28

430 13 0
                                    

Chapter 28 
3rd Person's POV 
"Ano?"

"Dalhin mo ako sa bahay niyo," ulit ni Gaizer kay Bazile. 

"Hindi pwede Gaizer. Hindi mo kilala ang pamilya ko at—."

"Hindi ako uupo na lang at hihintayin si Grim. Isang buwan na siya hindi bumabalik tama na 'yon."

"Dadalhin mo ako 'don o hindi kita ipapakilala na uncle sa baby ko," asar na sambit ni Gaizer. Napalabi si Bazile bago bumuga ng hangin at napakamot sa ulo. 

"Fine, dadalhin kita."

"Okay! Maliligo na ako," ani ni Gaizer na biglang na-excite. Mabilis nito tinungo ang kwarto at nag-shower. 

Nang matapos siya maligo. Pumili na siya ng susuutin. Isang black t-shirt, manipis na jacket at pajama. Lahat iyon cotton kaya hindi nag-aalala si Gaizer na maipit ang baby. 

Bumagsak ang balikat ni Gaizer dahil halata na ang tiyan niya. Masasabihan siya ng lasinggero kahit hindi halata sa mukha niya dahil sa tiyan niya. 

"Anong nangyari?"

Bumukas nag pinto at duon pumasok si Bazile. 

"Ang laki na ng tiyan ko."

"Sa mga hindi nakakaalam na buntid ka sigurado na iisipin na lasinggero ka kaya malaki ang tiyan mo."

Napangiwi si Gaizer dahil 'yon ang exactly na naiisip niya sa sasabihin ng ibang tao kapag nakita ang 'ganon na kondisyon niya. 

"Puntahan na natin si Grim."

Kinuha ni Gaizer ang bag niya na may mga laman na gamot, dinala na din nito ang phone niya at kinuha ang puti na cap na nasa kama. 

\--
Habang nasa byahe. Hindi maiwasan mag-alala ni Gaizer at isipin ang mga posible na nangyari kung bakit hindi nakauwi ang kasintahan.

Mis na mis niya na si Grim at gusto niya na ito mayakap at makita. 

Kalaunan habang nasa byahe si Gaizer kasalukuyan naman nakatingin ng masama si Grim sa ama. Kasalukuyan nito kausap ang ama ni Tricia tungkol sa kasal na hindi naman niya kinasang-ayunan. 

"Grim—."

"Huwag mo ako hawakan, Tricia," asar na sambit ni Grim matapos tabigin ang kamay ni Tricia. Agad ito dinaluhan ng ina na kinatingin ng mga Vergara. 

"Ilang beses ko na sinabi na ayaw ko magpakasal," asik ni Grim. Lalapit ang ama nito ng pigilan ito ni Mrs. Vergara at pilit pinakalma. 

"Kahit anong gawin niyo hindi ako magpapakasal."

"Anong gusto mo mangyari Grim? Hayaan kong ipahiya mo ang pamilya natin para lang sa bakla na 'yon!" bulyaw ni Mr.Vergara. 

"Kung 'yan naman pala ang tingin mo bakit hindi mo na lang ako hayaan! Wala naman talaga ako balak bumalik dito kung hindi mo ako pinaladkad."

Aalis ito ng harangan ulit siya ng mga tauhan na kinayukom ng kamao ni Grim. 

"Dad, kahit na anong mangyari ama ko pa din kayo. Kahit sana konti ikonsidera niyo ang konting respeto ko sa pamilya na ito." malamig na sambit ni Grim. 

"Grim," ani ng nakakatandang kapatid ni Grim matapos ito mapatayo. 

"Young master! Hindi kayo pwede basta pumasok," ani ng butler na kinatingin nina Grim sa pinto.

"Grim!" sigaw ni Gaizer. 

Nanlaki ang mata ni Grim matapos makita ang kasintahan. 

Lalapit si Gaizer kay Grim ng pigilan siya ng mga tauhan  at hawakan siya sa magkabilang braso. 

Nahulog ang suot na sumbrero ni Gaizer. Napahawak ng bibig si Tricia matapos makita ang mukha ng manager. 

"Manager ng TK. Anong—."

"Fuck it! Sabi ng huwag niyo siya hawakan!"

Nagwala si Grim. Nanlaki ang mata ni Gaizer ng sugurin ito ng mga tauhan at pilit na pinigilan. 

Hanggang sa lumapit si Mr.Vergara at sinampal si Grim na kinatigil ng binata. 

"Dad!" sigaw ni Bazile. Tinulak ni Bazile ang mga tauhan na may hawak kay Gaizer at hinawakan ang lalaki. 

"Wala kana bang ibang gagawin kung hindi ipahiya ang pamilya natin!" 

Naiyukom ni Gaizer ang kamao at agad sinugod si Mr. Vergara. 

Nanlaki ang mata ng lahat at hindi nakagalaw ang mga tauhan ng makita na sinuntok ni Gaizer si Mr.Vergara. 

Agad humarang si Bazile ng may mga tauhan na nagtangka na maglabas ng baril. 

 " 'Nong nasa puder ko si Grim ni minsan hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay kahit araw-araw ako nasa Guidance office dahil sa mga kalokohan ng anak mo!"

"Huwag kang magsasalita kay Grim na parang ang laki ng ambag mo sa pagkatao niya. Wala siyang pinahihiya na kahit na sino dahil alam ko na hindi siya babalik dito kahit pa anong gawin mo."

"Sino ka para magsalita ng ganyan ha?"

"Hindi mo ba ako nakikilal—."

"Dad! Tama na! Buntis si Gaizer at kailangan niya si Grim!"

"Itigil mo na ito! Kaya mo lang naman pinagpipilitan ipakasal si kuya dahil gusto mo ng tagapagmana diba?!" sigaw ni Bazile ng palibutan sila ng mga tauhan. 

 "Grimore," ani ng ginang matapos yakapin ang braso ng asawa at tingnan ang sinapupunan ni Gaizer. 

Gaizer Marshall's POV;
Hindi ako makapaniwala. Lahat Lang ito para sa tagapagmana? 

Kahit kailan yata hindi ko maiintindihan ang mindset ng mayayaman. Kinidnap nila si Grim at pilit na pinakakasal dahil gusto ng matandang Vergara ng apo. 

Matapos kami bantaan pinacheck up nila ako at duon nakumpirma na buntis nga ako. 

Pinaalis ni Mrs.Vergara sina Tricia at lahat sila nandito sa kwarto. Nakatingin silang lahat sa akin na parang new discovery species ako. 

"Gosh, hindi ako makapaniwala na magkaka-baby ka," ani ng magandang babae na malaki ang pagkakahawig kina Grim. 

Dinutdot pa nito ang sinapupunan ko na agad tinabig ni Grim at tiningnan ng masama ang kapatid. 

"Anong trabaho mo?" tanong ni Mr.Vergara. 

"Manager ako nina Grim. Nagresign na ako."

Wala na akong trabaho. Handa na sana ako sa susunod nito na sasabihin katulad ng mga nababasa ko sa korean drama ng—."

"That's good. Hindi ko na kailangan sayo na tumigil ka sa pagtatrabaho."

"Magpapadala ako ng personal doctor mo. Araw-araw ka iche-check up. Magpapadala din ako ng mga katulong para sa bahay na lilipatan—."

"Teka! Sino may sabi na papayag kami lumipat at anong doctor?!"

"Kaya ko maghire ng sariling doctor ng asawa ko! Hindi namin kailangan ng tulong mo."

"Wala akong sinabing kailangan ka! Para lang 'yon sa asawa mo at sa apo ko. Kung ayaw mo sa bahay bumili ka ng sayo."

Napangiwi ako ng magsagutan ulit ang mag-ama. Hindi ako makapaniwala na may pinagmanahan talaga si Grim. 

"Stop!"

Sabay na huminto ang dalawang Vergara ng pumagitna si Mrs.Vergara. 

"Alam niyo na nakaka-stressed sa buntis ang sobrang ingay kaya kayong dalawa manahimik kayo kung ayaw niyo mapalabas ng kwarto."

"Bakit pinag-uusapan niyo ang bahay. Hindi pa sila kasal."

"Kasal muna," ani ng ginang na kinalaki ng mata ko. 

"Yey! Give it to me, mommy! Ako mago-organize ng kasal."

Hindi ko alam kung anong ire-ireact ko. Pumunta lang naman ako dito para kay Grim. Bakit napunta agad sa kasal. Anong nangyari?

Territorial Kings: His Wicked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon