Chapter 45
3rd Person's POVMaaga pa lang inaabangan na nina Gaizer, Wax at Miguel ang live performance ng Ikigai at TK.
"Wow, ang daming tao," ani ni Miguel matapos makita mula sa camera ang madaming ilaw at milyon-milyong tao ang pumunta.
Sa lahat ng channel halos ang Ikigai at TK lang ang laman ng news. May iba din naman na performer pero ang dalawang boy band lang talaga ang pinagtuunan ng pansin ng mga manonood at media.
Maya-maya dumating si Bazile. May dala itong tray na may laman na popcorn at french fries.
"Kyaah! The best ka talaga Bazile! Hihi," ani ni Wax matapos kuhanin ang isang mangkok na may laman na popcorn.
Hindi umimik si Bazile at tumabi na lang kay Gaizer na binigyan naman siya ng space.
"Anong oras ang simula? Aga niyo binuksan ang t.v," tanong ni Bazile. Ang alam kasi ng binata magsisimula ang live exact 1pm.
"Mamaya pang hapon. Manonood kami dapat ng spongebob kaso puro about sa concert ang palabas sa lahat ng channel."
Maya-maya napatigil si Gaizer nang makita niya na mag-vibrate ng phone niya at mag-invite ng video call si Grim.
Agad iyon kinuha ng binata at sinagot.
"Putangina! Umayos kayo Ikigai!"
Napatingin sina Miguel ng makita ang TK sa screen kasama ang Ikigai.
"Nagpe-prepare na kayo? Anong nangyayari diyan?" tanong ni Gaizer sa binata.
"Nasa iisang dressing room lang kami kasama ang mga punyetang Ikigai," reklamo ni Grim na kinatawa ng binata.
Sumilip sina Wax at Miguel nakita nila na busy ang asawa at kasintahan nila sa pagsusuot ng damit.
Magulo ang background at maingay. Maya-maya namatay ang tawag ng may mga dumating.
"Kasama nila ang Ikigai? Si Manager Rai yata 'yong nakita ko kanina," ani ni Miguel.
"Nasa iisang dressing room lang 'yong dalawang grupo. Goodluck kina Teressa at Rai," natatawa na sambit ni Gaizer bago binaba ulit ang phone.
—
"Grabe ilang oras pa before magsimula ang concert. Ang dami pang tao at madami pa ang dumadatong," ani ni Keehan habang nakatingin sa malaking screen na nasa loob ng dressing room."Huwag ka ng magtaka. Sold out lahat ng ticket sa concert na ito," ani ni Elliseo na inaayos ang sariling buhok.
"Aki at Grim! Tigilan niyo na nga 'yan," saway ni Rai sa dalawa.
May hawak kasi na dustpan si Aki at walis tambo si Grim. Nage-espadahan ang dalawa 'yong tipo na para silang nasa historical era sa gitna ng digmaan.
Tamang-tama dahil halos all black ang outfit ng Tk at white naman sa Ikigai. Kung may makakakita 'man sa kanila iisipin na part lang iyon ng shooting pero nakakasira talaga sa image nila ang hawak ng mga ito na dustpan at tambo.
Napasapo na lang sa noo si Apollo bago parang pusa na hinila si Grim palayo kay Aki. Tatawa si Aki ng 'ganon din gawin ng manager sa kanya at binalik kina Kai na tatawa-tawa lang dahil sa ginagawa ng leader nilang loko-loko.
—
Lumipas ang mga oras. Madaming mga grupo ang nagperform at base sa list ang huling magpe-perform ay ang Ikigai at TK.Maya-maya dumagundong ang ingay sa buong venue ng tawagin na ng announcer ang pangalawa sa huli na magpe-perform.
"Gaizy! Ang Tk na ang magpe-perform!" sigaw ni Wax.
Pagkatapos uminom ng tubig lumapit na si Gaizer at tumabi kina Miguel. Tila nabuhay qng mga nanonood matapos makita ang TK sa stage.
"Gosh, bakit ang daring ng suot nila," ani ni Wax.
Sobrang ingay ang naririnig sa venue at natahimik lang ang mga ito ng kumanta si Apollo.
"Hihi kainlove," ani ni Wax habang kumakain ng popcorn.
Gaizer Marshall's POV
Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig ko sila kumanta. Pero hindi ko pa din maiwasan na humanga sa boses na meron ang bawat isa sa TK.Nakakapangtaas ng balahibo at nakakapanikip ng puso.
Sunod naman na kumanta si Grim na kinahiyaw ng mga manonood lalo na ng nagbigay ng ngito si Grim.
Dumadagundong ang ingay na kinatawa ng TK mula sa stage.
'Kyaah! TK!'
Sunod an paghampas ni Keehan sa drum ang hiyawan at pagsabay ng audience sa kanta ni Apollo at Grim.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita ang saya sa mukha ng TK. Sa tagal kong pagiging manager ng TK ngayon ko lang sila nakita mag-enjoy.
I mean hindi ko alam kung saan nanggaling ang ngiti at saya sa mukha nila pero ngayon ko lang sila nakita na ganyan sa taas ng stage. Hindi ko alam kung dahil sa pagiging totoo nila, sa reality na madami ang tumatanggap pa din sa kanila, dahil sa amin o dahil sa Ikigai na nasa ibaba ng stage at nanonood sa kanila na kasalukuyan pinaguusapan ngayon ng mga reporter.
Siguro lahat at lahat 'yon bumuo ng bagong pagkatao sa TK.
Nang matapos lahat ng magpe-perform nila pati ang dance number. Bumaba na din sila at sunod na tinawag ang TK.
Kung itatanong kung sinong mas malakas ang hiyawan. Hindi ko masasagot dahil parang pareho lang.
"Gosh, nakaka- goosebump din ang boses dalawang vocalist ng Ikigai," komento ni wax.
Vocalist pala si Aki at Kai. Compare sa TK na kasisimula pa lang masasabi ko na buo ang boses ni Kai at Aki na hindi na nakakapagtaka dahil matagal na sa industry ang Ikigai at hindi sila mangunguna para sa wala."
"Mas maganda ang bending ng boses nf dalawang vocalist ng Ikigai," komento ni Bazile.
"First time naman nagsabay sina Apollo at Grim. Mai-improve din nila iyon at mas maganda pa sa Ikigai ang magagawa nila," ani ni Wax na nakanguso.
Natawa ako dahil sa idea na tama si Wax, siyempre isa sa boyfriend ko ang vocalist.
3rd person's POV
"Teka," ani ni Aki mula sa stage. Habol hininga nito kinuha ang mic at tiningnan ang audience.
"Wala itong practice as in. Dahil wala naman mawawala at gusto lang namin na ma-enjoy ng audience ang araw na ito."
"Gusto ko imbitahan dito sa taas ang Territorial kings or mas kilalang Tk," ani ni Aki.
Kumunot ang noo ni Grim matapos marinig iyon. Nagtataka 'man ay tumaas na sila matapos mag-gesture si Rai.
Naghiyawan ang lahat ng audience matapos makita ang dalawang grupo sa itaas.
Tinaas din ng ilang staff ang music instruments ng TK na agad kinuha nina Apollo.
"Pinanonood tayo world wide. Anong pauso ito Aki," may diin na sambit ni Grim.
"Ayusin mo. Ikaw magpapahiya sa grupo mo kapag nagkamali ka," natatawa na sambit ni Aki.
Napailing na lang si Kai dahil sa kalokohan ni Aki, nadamay sila at ang TK.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Wicked Ways
General FictionBlurb: 'Papa, hindi ko ito maintindihan.' 'Ang ganda naman nan papa.' 'Papa gusto ko po nun.' 'Papa gusto kita makasama habang buhay.' "Gaizer!" Nahila ng lalaki ang hininga nang magising siya mula sa malalim na pagkakatulog at makita ang kaibigan n...