Prologue

172 8 3
                                    


Constellation Series #1 Starless Sky

Constellation Series #2 Sweet Escape

Constellation Series #3 Taming the Lion

Constellation Series #4 Bottle of Nicotine

Prologue

Beginning

"Anak, sabihin mo nga kay Nanay ang itsura mo." Mahinhin na sabi ni nanay sa akin.

Nakaupo kami sa isang gilid kung saan may lilom. Kanina pa kasi kami naglalakad ng walang destinasyon.

Kinuha ko ang kamay niya at inilapat sa mukha ko.

"Nakita ko ang mata ko nay sa may pinto ng McDo! Kulay asul, ito ang mata ko, nanay." Pumikit ako at inilagay ang kamay niya sa ibabaw ng mata ko.

"Ang haba talaga ng pilik mata ng anak ko." Tumawa siya.

"Sayang lang at hindi ko nakikita ang kagandahan ng asulan mong mata." Malungkot na bulong niya.

Bulag ang nanay ko at wala kaming sariling bahay.

Palaboy lang kami.

Nabuhay na kami sa ganito. Limang taong gulang na ako at dito na ako lumaki. Madalas ay pagpag ang kinakain namin. Maswerte na kapag may nag abot ng mcdo at Jollibee.

Ang sabi sa akin ni Nanay ay nagising na lang siya ng isang araw na katabi niya ako sa karton na tinutulugan niya.

Kahit bulag siya ay inalagaan niya pa rin ako. Kung paano ay hindi ko rin alam.

"Mas maganda ang mata mo, nanay." Lambing ko sa kanya.

"Ikaw na bata ka talaga. Alam na alam mo kung paano ako pasasayahin." Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa ulo.

"Maraming nagsasabi na matangos daw po ang ilong ko! Ito po!" Itinapat ko ang kamay niya sa ilong ko.

"Tapos po makapal din ang kilay ko at maputi ang aking balat." Patuloy ako sa pagsasabi sa kanya.

"Pasensya ka na anak, hindi na kita maalis sa lugar na ito at hindi kita mapag-aaral." Kahit limang taong pa lang ako ay naiintindihan ko na ang lahat.

"Ang mahalaga sa akin nanay ay ang maging mata mo!" Masayang sabi ko.

"Oh siya, ayusin na muna natin ang tali at nang makalayo na tayo." Sabay kaming tumawang dalawa at tumayo na ako.

May tali na nakapulupot sa tiyan niya at ako ang may hawak sa dulo para sa akin lang sya lagi nakasunod. May kahoy siyang tungkod at nakasakbit sa likod niya ang malaki naming bag kung nasaan ang mga damit namin na nabibili namin gamit ang perang nalilimos.

"Umuulan Nay! Silong tayo" kumapit ako sa braso niya at inalalayan papunta sa ilalim ng tulay.

Ganito lang ang buhay namin. Kung saan-saan lang kami natuloy.

"Nay, gutom na ako." Hinaplos ko ang aking tiyan.

Dahil maulan ang panahon ay wala masyadong tao sa kalye. Sampung piso lang ang laman ng lata namin kaya kulang para sa pangkain naming dalawa.

"May itinago akong tinapay sa bag anak. Kunin mo na at kainin." Diretso ang tingin ni Nanay habang sinasabi iyon.

"Hindi mo kinain kanina ito, nay?" Tanong ko habang binubuksan ang matigas na tinapay na binili namin kaninang umaga.

"Busog pa si Nanay, anak. Sige na, kainin mo na at naririnig ko na ang iyak ng mga bituka mo sa tiyan." Malakas akong tumawa sa sinabi niya.

"Dahil lima ang laman nitong pilipad! Dalawa sayo at tatlo para sa maganda mong anak!" Hinati ko ang laman ng tinapay at sinubukan si Nanay. Ayaw niya pa noong una dahil busog pa raw siya pero nang saktong kumulo ang tiyan niya ay hindi na niya ako napigilan pang isubo sa kanya ang tinapay.

Taming the Lion (Constellation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon