Chapter 34
3rd Person's POV
Sinunod ng TK ang sinabi ni Gaizer kahit tinutulan ito ng company. Sinabi nila ang totoo ngunit hindi nila sinabi kung sino-sino ang nasa litrato o sino ang karelasyon ng TKs.Pinag-usapan iyon ng buong mundo at sa hindi inaasahan maganda ang naging feed back. Mas tumaas ang rating at mas lalong inabangan ang concert ng TK.
May mga fans na nambatikos sa TK pero mas madami ang sumuporta at mas sumuporta dahil sa pagiging honest ng TK.
Mas lalo silang minahal ng fans na hindi iniexpect ng company.
Naging usapan iyon sa internet, sa magazin at iba pa na platform. Hindi pa nakakapagperform ang TK pero pumapangalawa na sa Ikigai ang TK pagdating sa popularity.
Ang last album ng TK biglang pumangalawa sa music chart kasunod ng album ng Ikigai.
"Tangna! Totoo ba ito? O nanaginip lang ako?"
"Guys!" sigaw ni Elliseo matapos kalampagin ang pinto ng TKs.
"Putangina, siguraduhin mong importante 'yan! Ang aga-aga ng pambubulabo—."
"Tuloy ang concert at iniimbitahan din tayo sa awarding na mangyayari next year!"
"Pumangalawa ang last album natin sa music chart!"
Nawala yata ang antok nina Jaxon matapos marinig iyon. Tiningnan nila ang hawak na laptop at duon nakita nila ang recent music chart ng entertaiment industry.
"Tapos tinawagan ako ni Teressa. Mas dumami daw ngayon ang sponsor ng TK at madaming contract."
Nakasandal lang si Gaizer sa gilid ng pintuan. Nakangiti ito habang pinanonood ang TK na nagkakatuwaan na at may sobrang saya sa mukha.
"Manager!" sigaw ni Keehan.
Napatigil si Gaizer ng sunggaban siya ng yakap ni Keehan na sinundan ng TKs."Manager, paano na lang kami kung wala ka," mangiyak-ngiyak na sambit ni Keehan.
Nang umayos ng tayo ang TK tiningnan sila ni Gaizer.
"Hindi ko 'yon masasabi kung hindi kayo ang TK. As a manager at nasa 'ganon na sitwasyon ang mga alaga ko. Huling bagay na sasabihin ko sa inyo ay ang 'maging totoo kayo'."
"Pero as a fans at parte ng TK. Maging totoo kayo ang unang sasabihin ko talaga dahil malaki ang tiwala ko sa inyo."
"Kayo 'yong uri ng grupo na hindi kailangan ng manager or malaking agency para makarating sa taas."
"With that look and talent magagawa niyo lahat kung magtitiwala kayo at hindi niyo iisipin ang sasabihin ng ibang tao."
"Kaya niyo lahat kumanta, nagbabato-bato piks na nga lang kayo kung sino ang magiging sunod na vocalist sa next concert diba? Kaya niyo tumugtog ng iba't ibang klaseng instrument, gumawa ng sarili niyong kanta at step."
"Sinong tao ang hindi mamahalin ang TK? Kahit nasa itaas na kayo down to earth pa din ang ugali niyo."
"Ayaw niyo sa fans, sinusungitan niyo pero lahat ng gift nila tinatago niyo at tinatanggap. See? Madami kayong katangian. Sinong mga tao ang hindi mamahalin ang tunay na TK?"
Natawa si Gaizer ng yakapin siya ng TK at magpasalamat. Siyempre buong ingat nila ginawa iyon dahil buntis ang manager.
Ilang linggo din umingay ang TK at talagang madaming fans ng TK ang nag-abang sa labas ng agency.
Dahil pinatawag ang TK ng ilang producer kinailangan ng TK pumunta sa agency. Isang araw na meeting para sa darating na concert.
Madaming pinadalang tauhan ang management para i-guide ang banda papasok ng company.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Wicked Ways
General FictionBlurb: 'Papa, hindi ko ito maintindihan.' 'Ang ganda naman nan papa.' 'Papa gusto ko po nun.' 'Papa gusto kita makasama habang buhay.' "Gaizer!" Nahila ng lalaki ang hininga nang magising siya mula sa malalim na pagkakatulog at makita ang kaibigan n...