abutan ni Keehan ng baso. 

"Umagang-umaga umiinom ka," ani ni Jaxon. Hindi umimik si Keehan at finocus na lang ang sarili sa baso na hawak. 

"Napapansin ko masyado kayong close ng kapatid ni Vergara," ani ni Jaxon na kinatigil ni Keehan sa paglalaro nito sa basong hawak. 

"Kapatid siya ni Grim anong masama?" tanong ni Keehan matapos ipagpatuloy ang pagpapaikot ng alak sa iniinom na baso ni Keehan. 

"Ilang beses niya na din ako niligtas," dagdag ng lalaki na kinatingin ni Jaxon. 

"Kasama ba duon ang pagpigil niya sayo na pumunta sa kwarto ko?" ani ni Jaxon. 

Napatingin sa kanya si Keehan. Nagkakatitigan silang dalawa. Huli na ng marealize ni Jaxon na nag-iba ang meaning ng sinabi niya sa binata. 

Napatayo si Jaxon ng ibaba ni Keehan ang hawak na baso at tumayo. 

Naglakad paalis si Keehan pero bago pa siya makalayo hinawakan siya ni Jaxon sa braso at iniharap. 

"Sorry, I did'nt mean na—."

"Huwag na natin ulit ito pag-uusapan. Kakalimutan ko na may sinabi ka ngayong araw na ito," ani ni Keehan bago inalis ang kamay ni Jaxon. 

Nabigla si Keehan ng mas higpitan iyon ng lalaki at isandal siya sa bar counter. 

Bumagsak ang baso at nabasag. 

"Bitawan mo ako Jaxon. Ano bang ginagawa mo?" ani ni Keehan na nagsisimula ng matakot. 

"Ginagawa ko? Pagkatapos ng lahat Keehan babalewalain mo ako?"

"Ano bang sinasabi mo?! Bitawan mo ako nasasaktan na ako," ani ni Keehan habang pilit na tinutulak si Jaxon palayo. 

"Ginusto mo din 'yon diba? Sabihin mo!"

Hindi nakapagsalita si Keehan. Naiyukom nito ang kamao. Hindi niya iyon ginusto. Pero dahil kinukonsidera niya ang pakiramdam ng kaibigan niya at hindi niya iyon kontrol wala siyang magawa. Hindi niya masisi lahat sa kaibigan. 

"Tigilan mo 'yan."

Napatigil si Keehan ng may humila kay Jaxon palayo sa kanya. Nabitawan siya ni Jaxon dahil duon. 

"Bakit ba lagi kana lang nangingialam?!" bulyaw ni Jaxon. Umigkas ang kamao ni Jaxon ngunit nailagan iyon ni Bazile at nasalo. 

"Fuck!" mura ni Jaxon ng pilipitin iyon ni Bazile. 

"Akala mo ba matutuwa sina kuya na nag-aaway kayong dalawa?" tanong ni Bazile matapos itulak si Jaxon palayo. 

"Manahimik ka! Huwag ka nangingialam dito!"

"Don't worry wala naman akong pakialam sayo," ani ni Bazile bago tumalikod at naglakad palabas ng cabin. 

"Pero kapag nakita ko pa na saktan mo si Keehan. Babaliin ko lahat ng buto sa katawan mo hanggang sa hindi kana makayo sa stage ng susunod na concert niyo," banta ni Bazile matapos buksan ang pintuan at lumbas. 

Bago pa makatayo si Jaxon tumakbo na din palabas si Keehan hawak ang braso. Tinawag ito ni Jaxon pero hindi ito lumingon pa sa binata. 


Nanatili lang sa loob ng kwarto si Keehan maghapon. Tinatawag ito nina Apollo ngunit sinabi nito na gusto niya matulog. 

Nakaupo lang ang binata sa ibaba ng kama habang hawak ang braso na may pasa. Hindi na alam ni Keehan ang gagawin naguguluhan na ang lalaki. 

Maya-maya nakarinig siya ng mahinang katok sa labas ng kwarto. 

"Lagyan natin ng ointment 'yan. Masakit ba?" tanong ni Bazile mula sa labas. Napatayo si Keehan matapos marinig iyon. 

Humakbang ang binata palapit sa pinto at binuksam iyon. Nakita niya ang lalaki na may dalang first aid kit. 

Pinapasok siya sa kwarto ni Keehan at sinara ang pinto. Walang imikan ang dalawa ng pahidan na ni Bazile ng oinment ang pasa ni Keehan. 

Napatigil si Keehan ng hawakan ni Bazile ang kamay niya napatigil ang binata ng makita na may mga gasgas duon dahil siguro sa pagtulak sa kanya ni Jaxon sa bar counter. 

"W-Wala ka bang sasabihin para i-comfort ako?" tanong ni Keehan. 

"Mahina ka at ayoko sayo."

Natawa ng mahina si Keehan matapos iyon sabihin ni Bazile. Walang nakakatawa sa sinabi nito at kapag sinabi ni Bazile alam niya na totoo iyon. 

Hindi niya alam pero kapag nagsasalita ito ng hindi maganda sa kanya imbis dibdibin o masaktan natatawa ito dahil sobrang honest ng lalaki. 

"Hindi ka ba marunong mag-konsidera sa feelings ng ibang tao?" tanong ni Keehan. 

"Para mo na din sinabi na sabihin ko sa kanila na abusuhin nila ako at lokohin sila," ani ni Bazile habang ginagamot ang sugat ni Keehan. 

"Kaya ba ang sama ng ugali mo sa akin?" tanong ni Keehan ha kinatingin sa kanya ni Bazile sandali. Agad din nito binaba ang tingin at pinagpatuloy ang paglilinis ng sugat niya. 

"Hindi lahat ng taong masama. Walang pakialam 'sayo katulad ng hindi lahat ng mabuting tao totoo 'sayo."

"So? May pakialam ka sa akin?" natutuwa na sambit ni Keehan na kinibitbalikat ni Bazile. 

"Ikaw hindi totoo diba? Habit mo na din magpakitang tao kaya naiinis ako 'sayo," ani ni Bazile na kinatawa ng binata. 

"Kaya nga hindi tayo magkasundo."

Territorial Kings: His Wicked WaysWhere stories live. Discover now