36

371 8 0
                                    

Chapter 36 
3rd Person's POV 
Nagsimula na ang byahe. Ang TK at si Bazile mga nanatiling gising. Nagkukwentuhan ang mga ito habang tulog ang tatlo. Hindi naman nag-alala sina Grim dahil may suot na headset ang mga kasintahan at alam nila na hindi agad ito mga magigising. 

Smooth naman ang byahe dahil magaling na driver si Bazile. Tama lang ang bilis ng pagpapatakbo nito ng sasakyan dahil may mga buntis silang kasama. 

"Anong oras na?" tanong ni Grim. Maliwanag na kasi sa labas at hindi nila iyon napansin dahil sa ingay nina Elliseo. 

"6am to be exact, may malapit na drive tru dito?" tanong ni Apollo. 

"Malayo pa," sagot ni Keehan habang hawak ang phone. 

"30 minutes pa ang malapit na drive tru pero may nakita akong malapit na shop."

"Kailangan may bumaba."

"Drive tru na lang. Baka may makalilala sa atin," ani ni Apollo. 

"Hindi pa naman gising ang dalawang buntis."


Nagising si Gaizer ng tumama sa kanya ang liwanag galing sa labas ng bintana. Binaba nito ang suot na headset matapos makita na may nag-aabot ng pagkain sa kanila. 

"Nagising ba kita?" ani ni Grim. Umiling lang si Gaizer at kinusot ang mata. 

May hawak na paper bag si Grim at agad binigay sa kanya ang laman nuon. 

Bigla yatang nagutom si Gaizer matapos makita na french french fries 'yon. Agad iyon kinain ng binata. Habang si Grim nama hinahalungkat ang dala nitong bag. 

Nilabas nito ang thermos na may laman na gatas ni Gaizer, at ilang gamot. 

"Inumin mo ito," ani ni Grim bago inabot sa lalaki ang hawak na maliit na thermos. 


"Gusto mo pa?" tanong ni Apollo ng makita na naubos ng asawa ang kinakain na hamburger. Inabot pa nito ang isa pang hamburger na inorder niya. 

"Tingnan mo baby, ang ganda," ani ni Wax habang nakatingin sa palayan na nadadaanan. 

"Bakit nakikita ko si Wax?" ani ni Miguel habang nakasilip sa bintana at nakakita ng mga kalabaw. 

"Gaga! Ang ganda ko naman kalabaw."

"Patingin nga," dagdag ni Wax bago lumapit sa kabilang side ng van at tingnan ang sinisilip ni Miguel. 

"Hindi ba pwedeng buksan itong bintana? Gusto namin ng hangin," ani ni Gaizer matapos lingunin si Grim na kumakain. 

Lumapit ang lalaki at binaba ang bintana. 'Ganon din ang ginawa nina Elliseo na kinatuwa ng tatlo. 

"Gosh, ang tagal na din ng nakakita ako ng ganitong nature. Kaloka ang sarap ng hangin," natutuwa na sambit ni Wax. 

"Waxy, look. May kabayo."

"Tungunu mo, Miguel trip mo akomg juntis ka?"

Nakakaloko kasi ang tingin ni Miguel habang pabalik-balik ang tingin sa kabayo at kay Wax. 

"Look, umaambon," ani ni Gaizer bago kinapa ang bonet niya sa upuan at sinuot. 

Nilabas nito ng konti ang kamay at dinama ang ulan. 


Habang nagkakaingay ang tatlo. May sarili din naman topic sina Apolo pero ang pansin nila nasa tatlo pa din na parang bata na dinadama ang ulam sa labas. 

"Naiwan ko ang gitara ko sa unit. Bakit ba nakalimutan ko dalhin 'yon," ani ni Apollo. 

"Ako nga din. Inuna ko kasi mga gamit ni Gaizer," ani ni Grim habang nagbubukas ng mint candy. Hindi niya gusto ang amoy na umiikot sa loob ng sasakyan galing sa labas at nasusuka siya dahil duon. 

Tahimik lang si Keehan habang nakasampa ang dalawang paa sa dashboard. Binaba din nito ang bintana at nilabas ang kamay. 

"Ang bango ng amoy ng pine tree noh?" ani ni Keehan bago nilingon si Bazile na nagda-drive gamit ang isang kamay at ngumunguya ng bubble gum. 

"Hindi ako nature lover. Hindi ko 'yan naa-appreciate." basag ni Bazile na kinatawa ni Keehan. 

"Ang boring mo talaga," komento ni Keehan bago tumingin ulit sa labas. 

Napaismid na lang si Jaxon na nakahiga sa mga upuan at tumagilid paharap sa sandalan. Sinuot nito ang headset at pilit na pumikit. 

Lumipas ang mga oras sa byahe. Sandaling pumarada sina Bazile malapit sa isang public bathroom.

Dahil sa tawag ng kalikasan pansamantala muna sila huminto at pinababa sina Miguel. 

Sinigurado nina Jaxon na walang gaanong tao bago hinayaan sina Gaizer. Dahil hindi naman kalayuan ang bathroom sa gasoline station. Nagpagasolina na din sina Bazile. 

Lumayo muna si Bazile sa sasakyan at hinayaan si Jaxon na magbantay ng sasakyan. 

Nagsindi ito ng sigarilyo at hinithit iyon habang hinihintay ang mga kasama. Nagtingin-tingin sa paligid si Bazile hanggang sa mapako ang tingin nito sa puting sasakyan hindi kalayuan sa pwesto niya. 

Kumunot ang noo ni Bazile matapos makita na pamilyar sa kanya ang sasakyan.

"Bazile, nasa sasakyan na sila," ani ni Keehan na kinatingin ni Bazile. Tinapon ni Bazile ang hawak na sigarilyo bago lumapit kay Keeehan na tumalikod na din at naglakad pabalik sa sasakyan. 

Nagsimula na ulit bumayahe ang grupo. Patingin-tingin si Bazile sa side mirror at nakita nga nito na mukhang ang sasakyan nila ang sinusundan. 

"Keehan magsuot ka ng seatbelt," ani ni Bazile na kinatingin ni Keehan. Nagtataka 'man ay ginawa na din ng lalaki. 

"Kuya, pabibilisan ko ang pagda-drive. Pakialalayan sina Gaizer," ani ni Bazile. 

 "Anong problema?" tanong ni Grim matapos yakapin sa bewang ang kasintahan. 

"Mukhang may mga sumusunod sa atin. Hindi ako sigurado pero mas mabuti na 'yong handa," ani ni Bazile bago pinabilisan iyon. 

"May alam ka pa ba na ibang daan papunta sa daungan?"

"Meron kaso 15 minutes kapag—."

"Magiging 5 minutes kapag pinabilisan ko pa," putol ni Bazile. 

Tumingin sa likuran ng sasakyan si Gaizer at sa bintana. 

"Nasundan ba tayo ng mga taga-media?" tanong ni Gaizer. 

"Sana nga mga press lang," bulong ni Bazile. Maya-maya nawala na din ang sumusunod. Hindi na din tinangka ni Bazile pabagalin ang pagpapatakbo dahil malapit na din sila sa daungan. 

"Madami pang tao sa daungan. Anong gagawin natin?" tanong ni Keehan. Medyo maliwanag pa at talagang madaming tao. 

"Dito muna tayo sa sasakyan," ani ni Elliseo. 

"May gusto ba kayo kainin?" tanong ni Apollo. 


Lumabas sa sasakyan sina Elliseo, Apollo at Griffin. Nakasuot ang mga ito ng cap at face mask kaya walang gaanong tao ang nakakapansin sa kanila. 

Humiwalay si Elliseo dahil may mga nakita itong mga prutas para kay Miguel. Habang sina Grim at Apollo pumasok sa isang grocery store. 

Bumili ang mga ito ng tubig at mga pagkain. 

"May mga pagkain naman sa cabin diba?" tanong ni Apollo. 

"Binilin ko 'yon sa butler ng mansyon. Siguradong lalagyan nila 'yon," ani ni Grim matapos pumili ng mga inumin. 

Nagpa-take out na din si Apollo ng hot coffee para sa grupo. 

Kumuha na din sila ng mga junkfoods para sa TK. Makalipas lang ang ilang oras. Nang makapagbayad na sila sa counter lubas na ang dalawang lalaki. 

Kahit naka-face mask at cap ang dalawang binata hindi pa din maiwasan na may tumingin sa kanila kaya tuwing may mga babaeng napapatitig sa kanila. Yumuyuko ang dalawang binata at tinatakpan ang mukha. 

Lumapit sa kanila si Elliseo na may dalang plastic at paper bag. 

"Binilhan ko na din sina Manager ng prutas at ilang healthy food," ani ni Elliseo matapos itaas ang hawak niya. 

"Bumalik na tayo. Ang daming nakatingin, " bulong ni Apollo matapos akbayan si Elliseo at naglakad patungo sa sasakyan nila.

Territorial Kings: His Wicked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon